gates motel

“PROFESSIONAL THIRD WHEEL FOR HIRE. ( VALENTINES DAY PROMO)”

Dahil wala din naman akong ka-date ngayong darating na Valentines, ( sa mabigat na kadahilanang wala namang nagmamahal at nagpapahalaga sa isang katulad kong hindi kaibig-ibig ), buong puso kong iniaalay ang aking sarili na maging dakilang third wheel ng walang pag-iimbot at buong katapatan na walang halong pighati at bitterness. Sa isip, sa salita at sa gawa.

1. Ako na ang bahala sa instant photoshoot. Pramis, walang ‘pose sa pader.’ Level-up tayo ngayon bes. JaDine levels para goals.

2. ‘Superduper Professional Skills in post-processing. Pero hanggang VSCO lang. Pero hoy, instagram-worthy na naman yon.

3. Hindi ko kayo sasabayan kapag maglalakad. Take your time. Sa likod lang ako. Dalawang metro ang layo para may privacy. Kaya ko ang sarili ko.

4. Ako na ang bahala sa pamatay na caption at quotes sa mga photos na iuupload. Berlin-Artparasites level para sosyal.

5. Ako na ang bahalang mag-flatlay ng food. Di na kayo mahihirapang tumayo sa upuan at problemahin ang poor lighting. At makasisiguradong mainit pa din ang pagkain.

6. May pa-background music pa. From ‘Beat Energy Gap’ to ‘Kung Wala Ka ng Maintindihan’ depende sa request niyo mga bes.  Itotodo natin ang volume kapag maglalampungan na para intense.

7. Kapag magmomotel, ako na ang bahalang bumili ng condom para hindi na kayo mahiya. Sabihin niyo lang kung anong flavor.

8. Ako na din ang magbubook ng Uber para hindi hassle. Kung walang budget, ako na lang ang papara ng tricycle.

9. Ako na din ang magbabantay sa gate ng motel para safe yung identity niyo. ( In case na may pinagtataguan kayo.)

10. Okay lang makipag-torrid at maglaplapan sa harapan ko. Dedma lang ako dyan. Tahimik. Yung parang hindi kayo nag-eexist. Yung parang hindi ako nag-eexist. Manhid na ako sa mga ganyan. Ako pa ba. Sanay na sanay akong binabalewala. 

Terms and Conditions:

Simple lang. Libre pagkain the whole day. Okay lang na sa kabilang table kumain basta ang mahalaga, busog. Tiyan muna bago puso.