Kaninang umaga, kinausap ko ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko, si God. Una nagpasalamat ako sa mga natatanggap kong blessings sa araw-araw, na eto, I’m still alive and breathing. At syempre nagsorry ako sa mga kasalanan ko. Tapos humiling ako. Na sana pumasa ako sa mga subjects ko this term, na sana maging okay ang work ni Daddy, na iguide and help our family always. Bukod dyan, may isa akong hiniling.

Sabi ko, “Lord, di ko sure kung selfish ba ako sa idadasal ko or ano, pero sana, sana talaga, na may third chance pa. Alam ko sobra na ang pangatlo, alam ko sasabihin ng iba na nagtatanga-tangahan na naman ako, eh ano po bang magagawa ko eh mahal ko yung lalaking yun? Childish man po pakinggan, at alam ko pong we are too young for such serious and silly relationships like this, pero kasi may part sa loob-loob ko na siya pa din yung hanap. Na kahit ilang beses ko i-deny, alam ko deep inside it’s still him. Kung mapapagbigyan niyo etong request ko, iingatan ko na talaga siya.”

Ayun nagkwento lang naman ako. Haha. Drama lang. Good night. :)

Resureksyon

Resureksyon (“Resurrection”) is a 2015 Filipino supernatural horror film about vampires directed by Alfonso Torre III (Kabisera). Cast: Isabelle Daza, Jasmine Curtis, Raikko Mateo and Paulo Avelino. The film will be released in cinemas nationwide in the Philippines on September 23, 2015. Trailer: WH

View On WordPress

instagram

When he defends you~🌸 *la la la la la* 💓

#TheVirtualBride #별난며느라 #TheEccentricDaughterInLaw #TamingMotherInLaw 💓

#RyuSooYoung #KimDasom #Dasom #Sistar #Hallyu #KoreanDrama #KDrama #AsianDrama #Kilig #KBS #RomCom #TVShow #Cute #Love #CuteLoveStory #Korea #Pinoy #Pinay #Filipino #Philippines #Asian #loveballetmuch2015

I swear the sky looks really beautiful tonight, the camera doesn’t do justice. 😍 #sky #beautiful #scenery #photography #Filipino #Asian #Philippines #CagayanDeOro #cdoc #instago #instapic #instacool #instagood #instalike #instaphoto #instadaily #instamood #like #likeback #like4like #likeforlike #likesforlikes #follow #follower #followme #following #followback #followforfollow (at Cagayan de Oro City)

Buhay OFW

I’m 21 years old ng pumunta ako dito sa Dubai. 6 years na rin kasi Papa ko sa Dubai tapos graduate naman na ako so, pinasunod nya na rin ako. Before ako pumunta dito sobrang excited pa ako. Halos di na ako makatulog at ang nasa isip ko palagi, “Sana May 5 na.” So, nung month of May nakakaramdam na ako ng kaba. Bakit bigla akong kinabahan? Di ba eto naman gusto ko ang umalis, lumabas ng bansa para sa future ko, para matupad din mga pangarap ko para sa family ko. Kahit na alam kong kaya naman dito sa pinas. Ambisyosa eh. Feeling ko kasi wala talagang buhay sa Pinas. Saka isa pa gusto ko ako naman yung magwowork for them . Gusto ko tulungan parents ko dahil alam ko sobrang dami na ng hirap at sacrifices ang binigay nila samin ng sister ko.

So nung May 5 na nga all my bags are packs and ready to go na kaso nalungkot ako bigla kasi iiwan ko si Mama pati yung kapatid ko na halos best friend turungan namin. So paalis na ako ng bahay ng sabihin ng niece ko na “Tita, I love you ingat ka.” Imagine sa lahat ng goodbye na narinig ko, isang 6 years old lang pala ang magpapaiyak saakin. Di ko sya tinignan basta yakap agad ako. Di naman ako makapagsalita kasi nga parang iiyak pa ako. So ayun nga, nasa NAIA 3 na kami ng family ko. Lola ko, Mama ko, bunso kong kapatid, may two ates and ninang ko slash tita ko na rin. Mga 12:00 pm since kelangan maaga ng 3 hours sa airport, nagpaalam na ako sakanila. Isa isa silang yumakap saakin. At huli kong niyakap si Mama. Magsasalita na sana ako ng “I love you Ma. para sayo ‘tong pag alis ko.” kaya lang eto nanaman si iyak. Baka kasi kapag nagsalita ako, maiiyak ako. Ayokong umiyak sa airport. Masyadong madrama parang nasa TV lang 😂😅

Touchdown ko ng Dubai, 10:30 pm 4 hours behind sa Pinas. Nakita ko kagad si Paps tas tumakbo naman ako palapit sakanya sabay yakap. Akala ko tataguan nanaman nya ako katulad nung ginawa nya saakin nung sinundo ko sya sa airpot eh 😂 2 years rin nung huli namin kita. And then tapos ayun nga nung makarating na kami sa flat namin nanibago ako kasi halos 2 tao lang talaga kasya. Sobrang arte ko sabi ko pa kay Mama ang sikip ng bahay namin dito mabuti pa sa Pinas malaki bahay naten blah blah blah.. Pero nung nagtagal ako, nalaman ko hirap dito. Swerte ko pa kasi kasama ko Papa ko. Eh yung mga nandito kung ano ano nalang basta may matuluyan lang.

Nung 1 month ako dito medyo nahirapan ako maghanap ng work kasi una, hanap nila puro experience at pangalawa isa akong dakilang maarte sa paghahanap ng trabaho. Sobrang pili ko naabutan na ako ng Ramadan. Hanggang sa 2 mos na ako dito, nakahanap na rin. Receptionist ako sa isang IT Company. Sa totoo lang wala akong experience sa pagiging receptionist pero kelangan wag ng mamili kasi nga hirap eh. Nahihiya na rin ako sa Papa ko. So ayun, ok lang naman work ko dito hindi naman mahirap kaya lang.. maraming pumapasok sa utak ko. Parang sobrang namimiss ko na pinas. Namimiss ko na Mama ko, kapatid ko, mga pamangkin ko, mga friends ko. Lahat sila! Yung amoy ng pinas, pagkain sa pinas, luto ng mama ko, yung ingay sa pinas. Sobrang nakakamiss. Akala ko di ako ma-hohomesick kasi nga maganda dito eh. Although totoo naman. Pagdating sa sistema, kabog ang Dubai. Walang snatcher, 2 AED lang may snickers chocolate ka na. 300 AED lang levis jeans ka na. Tapos kahit magsuot ka ng ginto sa labas parang normal lang. Pero ang masasabi ko lang, totoo yung feeling na iba pa rin kapag sa lupang sinilangan. Mamimiss mo pa rin kahit sobrang gulo

Siguro ang natutunan ko dito at nagpapaiyak saakin gabi gabi, is yung hirap ng buhay na mawalay ka sa pamilya mo. Handa mong i-sacrifice lahat para sakanila. Eto yung pakiramdam ko. Kaya proud ako sa mga overseas filipino workers tulad ko na sobrang lakas ng loob para gumanda lang yung buhay para sa pamilya nila. Kudos! Mabuhay tayo! 🎉👏👍