gaga ka!

tangina poser ka na naman girl? wala ka bang magawa sa buhay mo? hahahahaha and wth ako palang atang nakakaalam, blinock mo pa talaga ko. mautak ka hahahahahaha imma drob the bomb later gaga ka

babaengplywood  asked:

1-10 :-)

1. Sinong blogger ang nagagalingan ka magblog?
@kinikxmkeem @peppermintchuuxx @dakilanggerlpren

2. Sinong blogger ang pinakanagagandahan ka?
@medyo-gaga @kinikxmkeem @la-ragazza-che-hai-distrutta @alizalakwatsera @peppermintchuuxx @cjisinlove @walang-por-e-ber @supladitang-maldita @yournumberonefan ( madami sila e haha )

3. Sinong blogger ang pinakanapopogian ka?
• syempre my love @iniwanakongbabaenggamer

4. Sinong blogger ang crush na crush mo?
@iniwanakongbabaenggamer

5. Sinong blogger ang sweet?
@supladitang-maldita @bumbaynanilalang @yournumberonefan

6. Sinong blogger ang friendly?
@alizalakwatsera @walang-por-e-ber @medyo-gaga @estranghera @yournumberonefan @peppermintchuuxx

7. Sinong blogger ang masarap kausap?
@yournumberonefan @kinikxmkeem @iniwanakongbabaenggamer @alizalakwatsera @estranghera

8. Sinong blogger ang nakakatawa kausap?
@estranghera

9. Sinong blogger ang nacucute-an ka?
@yournumberonefan @peppermintchuuxx @estranghera

10. Sinong blogger ang pinakaayaw mo?
• waleyyy

Thank youu po @babaengplywood

josie rizal. oh my god i can’t breathe send help

anyway my friend made an fb status earlier about why she isn’t speaking filipino, whereas the other tekken characters speak in other languages. and then i thought, “she’d probably be saying some pretty messed-up shit in tagalog.” just imagine you’re about to fight her in the game and she’s all:

“putangina mo”

“hayop ka”

“gaga mamatay ka”

“pwede pala ang mga pangit dito”

i can’t breathe

  • Kagabi sa sinehan. Kasama ko kasi manood ng Kita Kita si jenay, si rhons tsaka si martin. Tapos may scene doon na lasing at tipsy na si lea at si tonyo.
  • Lea: Kapag may alak, may balak.
  • Jenay: Jusko, si kevin nga kahit walang alak laging may balak.
  • Rhons at Martin: *tawa ng malakas*
  • Me: Gaga ka talaga. Hahaha.

kauwi ko lang ulit galing kami ni mami sa sm tapos alam niyo ba ang saya ko kasi nakita ko best friends ko sa watsons hahahahahahahahahaha may bibilhin kasi si mami tapos ayun sakto andun si jana tska si gelay ala ang sabi agad “ang payat mo gaga nagaadik ka ba” gandang bungad naman mumsh. pero gago miss ko kayo hahahahahahahhahahaa di ko na matandaan last kita namin eh sad di daw kasi ako nagpapakita ala pero ano pupunta sila ata sa bahay sa wed so yas saya 🌸 teka gago bago ko makalimutan ininggit pa ako ni gelay sa ticket niya sa concert ni bieber ano na pakabait ng kaibigan ko

  • <p> <b>Me :</b> Besssshh huhuhuh ang aga kong nabroken kay crush! :(<p/><b>My ever supportive friend:</b> HAHAHAHHAHA talaga ba? Gaga ka! Ginusto mo yan masaktan ka ngayon damhin mo besh !<p/><b></b> -_-<p/></p>

anonymous asked:

Hey I'm kind of confused about Jackson's real name. Is it Jackson Wang Jia Er or Wang Ka yee? :/ Different sites say different things, I don't know who to trust

Wang Jia Er is his name in Mandarin, he uses it when he’s working in China. Wang Ka Yee is his Cantonese name (from Hong Kong), his nickname Gaga comes from /Ka/ in Ka Yee. Chinese fans often call him Jia Jia.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 14

After the 4-hour drive ay nakarating na sila finally sa Subic.

“Anvaya Cove, I’m here!” maarteng sabi ni Sef.

“Hoy. Mukha kang tanga.” Maqui told him.

“Che!! Gisingin niyo na nga si Julie nang makagora na tayiz sa villa.” sabi nito tsaka na bumaba ng kotse.

“Julie? Jules wake up.” sabi ni Elmo habang tinatapik ang balikat ng dalaga.

“Hmm?” she moaned but still remained asleep.

“Julie, andito na tayo.” sabi niya pa. Unti-unti nang dumilat si Julie tsaka na dahan-dahang umupo ng maayos.

“We’re here already?” she asked, still sleepy.

“Yes, H.” sagot ni Elmo.

Bigla namang tumingin si Julie sa kanya at saka siya nito inirapan at iniwan sa loob ng kotse.

“Ay ano ka na girl? Sleeping Beauty ang peg mo lang?” narinig niyang tanong ni Sef nang makalabas na sila ni Julie.

“Ts. Puyat ako kagabi okay?” mataray na sagot naman ni Julie. “Tara na.” sabi nito sabay sumakay sa golf cart kung nasan ang mga gamit nila.

Sumakay na rin ang tatlo tsaka na sila dinala sa villa nila. It’s about 2kms away from the beach pero makikita mo pa rin naman ang magandang view ng dagat.

They entered the biggest villa at saka na nag-ayos ng gamit.

“Sino yung gagamit ng kabilang villa?” Maqui asked them.

“Wala. Hindi pa pinapagamit yun because it’s not fully furnished yet.” Julie replied.

“Yeah. Tsaka yung villa kasi na yun, yun yung ipapagamit sa employees. Ito naman samen lang ni Julie.” Sef added.

“Huh? What do you mean inyo lang?” pagtataka ni Elmo.

“Ay medyo slow itey.” bulong ni Sef. “Kasi friend, this villa is owned by my ever beautiful bestfriend. Yung isa, company owned yun.”

“But the company is owned by Julie diba?” Maqui asked.

“Yes. Pero kasi yung villa na yun, matagal na nabili yun. Pero di agad napagawa since yung nangyari nga kay dear bff. Yung sa family niya.” sagot ni Sef.

“Ah. Okay.”

“Anyway, matutulog muna ako ha? Kayo na bahala sa rooms niyo. Basta wala munang iistorbo sa akin.” he heard Julie said. Tumayo na ito from the couch and carried her luggages.

“Uhm, Julie ako na.” Elmo offered.

Tumingin lang naman si Julie sa kanya at saka na siya nilagpasan nito leaving her things in front of him. Napangiti si Elmo saka na niya binuhat ang mga yun and followed her upstairs to her room.

“Here you go.” masayang sabi niya pagkalapag niya sa bag nito sa kama. Julie sat on the edge of her bed as she started to fix her things quietly.

“Ano pang ginagawa mo dito?” she asked, annoyed. “Labas na!” pagtataray niya pa.

“Ha? Ay oo nga.” sabi ni Elmo at agad na lumabas ng kwarto ni Julie.

Pagbaba niya ay nakatingin sa kanya sina Maqui at Sef.

“What?”

“Natarayan ka?” Sef confidently asked. Elmo just shrugged kaya natawa ang dalawang kasama niya.

“Haha. Ikaw kasi eh. Kung di mo talaga ginalit yun baka kinama ka na nun ngayon.” Maqui said as she laughs.

“Ay kaloka ka friend!” natatawang sabi ni Sef sabay tulak kay Maqui. “Pero truelaloo yun Mokong. As in kung di mo siya ineklavern lang basta baka sakaling cuddle cuddle na kayo nun ngayon. Hahahahaha.”

“Tss. Magbabati rin kami ni Julie.”

*****

Sa totoo lang, di naman natulog si Julie. She just wanted to be alone and think of ways on how to test Elmo’s sexuality.

Nakahiga siya sa kama niya habang nag-iisip.

“Ano bang pwede? Hm.” she said to herself. Gumulong-gulong siya sa kama at saka nag-unat. “Hay nako. Makapunta na nga lang sa beach. Yayayain ko si Sef and Maqui.” sabi niya saka na bumangon.

She changed into her black two-piece swimsuit tsaka pinatong uli ang cropped shirt niya. Tapos kinuha na niya ang shades and sunblock niya tsaka na lumabas ng kwarto.

“Sef, tara swi–” napahinto siya sa pagsasalita when she saw Elmo standing by the stairs at nakatingin sa kanya.

“Uhm. N-nasa beach– nasa beach sila ni Maqui.” Elmo stuttered.

“Ah. Sige.” she replied tsaka na nagpatuloy sa paglalakad.

“Yan lang susuotin mo?” Elmo asked her. She smiled before she turned around to face him again.

“Oo. Ano naman?”

“Uhm ano kasi… Baka lang…”

“Wala kang paki sa susuotin ko okay? Nasa beach tayo so normal na ganito ang suot ko. If you want magsuot ka rin ng ganito. May extra ako sa bag.” pagtataray niya tsaka na lumabas bago pa makawala ang kilig at tawa niya.

Masama ang tingin sa kanya nila Maqui at Sef when she reached their place sa gitna ng beach.

“Bakit?” pagtataka niya.

“Mukha kang tanga. Bakit tawa ka nang tawa?” Sef asked.

“Wala. Kasi si Elmo. Hahahaha.” tawang-tawang sagot niya.

“Bakit?” Maqui asked, sounding interested.

“Pinagalitan niya ko because of what I’m wearing. Hahahaha.” sumalampak siya sa beach towel sa tabi ni Maqui at saka pa tumawa ulit. “You should’ve seen his face. Yung mata luluwa na sa sobrang laki. Tapos his jaw literally dropped. Hahahahaha.”

“Gaga ka talaga. Lalong maguguluhan yung pinsan ko dahil sa ginagawa mo eh. Hahahaha.” natatawang sabi na rin ni Maqui.

“Kaloka ka bff. Bet mo bang magsuicide sa confusion ang suitor de beki mo?” Sef asked and joined them as they laugh. “Gagita ka talaga.”

“Haha. Thanks.” Julie said.

“Eh asan na siya? Hindi ba magsswimming yun?” Maqui asked.

“Ewan ko dun. Baka susunod na din.” Julie replied sabay higa sa towel niya.

*****

Naglakad na papunta sa beach si Elmo. Susundan ang tatlo para mabantayan niya si Julie. Baka may umaaligid sa kanyang lalaki dahil sa suot niya.

“Tsk. Bakit ba kasi naimbento pa ang two-piece? Kaya madaming lalaking nagiging manyak eh.” he told himself.

He reached the sandy part of the beach and looked for them. Naglakad-lakad siya at saka nakita si Sef at Maqui na galing sa restaurant sa may hotel malapit dun.

“Maq! Sef!” tawag niya sa mga ito.

“Uy! Kanina ka pa namin hinihintay eh.” Maqui said nang makita siya.

“Si Julie?” he asked.

“Andun sa umbrella. May kasamang boylaloo.” sagot ni Sef.

“Ha?”

“Ay nako, ang gwapo Moe. Promise. As in drop dead handsome yung guy!!” kinikilig na sabi naman ni Maqui.

“S-saan yung umbrella? Kanina ko pa kayo hinahanap eh.” he said.

“Ayun oh! Yung orange beach umbrella dun. Bobita naman oh.” pagtataray ni Sef.

Tinignan na ni Elmo ang tinuturo ni Sef and sure enough, Julie is sitting under the umbrella while she talks to some guy he doesn’t know who.

Lumapit siya rito at saka nagsalita.

“Julie.” he called. Tumingin si Julie at ang lalaki sa kanya.

“Oh?”

“What are you doing?” he asked.

“Isn’t it obvious? I’m talking to Toffer. Diba?” sabi ni Julie sabay tingin pa sa lalaki. Tumango naman ito at saka ngumiti kay Julie.

“Uhm. Toffer dude.” sabi nito sabay lahad ng kamay kay Elmo. Hindi naman pinansin ni Elmo ang lalaki. He looked at Julie who is making googly eyes with this Toffer guy.

“Julie can we talk.” sabi niya.

“Mamaya na pwede?” masungit na sabi ni Julie. “Toffee, punta tayo sa snack bar.” pagyaya ni Julie. Tumango naman ito saka na siya tinulungan tumayo.

Elmo sat on the sand, looking pissed kaya naman nang dumating sila Maqui at Sef ay tinanong siya ng mga ito.

“Hoy. Anetch nangyari sa iyo at ganyang di mapinta fezlak mo?” Sef asked.

“Ts. Sino ba kasi yung Topaz na yun na kumakausap kay Julie ha? Feeling niya naman.”

“Toffer kasi.” Maqui said. “Tsaka bakit pa nagagalit ka? Inaano ka ba nila?”

“Didn’t you see the way he looked at Julie? Para niyang nirerape si Julie sa utak niya!”

“Grabe ka friend alam mo yun? Ang hard mo.”

“No I’m not. I’m just saying the truth. As in grabe siya makatitig kay Julie.”

“Teka nga. Nagseselos ka ba?” Maqui asked and even raised an eyebrow at him.

“N-no!!” he yelled.

“Weh?” tanong ng dalawa.

“Ts. Diyan na nga kayo. Tinamad ako magswimming.” inis na sabi niya sabay tayo. He walked away from them nang sumigaw si Sef.

“Try mo magpa-spa baka sakaling kumalma ka!” he yelled. Hindi na lumingon si Elmo sa kanila at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

“Ts. Kung makadikit akala mo mauubusan ng lalaki.” bulong niya sa sarili niya habang naglalakad papunta sa spa. “Humanda ka saken Julie Anne.”

*****

“Uy, thanks ha.” Julie said to Toffer.

“Sure no problem. Why are you avoiding that guy ba? Boyfriend mo ba siya?” tanong nito sa kanya.

“Ha? N-no. Manliligaw ko lang.” she replied.

“Really? Ayaw mo sa kanya?” tanong pa uli nito sabay abot kay Julie ng inorder nilang snacks.

“Not that I don’t like him. Actually gusto ko siya to the point na feeling ko in love na ko sa kanya. Haha. Ang cheesy ba?” she laughed.

“Haha. No, no. Ayos nga eh. Pero if you really like him, bakit mo siya iniiwasan?” tanong nito.

“Magkaaway kasi kami. And yun. Balak ko siyang pagselosin. Hahaha.”

“So naisip mo na ako yung guy na pwede magpaselos sa kanya?” he asked.

“Hm. Yeah. Kung okay lang sayo. Grabe ang kapal ng mukha ko to even ask you to make him jealous. Hahaha. Eh kakakilala lang natin. Sorry ha?” she babbled.

“Haha. No it’s okay. Mukhang effective nga eh. Look oh, he walked out on your friends.” sabi nito sabay turo kay Elmo na paalis na sa beach.

“Haha. Hayaan mo na siya.” she said.

“Hm. Anyway. How long will you guys stay here?” he asked.

“3 days lang. Why?” she replied.

“Cool. May party kami ng friends ko sa isang araw. You guys can come. And pwede natin pagselosin yung manliligaw mo. Haha.”

“That’d be great! Sige I’ll tell them.”

“Cool!”

“Uy ha, thank you talaga.” Julie said.

“You’re welcome Julie.” Toffer replied.

“Sige. I’ll go back to my friends.”

“Okay. I’ll see you guys tomorrow then?”

“Sure. I’m sure susundan nanaman ako ni Elmo.” Julie replied tsaka na nagpaalam uli.

*****

Paglabas ni Elmo from the spa ay nakita niyang nagkakasiyahan sa beach. He walked towards it and nakitang may beach party pala.

“Moe!” narinig niyang tawag nila Maqui at Sef sa kaniya. He looked at them through his shades. Lumapit ang dalawa sa kanya tsaka siya hinatak papunta sa pwesto nila.

“Tara sali tayo!” Maqui told him.

“Ha? Ayoko! Kayo na lang ni Sef.” tanggi niya.

“Bilis na! Kakaltukan kita!” sabi ni Maqui at aamba pa ng sapak sa kanya.

“Gora na friend. Tamo oh!” sabi naman ni Sef sabay turo sa gitna ng malaking bilog na ginawa ng mga tao sa buong beach.

Tumingin siya sa sinasabi ni Sef and found Julie and Toffer as one of the contestants. Magkahawak pa ang kamay ng mga ito.

“Seriously?” he asked himself.

“Bakit?” pagtataka ng dalawa.

“Holding hands agad?! I mean, come on! Kakakilala lang nila kanina ah.” he said habang tinuturo sila Julie at Toffer.

“Eh anetch bang pinuputok ng butchi mo? Eh gandarabels bff ko eh. Papable din naman si Toffer baby kaya gorabels na!” mataray na sabi ni Sef.

“Tara na, Moe. Laro na tayo!!” hinatak na siya ni Maqui at saka na sila tumakbo sa gitna katabi nila Toffer at Julie.

“Maq!” tawag ni Julie kay Maqui. “Kasali din kayo?” Julie asked.

“Oo!! Haha.” sagot ni Maqui. Nag-apir silang dalawa at saka na nagtawanan.

“Okay players! The game is called Channel Race. So what you’ll do is to dig and make a channel from that sand dune down to the water. Then you will place a pingpong ball on the end of the channel and pour water so that the ball will move down the water. Understand?” the host said.

“Alright!!” sigawan ng players except Elmo. Hindi niya kasi talaga maatim na makitang magkahawak ang kamay ni Julie at Toffer.

“Okay. When I say go, you will run towards the sand dunes and will start making the channel.” sabi ng host. Tumango na sila at saka hinintay ang signal nito.

“Elmo head in the game!” Maqui yelled at him.

“Tsk.” tanging sagot niya.

“Ready? Set? Go!!!” sigaw ng host. Nagtakbuhan na sila but Elmo stayed on his place. Nakita niya kasi how Toffer carried Julie para mas mapabilis ang takbo.

“Elmo!!!” sigaw ni Maqui.

“Friend! Takbo na over there!!” narinig naman niyang sigaw ni Sef. He shook his head tsaka na tumakbo rin papunta sa sand dunes.

They made the channel as instructed at saka na pinagulong ang bola papunta sa dagat. Pero dahil nga last sila ni Maqui na nakabuo ay natalo sila.

“Yeheeeeey!!!” he heard Julie shout. Sila kasi ang nanalo.

“We did it!” sigaw naman ni Toffer sabay yakap kay Julie.

“Ts. Flirt.” he whispered.

“Ano yun, Moe?” Maqui asked.

“Wala.” sabi niya tsaka na naglakad paalis.

“Uy! Teka lang!” habol ni Maqui sa kanya. “Jules tara na!” pagyaya naman niya kay Julie.

Naramdaman ni Elmo na sumusunod na sa kanya sina Maqui and Julie pero hindi niya pinapansin ang mga ito. Mainit ang ulo niya. Naiirita siya.

“What’s his problem?” he heard Julie asked.

“Hm? Ewan ko.” Maqui said. “Baka nagseselos? Hahaha.”

And oo. Nagseselos siya.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 12

Hindi nakatulog si Elmo buong gabi. He was sitting at the veranda where he can see Julie’s house. Simula nang umalis ito ay hindi pa ito umuuwi and he starts worrying about her.

“Bobo ka kasi Elmo. Bobo na gago pa tanga pa. Lahat na ng kabobohan nasa iyo.” he told himself. Napahilamos siya ng mukha at saka muling tumingin sa bahay ni Julie. “Nasan ka na ba?” he asked.

“Hoy. Bakit andito ka pa sa labas?” he heard someone asked. Paglingon niya ay si Maqui pala. Halatang naalimpungatan lang.

“I’m waiting for Julie.” he replied.

“Julie? Bakit?” tanong ni Maqui saka tumabi sa kanya. “Diba magkasama lang kayo kanina?”

“Yes. Pero something happened.”

“Ano nanaman yan?” seryosong tanong ng pinsan sa kanya. “Tangina Elmo ha. Pinaiyak mo ba si Julie?” tanong pa niya.

“Eh kasi…”

“Kwento mo. Sasapakin kita kahit pinsan kita.”

“Tsk. Kasi kanina, we were talking. Basta alam mo yun? Kwentuhan mga ganun. Tapos kasi kaninang umaga, paglabas ko ng cr after maligo, she burst in my room. Eh nakatowel lang ako. Tas halatang nagulat siya. So inasar ko siya. Tapos yun. Kaninang hinatid ko siya, habang nagkkwentuhan kami sa kitchen niya naopen ko uli yung topic about sa incident nung umaga. And I don’t know what happened to me. I just felt like I wanted her right that moment. Parang alam mo yun? Gusto ko akin siya. Kaya yun. I kissed her and…”

“And what?” Maqui asked impatiently.

“We almost had sex, Maqui.” Elmo confessed.

“Really?! Shit ka!! Eh anong nangyari? Bakit almost lang? Umayaw ba siya? Ano?!” tanong sa kanya nito.

“I was the one who stopped.” he answered. Napalayo sa kanya si Maqui at halatang iritang-irita sa kanya. “I-I just don’t know what to do Maqui. I wanted her pero there’s still a part of me na parang nagsasabing mali. Kasi hindi naman ako lalaking-lalaki. May part ng utak ko saying that I have to stop because I’m gay.” he said.

Hindi na napigilan ni Maqui ang sarili kaya binatukan niya ng malakas si Elmo.

“You are the stupidest guy I’ve ever met. You’re so stupid that I don’t even want to look at you.” sabi niya. She stood up and was about to go back to bed when she paused and looked at her cousin again. “Bobo ka Elmo for giving Julie falsehopes. Tanga ka for following what that little brain of yours is saying and gago ka for hurting Julie.” Maqui told him and she went back inside.

Elmo covered his face with his palms. Tama si Maqui sa lahat ng sinabi niya. Bobo siya dahil pinapaasa niya si Julie na lalaki talaga siya. Tanga siya dahil alam niya sa puso niya na gusto na niyang magbago para kay Julie pero utak pa rin niya ang sinusunod niya. Utak niya na nagsasabing bading siya at hindi sila pwede ni Julie. At gago siya dahil sa lahat ng ginagawa niya, sobrang nasasaktan na si Julie.

*****

She spent the night at Sef’s place. Ayaw niyang umuwi because she will be seeing him again once she went back to her house. Masama pa rin ang loob niya rito. Buti na lang andyan si Sef to cheer her up kahit pa antok na antok na ito kagabi.

“Uwi muna ako bakla. Maliligo lang then papasok na ko sa office. So baka late na ko papasok. Sabihan mo na lang si Mich. Okay?” she said.

“Okaybels, bff. Ingat ha? Pag andun ang suitor de beki mo, tablahin mo lang. Kunyari wit siya nag-eexist.” Sef told her and even winked at her.

“Yeah. Thanks! See you later.” she replied tsaka na tuluyang lumabas ng condo ni Sef.

When she reached her house ay may nakita siyang note sa front door niya.

‘I AM SO SORRY FOR WHAT HAPPENED LAST NIGHT. SORRY IF I MADE YOU CRY AGAIN. H, BABAWI AKO SAYO. PLEASE GIVE ME ANOTHER CHANCE? - E’

She crumpled the paper tsaka na niya ito tinapon. Ang aga-aga nabwiset agad siya.

“Hindi ba uso magbigay ng space tong baklang to? Shit siya.” she muttered.

Umakyat na siya sa kwarto niya at saka na naghanda ng susuotin niya. She then went to the bathroom to take a bath. At pagkatapos ay nagbihis na at nagmamadaling lumabas para pumasok sa opisina.

“Good morning, Julie.” she heard someone say. Paglingon niya ay si Elmo. “Nagbreakfast ka na ba?” he asked pero hindi niya ito pinansin. She just drove away leaving him alone in the street.

“Good morning your face. Hindi mo ko madadala sa ganyan mong gago ka.” she thought to herself.

Pagdating niya sa office at sinalubong agad siya ni Sef.

“Bff, I bought coffee and sandwich. Lafang na tayiz dali!” hinatak na siya ni Sef sa desk niya and they ate as they chat. “So? Anetch ang nangyari sa pagbabalik-loob mo sa baler mo? Andun ba siya?”

“Wala but he left a note sa front door. Asking if I could give him another chance. Tapos when I was about to go here, nasa labas siya and asked me if I had breakfast.”

“Oh? Edi lambutan effect ka namang haliparotion ka?” tanong ni Sef sabay kagat sa sandwich niya.

“No. I ignored him. I even threw the note.” she replied simply.

“Ay bongga! Omg mana ka na sa akin!” kinikilig na sabi ni Sef. “Sabi na eh. I’m the best beki bestfriend in the whole wide world eh.” he said to himself.

“Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Not in the sense na dahil nabitin ako or something. Pero gets mo naman diba? Palagi niyang ginagawa sa akin yan. He’s playing with my feelings as if I’m just a robot that he could reset and he can repeat what he did to me.”

“Yes bff. I totally understand. Ganyan talaga kapag paminta. Alamona.” Sef told her.

“I have a question though.” Julie said afterwards.

“Anetch? Gora lang basta wag math.”

“Ikaw bading ka. Bakit hindi ka attracted sa babae samantalang siya, naaattact pa din siya sa babae?” Julie asked.

“Hm. There are 3 kinds of badaf kasi, bff. One, yung kagaya ko na all out bakla talaga and nagkakacrush sa boys. Two, yung mga baklitang hindi naaattract sa kahit sino. Basta beki lang sila okay na. And three, yung kagaya ni Elmo. Feeling bakla pero hindi talaga. It’s because they have something that made them change like that. Parang siya. Diba sabi ni Maq binubugbog siya ng pudra niya dahil nga akala beki siya? Kaya yun. Parang nagstick na sa jutak niya na beki siya.” Sef explained.

“So kung ganun, he still has the chance to go back to what he really is?”

“Oo naman bff. Lahat naman ng bakla may chance. Gusto din naman namin ng family no? Hirap kaya shumonders alone.”

*****

“Arch. Magalona may problema po ba?” one of his staff asked.

“Ha? W-wala.”

“Ah okay po. Tumawag po pala si Mr. Gonzales. About daw po sa seminar niyo sa Guam.” he said.

“Ganun ba? Sige tatawagan ko na lang siya.”

“Okay po. Tsaka sir, si Engr. Cruz po pala tumawag din.”

“Bakit daw?”

“Yung project daw po sa Batangas.”

“Ah. Sige sige.” sagot niya.

Lumabas na sa opisina niya ang empleyado at siya naman ay sumandal sa upuan niya. He stared at the house in his computer screen at saka na lang napangiti.

“Sana mapasaya ka nito.” he said as he looked at every angle of the structure.

He stood up and went out of his office. Hindi niya pinapansin ang tawag sa kanya ng mga staff niya. Basta gusto niya lang lumabas. Gusto niya talagang bumawi sa kanya. Kay Julie. Pero paano?

Tumambay siya sa park malapit sa office building nila. He’s thinking of possible ideas on how to make it up to her.

“Flowers?” he asked. “No. Malalanta yun.” sabi niya. Inikot niya ang paningin sa paligid and nakakita siya ng makukulay na lobo.

“Balloons? Baka pumutok.” he said. Then naalala niya yung sinabi niya kahapon. “Tama tama. Yun na lang muna.” he said at saka nagmadaling bumalik ng building nila to get his car.

*****

She arrived at home and saw grocery bags waiting for her at her doorstep.

“Kanino naman galing to?” she asked herself. Binuhat niya ang mga yun at nilapag sa kitchen counter niya. She scanned the contents and may nakita nanaman siyang note sa isa sa mga bag.

'HI, H. DID YOUR GROCERY FOR YOU. SORRY ULIT. BATI NA TAYO PLEASE? -E’

“Tss. Asa ka naman. Pero thanks na din. Di na ko mahahassle magmadali maggrocery.” she said.

Inayos na niya ang mga yun sa kitchen cabinet and after that made dinner for herself.

“Thor?” she called for her dog. Narinig niyang kumahol ito at nakitang tumatakbo papunta sa kanya. “Hey buddy. Kumain ka na ba?” she asked. Kumahol ang aso and licked her face. She placed his food on his bowl at saka na niya pinanuod itong kumain.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang magring ang phone niya.

“Hello?”

“Bff!”

“Uy Sef. Bakit?”

“May gagawin tayo tomorrow. As in bet mo to promise.” Sef told her.

“Ha? Ano yun?” she asked.

“Scene of the crime operation.” sabi ni Sef habang ginagaya ang boses ni Gus Abelgas.

“Hahaha. Magsosoco? Kanino? Sinong pinatay?” she asked.

“Ay gaga ka. How I wish deads na lang siya para di na tayiz maaabala diba?”

“Eh sino ba kasi?” Julie asked.

“Edi si suitor de beki mo at ang mga alipores niya! Para masight natin kung truelaloo bang beki siya like me or paminta siya.”

“We have work tomorrow. Remember?” Julie told him.

“I talked to Mich already. Sabi ko wit tayiz gogora sa office kasi may secret mission tayiz!”

“Hay. Osige. Bahala na bukas. San tayo magkikita?” she asked.

“Imma text the place na lang. According to my ever so reliable source, nasa Batangas ang ating suspects. So lamona ha?” Sef replied.

“Alright. See you tomorrow then.” Julie said.

“Okay! Beauty sleep na tayiz. Para readybels tomorrow. Bye bff. See you!” and she hung up the phone.

*****

He went to Batangas the next day. Alam niya galit pa rin si Julie sa kanya pero di na niya masyadong inisip yun. Basta ang mahalaga, masuyo niya ang dalaga. Miss na kasi niya ito. Wala na kasing nangungulit sa kanya and wala na siyang maasar.

Before he went to Batangas ay nag-iwan siya ng pagkain sa mailbox nito. It’s her favorite omelette with bacon and cheese and hash browns. Nilagyan na rin niya ng note and a long stemed orange rose.

“Sana nakita niya.” he said.

Nagpatuloy na siya sa biyahe and when he arrived at the site ay nakita niya si Aldrin na nakasandal sa kotse nito habang may binabasang plano.

“Uy dude.” he greeted him at saka ito tinapik sa balikat.

“Uy. Kanina ka pa?” Aldrin asked. Umiling si Elmo tsaka tumingin sa ginagawang building.

“Kakadating lang. Kamusta yung project?” Elmo asked.

“Ayan. They’re starting with the foundation of the hotel. Kakadating lang daw kahapon ng supplies kaya ngayon pa lang nasimulan.”

“Ganun ba? Ipaalala mo na we have a deadline ha? Hindi pwedeng pumetiks.” sabi niya. Tinignan siya ni Aldrin as if analyzing his face.

“May problema ka no?” he asked.

“Wala.”

“Sus. Saken ka pa nagtago. Ano yun?” tanong niya.

“Wala wala.”

“Julie ba yan?”

“Ha?”

“What happened?”

“Wala yun. Nagtatampo lang siya saken because I did something na hindi niya nagustuhan. Kaya yun. Medyo di lang maganda araw ko ngayon.” he said.

Inakbayan siya ni Aldrin and he felt awkward right away. Kung dati normal sa kanila ang ganitong gestures, ngayon naman naiilang siya. Maybe because he has an idea of what Aldrin really is.

“Uhm. Mag-iikot muna ako sa site. Kakamustahin ko lang si Sir Felix.” Elmo said at saka inalis ang kamay ni Aldrin sa pagkakaakbay sa kanya.

“Oh. Osige.”

Naglakad na siya palayo at saka nagpunta sa tent. He found Sir Felix sitting on a monobloc chair habang nagsusulat ito.

“Sir.” tawag ni Elmo.

“Arch. Magalona. Andito na po pala kayo.” bati sa kanya ng matanda. “May kailangan po ba kayo?”

“Ah eh. Wala naman po. Gusto ko lang sana tanungin kung bakit nalate ng deliver yung mga gamit? Eh diba supposedly kahapon start na ng construction? Dapat by Saturday nadeliver na ho yun.”

“Ah. Eh kasi sir, nanggaling pa po sa Cabanatuan yung unang deliver ng mga supplies eh. Madaling araw na po sila ng Linggo nakabyahe ulit pabalik sa Maynila kaya po kahapon lang nadeliver yung atin.”

“Ganun po ba? Nako. May deadline kasi tayo sa resort eh. Balak ng client na by next summer mag-open na sana sila.”

“Di po bale. Kakausapin ko po yung mga tao natin na mag double time sa trabaho. Tsaka maghahanap na rin po tayo ng iba pang trabahador.” sabi nito.

“Sige po. Thank you sir. Eh napadaan lang po ako para kamustahin yung site. May meeting pa ko mamayang after lunch sa opisina eh.” paalam ni Elmo.

“Sige po. Ingat kayo Arch. Magalona.” tumango na si Elmo tsaka na siya nagmadaling bumalik sa kotse niya. 10am na at kailangan niya na makabalik agad ng firm para maayos niya pa ang presentation nila para sa meeting.

“Moe, uwi ka na?” he heard Aldrin asked.

“Oo, may meeting pa ko.” nagmamadaling sabi niya sabay maneho paalis ng site.

*****

Pagkadating ni Julie sa meeting place nila ni Sef ay nagulat siya sa nakita.

“Ano yan bakla?” she asked Sef. Paano naman kasi, nakasuot ito ng trench coat na itim, with matching dark sunglasses and a hat.

“Anetch nanaman problema mo saken ha?” Sef asked her back.

“Eh tignan mo naman yang attire mo. Sino ka si Sherlock Holmes?” she asked.

“Hay nako. Minsan lang tayoz magmission eklavern kaya kinakarir na ng lola mo.” he replied saka pa inirapan ang kaibigan. “Umupo ka na nga bff. Any monument lang dadating na yung suspect natin.”

“Maka-suspect ka naman. Parang may pinatay yung tao ah!”

“Shhh!!! Ayan na siya!” tumingin sila sa labas ng shop at saktong nakita na pababa ng kotse si Elmo.

“Hm. Mag-isa lang siya.” Julie said.

“Wait wait. Look to your left my friend. Sinetch yung guy na yun?” Sef asked. He looked inside his bag and pulled out two binoculars. “Oh.” sabi niya sabay abot ng isa kay Julie.

“Anong gagawin ko dito?” Julie asked.

“Pang make-up mo friend. Mga tanong naman pangbobo.” he answered.

“Baliw!” Julie said.

Sumilip na sila sa lens and watched Elmo and…

“Aldrin?” Julie whispered.

“Yan ba yun? Yung beki na sinasabi mong ang mean tumingin sayo?”

“Oo siya. What are they doing? Bakit sila magkasama?” Julie asked.

“Nako bff baka naman habang nililigawan ka ng baklang yan eh boylet niya pala yang Aldrin na yan. Kaya kung makasight sayo more pa sa killing you softly.” Sef said.

“Impossible. Kasi iniiwasan nga siya ni Elmo nung nakasalubong namin siya sa grocery eh.”

“Pero uso din kasi alibi friend. Look at them oh. They don’t look like they’re ignoring each other.” sabi ni Sef saka pa tumingin kay Julie.

“Hm. Baka nga.” Julie said sabay tingin din kay Sef.

They both looked back on their subjects nang mapasigaw si Sef.

“O TO THE M TO THE G!!!” pinaghahampas ni Sef si Julie dahil sa nakita nila. “NAKITA MO YUN?! BFF NAKITA MO YUN?!!!” Sef asked her.

Hindi nakakibo si Julie sa nakita niya. Could it be possible?

“Bff jusmiyo marimar. Ay wit ko kinakaya ang happenings ngayon. Hay juskopo.” kunyaring nahihimatay na sabi ng kaibigan.

“Sef…” Julie called him.

“Yes?”

“Do you think that Elmo and Aldrin have feelings for each other?”