ganito-kami

Uso sa classroom.

‘Yung eksenang…

Gyno: Tignan mo 'to.
Friend: Astig!
Gyno: Alam mo kung bakit?
Friend: Bakit?
Gyno: Kasi gago ka eh.

Pag nagtanong siya ng bakit, isagot mo, “Kasi gago ka eh.” Hindi ako nagpauso niyan pero uso lang kasi talaga sa aming magkakaklase.

Gyno: Pre pre pre.
Friend: Bakit?
Gyno: Kasi gago ka eh.
Friend: HAHAHAHA! Pulis ka ba?
Gyno: Ba– Hahahaha.

OVERTIME

Nayon ay araw ng sweldo, karaniwang eksena na dito sa opinsina ang mahabang pila ng mga empleyedo.Nakapila at naghihintay ng kanilang “turn”(Anong tagalog dun?)Basta yun..716pm na pero madami-dami pa din ang dumarating para pumila.

Hindi para sa sweldo nila kundi sa so called “CA”.Cash advance ang tawag nila dito.Bilib me, patok na patok eto .Walang sinabi ang mga Bombay na de motor sa pag papautang.Cash advance daw yun ayun sa mga nangungutang. Ang siste kasi.Uutang sila ngayong sweldo, at automatic yun na kakaltasin sa susunod na sweldo nila.Installment komporme sa kung ilan buwan mo gusto.

Ang nakakatawa dito yung mga nagpapautang eto sila kasabay ko na nag o-OT.Take note personal nila eto.Astig diba.Anyway sure na kita yun ng nagpapautang at somehow natulungan naman nila yung mga umutang.Paulit-ulit, palging ganito walang katapusan at ang sigurado laging may umuutang.So sigurado na din ang OT diba.

Parang wala na din akng pinag kaiba sa kanila kung paano nasasayang ang oras na binabayaran kami sa paggawa ng peronal naman.

Ganito ang kalakaran pero hindi ako makasabay.hahaha.Wala kasi akong ipapautang at higit sa lahat promise, takot ako.Basta takot.yun na yun.

Yung nararamdaman mo lang yung Love niya kapag nag-away kayo.

Ganun ang sa tingin ko. Yung tipong parang wala ka sa kanya kapag okay kayo. Kay minsan nakakapraning eh, naghahanap ka ng away at angdadrama para makuha ang attention niya. At that point, paulit-ulit niyang sasabihin na mahal ka niya. Tapos kapag okay na kayo ulit, wala na naman. Tangina lang noh? Kailangan pa palang mag-away kayo para maramdaman mong mahal ka niya?

Mga Babae?



✎Yan ang taong pinakamadaling mag-deny.
✎Minsan moody.
✎Minsan hindi mo na talaga maintindihan.
✎Andaming reklamo kung minsan.
✎Kung mag-selos, Sobra.
✎Kung mang-huli, Daig pa ang pulis.
✎Kung may gustong malaman o alamin, Daig pa ang imbestigador.
✎Pero kapag sila minahal mo, Totoo na gagawin ka nilang sentro ng buhay nila. Hindi man ganyan lahat pero yung iba. 
Guguho ang sandali ng buhay nila kapag iniwan mo sila o sinaktan.
Pero once na saktan mo yan, paiyakin o iwanan. Gaganda yan at hindi mo na mababalikan pa.
Kaming mga Babae, Dapat minamahal, ginagalang, hindi sinasaktan.
✎Dahil Boys, Aminin niyo man sa hindi, Kame yung tipo ng taong, Hinahanap hanap niyo at kukumpleto sa buhay niyo

Gusto lang naman naming mga babae yung..
  • May makakaintindi sa amin.
  • Yung hindi kami ipagpapalit kahit ganito lang kami.
  • Yung loyal, kasi ganun din naman kami sa inyo.
  • Yung hindi kami sasaktan.
  • Yung marunong tumupad ng mga pangako.
  • Yung mamahalin kami habang buhay.
HEY BATANGAS PPL!!!! PLS READ!!!

Ganito kasi, gagala kami bukas (May 20, 2016 - Friday) sa Batangas City kasi kaburyo na sa bahay ganern. Kung gusto mong sumama, oo ikaw, sumama ka na. Bawal mahiya. 6 palang kaming sure na kasama tapos ayun. Tara kasi hahahahahaha the more, the merrier basta, 11am sa mcdo lawas. Meetup place lang yon, char. Tapos kain tayo ng lunch sa Brand X Burger. Tapos after nun, bahala na kung san mapapadpad. Kung san dalhin ng paa ganon. Basta mage-enjoy tayo ng bongga. Pwede ding maghabulan tayo sa Compark hahaha chareng. Kung interesado ka, wag ka na magdalawang isip na i-message ako or yung iba pang kasama. Thank you!!! 😊

Alam mo yung masakit? Yung ako yung kasama mo pero siya yung iniisip mo. Yung naguusap tayo pero siya yung topic natin. Yung kapag magkasama tayo hindi mo maiwasang sabihing “pag magkasama kami ganito ganyan siya.." Kayo ko din naman yun e. Mas kaya kong higitan yun.. kung bibigyan mo ko ng pagkakataon. Pero hindi ko masabi sayo na nasasaktan na ako dahil kaibigan lang ako. Kailan mo ba ako makikita? Hanggang kaibigan na lang ba talaga? Napapagod na din naman akong makita kang nasasaktan. Siya yung palaging dahilan ng pagluha mo. Hindi naman tayo diba? Pero ako yung palaging takbuhan mo. Ako yung pansamantalang panyo at unan mo kapag nasasaktan ka. Kailan ka ba matututo? Kailan ba matatapos yang katangahan mo sakanya? Nandito ako. Ako yung palaging nasa tabi mo tuwing may problema kayo. Kaya kong higitan lahat ng ginagawa niya sayo. Hinding hindi kita sasaktan at iiwan, hindi tulad niya.

Mga babae talaga

Mga babae talaga ang hirap-hirap suyuin, ang hirap explainan, ang hirap lambingin, ang hirap paamuhin, ang hirap sabayan kapag galit, ang hirap lahat. Yung tipo na, humihingi ka na ng sorry, wala pa din. Yung lahat na ng nakakakilig na linya nasabi mo na ata, hindi ka pa din papansinin. Yung paglalambing mo, ultimo matanda bibigay na pero siya matindi! Hindi mo mapalambot ang puso. Oo naiintindihan namin na gusto niyo yung mga nilalambing namin kayo habang nagpapakipot kayo. Oo naiintindihan namin na gusto niyo makita kung sincere ba yung mga ginagawa namin. Oo naiintindihan namin lahat ng bawat pag-iinarte niyo. Kasi sa huli kahit ano atang reklamo namin na “mga babae talaga ganito-ganyan.." kami pa din naman yung gagawa ng paraan para magbati na, maging maayos na. Buti nalang talaga, binagay samin yung mahabang pasensya. Binigay samin yung malawak na pag-intindi na hindi namin masisisi kung likas na sa babae ang pagiging moody, maarte, masungit, mataray, etc.. Ikaw nalang mismo tatanggap sa kanya na ganyan ugali niya minsan, dahil mahal mo siya.

HI TUMBLR!!!!!

Uy shet sobrang daming ginagawa leche. Ganito kami sa senior high, patayan sa paperworks at kung anu-ano pang shooting o performances. Juskolooooord!!!! Wala share lang. Hehez.