fxmoments

BEH

Kagabi mga 6pm nako nakarating sa Cubao dahil nagquiz pa kami sa course naming one-unit na sobrang pa-major. HAHAHA. Tapos may photoshoot keme pa kaming ginawa. Lol, ayun. 6pm, rush hour syempre. Hirap na naman makasakay ng fx pauwi ng Montalban. Nakatayo ako sa harap ng Gateway. Nagaabang. After 30 mins., dumating yung UV na byaheng Montalban. Ako naman si desperadang umuwi, tumakbo ng bongga para mauna ko. Hawak ko na yung pinto ng fx. Tas biglang may sumingit na epal na froglet sa harap ko.

*MALDITA MODE ON*
Me: Ate, ako nauna. *Sabay hawi ko sakanya*
Ate: Aray ko naman beh.
Me: Sorry, Ate. Pero di kita beh *irap*

Pagsakay ko ng uv eh napagtanto ko na ang mean ko pala. HAHAHAHA. Okay lang nag-sorry naman ako. Di lang talaga kita beh, ate. HAHAHAHA.