ganda talaga

Swerte ka kung yung bestfriend mo, yung crush mo, yung girlfriend mo at true love mo, ay iisa. So masasabi ko na nga talagang napakaswerte ko, kasi lahat ng iyon ay ikaw mahal ko. :)

Para sa bestfriend ko,

Yung babaeng hindi ko inaakalang makukuha ko, pero sobrang saya kasi binigay nga sa'kin ni Lord. Yung babaeng nagpapagaan ng lahat ng bagay, kahit andyan lang sya sa tabi ko. Yung babaeng nagpapasaya sa'kin. Yung babaeng matalik ko ring kaibigan. Gusto ko ako na yung lalaking makakasama mo na habang buhay, at gusto ko hindi mawawala yung pagiging bestfriends natin, kasi importanteng kaibigan mo rin yung mahal mo.

Para sa crush ko,

Seryoso, sobrang ganda mo. Sa loob at sa labas na anyo. Yung kapag nakikita kita, napapangiti ako, kasi ang ganda mo talaga, tapos ngayon sa'kin ka na. Yung dating iniistalk stalk ko lang, nakakausap ko na. Alam ko naman na hindi mahalaga ang panlabas na anyo, pero God, ang ganda mo talaga, lalo ka pa ngang gumaganda. Hindi magbabago na crush kita talaga noon pa.

Para kay babe,

Salamat kasi andyan ka kahit na may mga problema, salamat sa pag-intindi mo sa mga ito. Salamat sa pakikinig mo sa mga rants ko, at sa pagpapakalma sa'kin kapag naiinis ako. Nakakatuwang isipin na kahit na nag-aaway tayo, hindi ito nagiging dahilan para maghiwalay tayo, kasi alam naman natin na hindi rin naman natin kaya ng wala ang isa. Pinag-uusapan natin ang problema, tinatanggap ang mga bagay bagay, kasi di naman din natin kayang magalit sa isa’t isa kasi nga mahal mo ko, at mahal kita.

Para sa aking future wife,

Simula nung naging tayo, walang pagdududa na ikaw na ang gusto kong makasama. Alam ko darating ang araw na magkasama na tayong tutuloy sa iisang bahay, matutulog sa iisang kama, at wala ng paalam na magaganap pa. Hindi ko kayang isipin na mawawala ka pa. Ikaw ang lakas ko, ikaw ang inspirasyon ko, pinaparamdam mo sa'kin na deserve ko lahat ng ito.

Sabi mo sa'kin ako yung taong nagpalabas ng tunay na ikaw, yung dahilan kung bakit kilala mo na ang sarili mo. Ganun ka rin sa'kin mahal ko, ikaw din ang dahilan kung bakit ako nagbago. Nagkakaintindihan tayo, at kung maswerte ka sa'kin sabi mo, mas lalong swerte ako sa'yo. Perpekto ka sa paningin ko, wala na akong mahihiling pa sa Diyos kasi sobrang swerte ko at sa dinami-dami ng hiling ko, ikaw talaga yung binigay Nya sa'kin mahal ko.

Mahal na mahal kita.

ayun nga humabol kami sa sine kagabi hehe at nanuod kami ng fifty shades darker. uhm, okay naman siya sakin. ang qt pa rin nilang dalawa at mas lalo silang naging hot lol. kasama ko dati mga college friends ko eh tapos ngayon nagagalit sila sakin dahil hindi na daw ako makakasama. luh mga qaqo talaga eh pwede ko naman ulitin. so balik tayo sa topic, mej mabilis lang yung phasing ng story tapos nice nice kasi halos sex lang sila ng sex chot. deh qaqo ang ganda talaga ni anastasia jusq talaga. ang qt din ng nipples niya lol sige ang dami ko ng sinasabi. ang bottomline lang neto, sa sobrang lamig sa sinehan, nadistract ako char.

PROM: A Year Later

           It’s been a year since that girl in a night sky-like dress and 1D sneakers collided with the guy in a black suit and a red tie, and still the memory of both the joy and pain haunts the same girl who now converses daily with the same guy whose memories of the same night differ from the girl who remembers nothing but her first dance with him.

Keep reading

Natutulog ang mahal ko ngayon, kaya nagcheck ako ng mga videos namin, pinanuod ko yun mga latest vids, yung binubuksan nya yun Valentine’s Gift ko sa kanya. Pati mga videos na kinikilig sya.

Naiisip ko, ang ganda nya talaga. Naiisip ko, ang ganda ng ngiti nya, nakakahawa yung tawa nya.

Sana wag dumating yung panahon na sa mga videos nalang na ito ko makikita at maririnig ang mga ngiti at tawa nya.

Hindi ko na talaga sya kayang mawala.

Dull JS Prom Day.

Earlier, sinamahan namin yung isa naming bes para ayusan at ihatid yung kapatid niya para sa JS Prom. Ang ganda talaga kapatid ni Bes tas ang ganda ng gown, pinaghandaan talaga. Hinatid na namin, sumama kami ng isa naming bes sa paghatid sa Tagaytay. Then nakakatawa kasi nakatulog yung kapatid niya buti nalang di nasira yung make up at niretouch nalang namin sa sasakyan bago bumaba. Then nakakaloka isa naming bes na feel na feel ang pagkaphotographer, photoshoot here and there. Tinutulungan naman namin. Mga tatlong beses pinahawak samin yung flower base para mang focus chuchu sa pagpicture. Lol. Ang gaganda ng kuha. Then medyo nahihiya yung kapatid ni bes at sinasabihan ko nalang na minsan lang yun.

Naalala ko yung dalawang JS prom ko dati. Sobrang epic. Nung time na yung Papa at kapatid ko lang na lalaki yung kasama ko nun sa bahay and dahil dun di ako prepared. Hindi pinaghandaan. Keme lang. Tapos ang epic pa na nangyare na ayoko na sabihin dito. Wtf talaga nun. Nakakaingit na ang ganda ng JS Prom nila. Sa Hotel ang venue nung samin dati gym lang ng school e. Wtf talaga. Hahahahaha

Thank you, idk why after watching uf yung lungkot ko mula nung monday ay naging 10x na lungkot. Salamat friend, hahaha ang ganda kasi talaga ng edit mo jan nakakagaan ng loob para tayong nasa ibang bansa char HAHA. ++ ang ganda ko jan oh pls