gatewaymeetup

Tips para hindi ma OP sa Meetup.
  • magdala ka ng isang kakilala na tumblrista.
  • Bago kasi mag meetup 2 weeks before ito sinasabi at pinopost sa meetup page.
  • Makipagkaibigan ka muna sa tumblr, magtanong ka kung sino ang pupunta, kapag may nagsabing pupunta sila tanungin mo kung taga saan sila, at kung malapit lang sila sa inyo sumabay ka na. Dahil doon may bonding na agad na mangyayari.
  • Hindi ka ma OOP sa meet up dahil may kasama kang isang kakilala, kahit siya lang ang kausapin mo ok na, pero sayang naman ang pinunta mo kung hindi makikipagusap sa iba. Ayain mo yung kasama mo na makipagkilala rin sa iba.
  • Lahat naman ng tao approachable sa meetup, kailangan lang lakas ng loob, wag mong isiping feeling close ka sa kanila, dahil kaya nga nag meetup para magkaroon at makakita ng bagong kaibigan.
  • Kapag na OP ka pa, choice mo yan. Hinayaan mong ma OP ang sarili mo.
  • Tandaan mo na umpisang umpisa pa lang, hindi magkakakilala lahat yan. Sa meetup lang nagkita kita mga yan at naging mag kaibigan, malay mo ikaw rin sa susunod na meetup ok na rin, ma enjoy mo pa ang lahat ng meetups.
  • Sumali ka sa mga activities, dalhin mo yung 102% confidence mo dun. Makipagkilala ka, ngumiti ka, maki picture kasama nila.
Gateway meet up :)

pumunta kami ni narding sa gateway..ang shunga ko lang kasi ang alam ko lang na timezone ee yung sa cineplex lang,, buti nalang at nakita namin si heyimella at tinuro nya samin kung asan sila. pagdating namin dun, ang dami na nila,, bigla na naman akong nahiya, pang apat ko na tong meet up..pero feeling ko 1st timer pa din ako hehehe..may nameet kaming mga 1st timer kaso umuwe na din sila kagad kasi bawal daw silang magpagabi.. masaya yung meet up.. nakita ko ulit mga nipafollow ko at pinansin din nila ako.. nakakatuwa lang kasi parang naging mini pupmeet up sa dami ng nakita kong tumblristang taga PUP.

sila narding,batangmarie,angpangalankoaymaria,at rudolfo ata..mga kapwa ko PUPians,,yung dalawang girl,sila yung kauna unahan naming na meet ni ley sa meet up..

si reah.from batangas pa e pumunta ng cubao :)

si chunkybuyoy na mahilig sa baller..

salamat nga pala kay gawasalangit sa mga pictures :)

Gateway Meetup

Masaya siya dahil marami akong bagong nakita at nakilala.

Una kong pinuntahan ang grupo nila edang tapos nilapitan ako ng tatlong machong lalake tapos nagulat ako at kilala ako nung mga nurse na anim ata yun. Nakakataba ng puso dahil sa nakikilala nila ako kasama ang URL ko. 

Wala ata akong inabutan na activity dahil umuulan o sadyang late lang talaga ako sa meetup. Nagulat ako sa dami din eh, mahigit 70+ ata kami dun.

Nakakatuwa rin na alam nilang may GF ako, tapos kakamustahin nila kung kamusta na kami ni Khye, basta nakakatuwa. Marami ang first timer na hindi ko hinayaang ma OP.

Pinayuhan ko sila na sa una talaga ganyan mararamdaman mo, pero sa susunod na mga meet-ups hindi na mauulit yun, ngumiti lang sila at makihalubilo dahil approachable naman talaga ito lahat.

Sa susunod na meetup sana eh maging mas masaya pa! Nakakatuwa lang talaga ang nangyari dahil sa dami ng naka appreciate sakin dun, maraming salamat! Lalo ko pang gagalingan.

Yung mga taong na meet ko kanina, TA niyo ako para makamusta ko kayo parati.

Sana lahat eh nakauwi ng maayos at hindi napagalitan ng mga magulang. Paki tag na lang ako sa may mga SLR ha?

Gateway Meetup sa Cubao

Gateway meet-up, Sa Cubao, wala namang gateway sa Trinoma, at sa Marikina kaya sa Cubao.

Food court malapit sa Timezone. Doon sa maraming upuan,

3pm ( wag daw filipino time)

Mamaya.

Nabalitaan kong pupunta si Nuhdz, si Miggy, at si Bother Gyno, so pupunta na rin kami ni Eekol at ng iba niya pang kaibigan, mamayang alas tres. Hindi ko kilala mga organizers e. 

Ang alam ko si Keizia pupunta din, kaya kita kits pag nagkataon. Peksher peksher :> Walang filipino time ha?