fxcker

Di.na talaga ko natutuwa sa taong to. Pinalampas ko nalang yung ginawa niyang panggagamit sakin para pagtakpan sarili niya e pero sobra na. Ewan ko ba kung kaibigan ko ba talaga to o tropa lang pag oras ng katuwaan, kainan saka saya. Ni hindi ko nga makausap ng personalan saka di matanong kung may problema o mapayuhan. Close lang kapag kumpleto tropa. Nakakawalang gana na. Hays

Ang pangit lang talaga sa magtotropa na kapag yung isang tropa mo, inaway yung isa mong ka-tropa, di mo alam kakampihan mo kahit di mo naman talaga kailangan. Di mo kailangan kumampi sa kahit kanino sa kanila kasi pareho mo silang tropa pero wala ka talagang magagawa minsan e. Minsan naiipit ka sa sitwasyon nila at aminin man natin o hindi, lumalabas din pagka-plastik mo sa isa man sa kanila. Meron paring mas lamang yung pakikitungo mo at minsan makikichismis ka lang talaga sa nangyayari sa kanila. hay

Di ko parin matanggap yung pagsigaw na yun. Di ko inakalang magagawa mo yun. Ganyan ka pala talaga. Di naman ako nagulat pero ang sakit lang na nagawa mo sakin yun dahil sa galit mo. Sobrang sakit, chill muna ko or feeling ko ayoko na. Grabe lang talaga, di ko alam paano ko nakauwi kanina sa sobrang pag-iisip na nagawa mo sakin yun sa harap ng mga tropa natin tapos may ibang tao pa yatang nakarinig. Sobrang nakakasama lang talaga ng loob. Kahit may mga kaibigan akong nagagalit o naiinis sakin, ni minsan di nila nagawang ipahiya at sigawan ako ng ganun. Kahit nga magulang ko sa bahay lang ako sinisigawan ng ganun. Mangiyak ngiyak ako sa daan kanina, grabe. Di ko maisip na nagawa mo yun. Wala na eh, nagawa mo na talaga. Gnyan ka pala. Hays