filipinoy

Masarap yung feeling ng tumutulong nang walang halong pagmamayabang.

Lalo na kung walang nakakaalam nung pagtulong mo, pero alam mo sa sarili mong nakagawa ka ng mabuti. Ang saya lang, nakakagaan ng loob. Pero hindi rin naman masamang tumulong sa harap ng maraming tao, basta alam mo sa sarili mong ginagawa mo yun dahil gusto mo at hindi para masabing “Tumulong ako.”