futurecpa

NGANGA moments with Accounting >:))

Kapag di mo maintindihan yung lesson ..

Yung may sinolve ka ng pagkahaba haba, tapos nung sinolve na ng prof .. MAIKLI LANG PALA yung solusyon! Effort dre!

Yung may hindi ka masagutan, pero nasagutan ng classmate mo, well-explained pa ..

Nalaman mong may bonus sa quiz ..

Yung akala mo tama sagot mo sa exam kasi parehas kayo ng sagot ng classmate mo, MALI NAMAN PALA KAYO ..

Labasan na ng grades, at thankfully PASADO KA! ;)

PERO NGAYON .. SEMBREAK NAAAAAA! :)) WHOOOO!

[RANTS] School stuff

Ito nanaman tayo sa oras na nagc-cram na for deadlines of papers, lots of assignments to do. Quizzes to pass and of course, Final examinations.


Bilang isang estudyante, napakareklamo ko sa lahat ng bagay. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Lahat nalang yata nirereklamo ko na. Pero at the end of the day, heto parin ako. Pinagtiyatiyagaan, para sa ikaaasenso ng buhay.

KONTING PUSH NALANG. MATATAPOS NA ANG SEM.


Iyan ang nasa utak ko as of now.
Nakakastress maging accountancy student, maraming negative thoughts ang papasok sa utak mo.


“BAKIT ANG HIRAP?!”
“Shocks di ko alam gawin!!!”

Iilan lang iyan sa mga madalas kong sabihin, pero no choice….kailangan gawin.


Noong high school ako, chill chill lang ako. Pero ngayong college na ko, nag iba ang ihip ng hangin.


I lasted for 3 years. At konti nalang g-graduate na.


Kaya nga above all these rants and sacrifices, I know, that I’ll be harvesting the fruits of my labor. Tiis lang. Kaya pa!


Above all, I’m doing this to the glory of God.


~ wd; 031116

2 hours tulog.

Nagreview ka, tapos natulog ng 1am at nagising ng 3am para magreview ulit tapos ang exam mo 730am. Walang ibang laman tiyan mo kundi kape at isang pirasong gardenia na toasted, pati sige tubig. Sabay wala din masasagot sa mga identification kasi nagkakahalo-halo na yung apat na chapters na inaral mo. Alam mo yung sagot pero nasa dulo ng utak mo e.

Tapos after exam discussion sa susunod na medyo major subject. Lutang na lutang ka, at sobrang oa ng palpitation ng heart mo dahil sa caffeine. Sobrang hapdi pa ng sikmura mo, sabay walang kalaman laman. Nakikinig ka, pero walang pumasok, walang nadigest.

Tapos paguwi mo pa excited ka dahil akala mo makakakain ka, tapos sasabihin “wala ng ulam, di ko kasi alam na uuwi ka.” So itinulog mo nalang yung gutom mo. Mabuti nalang pinakilig ka ng Aldub bago ka nakatulog.

Paggising mo after another 2hours dumoble hapdi ng sikmura mo, sabay wala pa din pagkain kaya naghihintay ka ng dinner. Kaso di mo kinaya kaya ng instant noodles ka. After isang oras dinner niyo na, medyo busog ka na kaya di mo na naenjoy. Orayyt

Pero lahat naman yan nababawi. Lahat naman ng puyat, pagod, gutom at hapdi ng sikmura at ulo magiging worth it. Minsan ka lang naman maging estudyante. After naman non, kapag nagttrabaho ka na masspoil mo na yung sarili mo. Magiging proud pa sayo ang parents mo kapag mataas ang grades mo.

Yay see you next week midterms!! Kaya ‘to. Exam ka lang, 5'10 ako. 😂

CPA- (lawyer) in the making.