ganyan talaga e

Sa mga naging rebound diyan. Ayos lang yan. I mean, ayos lang kasi nalaman mo agad na hindi sila ang taong para sa ‘yo. Maaaring naiparamdam niya sa 'yo na mahal ka niya pero sa huli dun ulit sila sa nakaraan nila pupunta. Minsan maging thankful na lang din dahil naging honest sila at hindi na niya pinatagal ang relasyon niyo.

Minsan kasi mapapaisip ka na sobrang imposibleng mangyari kasi super sweet at parang ayaw ka rin niya mawala e no? Wala e, ganyan talaga at hindi mawawala yung ganyang tao. Wala ka namang magagawa diyan. Minsan nagiging makasarili ang tao at madalas ikaw naman ang nagiging biktima.

Ganyan naman talaga e. Matapang lang sa internet pero kapag sa personal na, bulong-bulungan na lang. Lakas niyo makabangga ng kung sino akala mo may napatunayan na talaga sila. Tigilan niyo nga ako, saksi na ako sa kaplastikan niyo kapag nagkikita tayo. You can say whatever negative things or judgments you want, they’re irrelevant for me anyway. Mas kilala ko sarili ko.