ganito ang buhay ko

Wala namang nagbabago..

Araw araw feeling mo wala namang nagbabago. Parang pare-pareho lang yung ginagawa mo. Gigising, kakain, papasok sa school, magtatrabaho, magoonline tapos matutulog na naman. Kinabukasan ganun ulit. Paulit ulit lang.

Minsan tatanungin mo sarili mo, ganito na lang ba buhay ko? Ang boring naman. Hindi mo maiwasan icompare yung buhay mo sa iba. Bakit yung kanila parang ang saya? Bat parang wala silang problema? Yung sakin ganito lang.

Pero hindi mo napapansin na araw-araw nag-iiba. Tumatanda ka, may mga kaibigan ka na hindi mo na nakakausap ngayon, may mga nakikilala kang bago, naiiba yung mga gusto mo, may mga taong darating, may mga aalis. 

Ikaw pa ba yung dating ikaw? O malaki na rin pinagbago mo? Ikaw pa ba yung kilala ng mga kaibigan mo? Ikaw pa ba yung nakilala nung taong mahal mo? Ilan pa sa mga kaclose mo dati yung nakakausap mo pa ngayon?

Akala mo walang nagbabago pero kapag binalikan mo.. ang dami na palang nagbago. At minsan ang masakit dun kahit gusto mong balikan yung dati, hindi mo na pwedeng balikan. Kahit na gaano mo kagustong walang magbago, may magbabago at kailangan mo tanggapin yun.

THE DIARY OF A 'WALANG SOCIAL-LIFE'

Ang boring ng buhay ko. Para akong robot. Ganito na lang palagi ang ginagawa ko.

0445H: Dapat nag-alarm na ang phone ko. Oras na daw para gumising. Kaya automatic akong babangon. Duty na naman ng 12 hours. Shet lang.

0505H: Dapat nakaligo na ako. Pero maeextend ng another 5 minutes dahil kailangan ko pang ibabad ang papaya soap sa mukha ko for fairer and whiter skin. At yung 5 mins. na yun, it’s either nakatulala lang ako or tulog sa banyo. Depende yun kung kalibog libog yung napanaginipan ko.

0515H: Dapat bihis na ako. Pero magtatagal ako dahil lalagyan ko pa ng wax ang buhok ko at aanggulo sa salamin para sabihing, “Ang itsurang ito ang magliligtas sa sanlibutan. Beng beng!”

0530H:  Tapos na dapat akong mag-almusal. Pero maeextend ito ng 5 mins. dahil hindi ako mahigop ang kape, ang init kasi.

0540H: Mag-aabang na dapat ng jeep sa kanto. Pero babalik ng bahay dahil nakalimutan kong magmano at mag-kiss sa inay bago umalis. “Bilisan mo at late ka na. Yung baon mo ha, ubusin mo.” Pero babalik na naman sa bahay dahil ID naman yung nakalimutan ko.

0550H: Dadating sa paradahan ng shuttle. Sasakay. Uupo malapit sa dulo. Aalisin ang nakatutok na aircon sa ulo. Dudukutin ang phone sa bulsa, magttxt. “tap tap tap tap tap tap tap send”. Isasalpak ang headset. Matutulog hangga’t makarating ang shuttle sa trabaho.

0700H: Dadating sa trabaho. <swipes ID>. Magpapalit ng working clothes habang kinakausap ang sarili, “Kaya mo yan okay?!" sabay pindot ng green button sa ulo. "trabaho-mode-activated”

<trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho….trabaho…> Nagkaalien invasion, World War 75, nagkabangs na si Pnoy,Kung anu-ano na ang nangyari sa bansa, nagttrabaho pa rin ako.

And after 12 hours, tandadadaahhhhhhh!!!

1930H:  Uwian naaaaaaaaaaaaaaaaaa…… <swipes ID>

—–

Tapos, bukas ulit. Ganun na naman. Parehong set-up. Parehong timeline. Same feels. Ang boring di ba? 

Future half kung sino ka man at kung nasaang lupalop ka man ng mundo ngayon, narealize ko lang na wag ka muna dumating sa buhay ko. Wag ka muna pumarito sa tabi ko, ipakilala ang sarili mo at mahalin ako kasi di pa ako handa para sayo. Narealize ko lang na mahirap akong tao. Mahirap akong isplengin na maski ako nahihirapan din sa sarili kong galaw at takbo ng pag iisip ko. Marami akong sides. Maraming pinaglalaban. Sunod ako lage sa kung ano ang tama at hindi sa kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Marami akong moods. Mabilis akong magtampo. Mababaw minsan yung dahilan ng mga pinagseselosan ko. Ayoko naman ding mahirapan ka sa akin. Hindi ko din alam kung paano ko babaguhin sarili ko eh. Hindi ko alam kung paano ko ibaba pride ko o maski lunukin man lang ito minsan. Pag kumpyansa kasi ako sa tao na mahal ako neto, hindi ko ibababa pride ko para sa kanya kasi alam kong di niya ko susukuan. Eh ayaw kong mahirap ka sa akin. Ayaw kong magmukhang pabigat at parati nalang iniintindi.

Natatakot lang ako na baka dumating ka ngayon tapos ganito ang estado ng buhay ko eh magsisi ka na nakilala mo ko. Gusto ko namang maging matinong babae para sayo. Gusto ko na proud ka sa akin kasi ako ang minahal mo. Gusto ko yung tipong ipagkakalat mo sa ibang tao kung gaano ka ka-blessed kasi ako ang binigay ni God para sayo at hindi yung nahihirapan ka na lang lage dahil sa akin. Naaawa din ako kasi sayo kung ako man ang mamahalin mo. Matayog talga ang pride ko. Bitch ako. Maldita. Panay ang mood swing. Tapos mahirap talga akong ispelingin. Natatakot akong maging sobra pagdating sayo. Natatakot ako na baka sobra na pala sayo yung sa tingin ko eh kulang pa para sa akin. Ayoko lang talga na mahirapan ka. Ayaw ko yung sa huli pagsisihan mong ako minahal mo. Ayokong umiyak ka nalang lage dahil sa akin. Kung nasaan ka man ngayon, ingatan mo muna sarili mo ha? Balang araw ipapabasa ko sayo itong post na to, at sana, sana sa araw na yun, sasabihin mo sa akin ang kabaliktaran ng mga pinagsasabi ko dito, sasabihin mo sa akin na masarap akong mahalin. Balang araw.

SIGNS NA IKAW AY PATUNGONG ‘ROAD TO PABEBE’

Pabebe girls be like “We don’t die, We multiply.”. Creepy no? At dahil narito tayo sa tinatawag na Pabebe Age, ito ang ilan sa mga signs na ikaw ay patungong Road to Pabebe.  Sa ganitong paraan at impormasyon, tinatayang mababawasan ang krimen sa Pilipinas ng about 80%. 

  • Ang mantra mo sa buhay is,  “If you can’t handle me at my pabebe gurl, you don’t deserve me at my kakaibabe.”
  • Pa-demure kumain ng mamon pero kapag itlog ng jowa beastmode kung lumamon.
  • Post a pic na kita yung cleavage tapos yung caption #Respect. Anong gusto niyong gawin namin ipagpray mga dede niyo?
  • Mahilig kang gumawa ng mga walang kasusta-sustansyang bagay gaya ng ‘Twerk It Like Miley’ video kahit mukha ka namang itlog ng dinosaur.
  • Sa Facebook at Twitter, pabebe. Pero sa outside world mahilig magpadede.
  • “I’m not a girl. Not yet a woman.”–  Favorite quote sa slumbook.
  • Galawang pabebe on FB be like, 

Comment 1 : Ay ang ganda! 

Comment 2: Thanks po. 

Comment 3 : Ganda naman. 

Comment 4: Mana lang po sayo.

  • Those pulitikong nagsasabing di tatakbo sa National Position pero may TV Ads at Platapormang Pambansa. 
  • Naka pitong jowa ka na pero “Penpen de sara pen mode” ka pa din. 

“Pen pen de sara pen, ang dede ko flat pa ren.”

  • Maria Clara sa umaga Maria Ozawa sa gabi.
  • Magpopost ng ganito,

“Paalam na friends. Hirap na ako.Tatapusin ko na ang buhay ko!”.

Tapos pag nahimasmasan, mag popost ulit,

“Sorry sa lahat ng nasaktan ko, lasing lang kagabi huehuehue”.

( Sayang,natuwa na sana kami eh.) 

  • Pabebe girls be like,

 “Magpapaganda ako para mapansin niya ako. Tapos hindi ko siya papansinin.”

  • Mag popost ng ganito,

Post: “Wala na akong ginawang tama sa bahay na to huhuhu!

Comment: ”anung problema pare” 

Reply: “Wala. Hayaan niyo muna akong mapag-isa.”

(  ‘Di nga,anung problema mo bilang tao? )

  • Kinu-kuya kuya mo pa tapos lalandiin mo din pala.
  • Panay post ka ng, “Monday, please be good to me.”  Kahit wala namang pake yung Monday sa’yo.
  • Post a status, “Paturo po magdota.” Ulul. Paraparaan kang higad ka. Hindi mo kami maloloko. Wag ako. Wag kame
  • Pa-sweet ka sa lahat ng mga kausap mo sa chat. “pwede po ba makipagkaibigan.”, “kumain ka na po?”, “angkinin mo po ako. masarap po ako.”
  • Puro ka post ng Relationship Goals pero yung Life Goals mo nganga.
  • Naka baby bra ka pa lang pero ang galing galing mo ng lumanding leche ka.
  • When you introduce yourself during first day of school, 

“Hi! Kami ang pabebe girls!!! At walang makakapigil samin!!!