funrun!

Wala na talaga akong maikwento dito. Hahaha. Ayon sasali ulit kaming funrun sa Sunday, Milo Marathon. Paniguardo napakadaming kasali na naman. Yung tipong hindi makatakbo sa siksikan. Hahaha. Malamang ako lang din ang tatakbo kasi yung kasama ko weak, baka hindi makatakbo. Hahaha. Problema ko lang e kelangan ko gumising ng maaga tapos babyahe pa ako ng 2 hours siguro, pero baka 1 lang kasi hindi traffic sa madaling araw. Medyo excited na ako. Medyo lang kasi nga nakakatamad gumising ng maaga.

2

Kahapon sumali ako ng funrun. Nakitulog ako sa Makati para medyo malapit lang. Panglimang sali ko na to sa Manila Bay Clean Up Run at gusto ko sa limang pagkakataon hindi ako late. Maexperience ko man lang makaabot sa gunshot. Nung gabi umuulan kaya gusto kong bisitahin yung fb page nila to check kung tuloy ba o hindi pero naisip ko na rain or shine naman tuloy yun sa wag nalang.

Gumising ako ng 4 am naligo agad ako, 3K lang sinalihan ko mahal kasi. Hahaha. Sa pagkakaalam ko 6:00 am ang start ng 3K so petiks pa ako habang nagsusuklay, nagffb pa. Feel na feel ko na maaga ako. Yey makakaabot ako sa gunshot pati sa warm up. 4:55 na nung maisipan kong tignan ang fb page nila, at nagulat ako ng makita kong 5:00 am pala ang start ng 3K. Nanghina talaga ako nun tapos nakafb live pa sila nagwawarm up na kaya dalidali kaming umalis. Bigo ako na hindi malate. Nagtaxi nalang kami at yun 5:22 ako nagstart tumakbo, wala ako kasabay. I mean na kakilala ko pero madami kasabay. Hahhaa. Medyo late lang ako pero atleast medyo madilm dilim pa dun hahaha. Wala pang 30 minutes natapos ko na. Hahaha. Hinintay lang ako ni B kung saan gang matapos ako.

Umalis agad kami don sa start city pagkatapos kong magpapic ng aking signature pose after funrun. Hahaha. Medyo bitin sa takbo kaya nilakad namin mula Star City hanggang MOA. Hahaha. At nagtambay sa seaside at nagpicture. Tapos kumain kami ng madami sa Mcdo, aba bat ba nakakagutom eh. Umuwi kami after sa Makati at natulog tapos 4pm na nagising. Hahaha. Puyat eh.

Ngayon sakit ng katawan ko leche pero enjoy naman. Try ko sumali sa milo marathon next next week. Hahaha.