famealy day

FAMEALY DAY.

Bakit may ganito pa? Bakit may mga okasyon pang mga ganito, katulad ng Mother’s Day, Father’s Day, Grandparent’s Day? Paano na lang kung wala ung mga taong magcecelbrate nito sa pamilya niyo? 

Katulad ko na lang, hindi buo ang pamilya ko. Nasasaktan ako sa tuwing napapanuod ko ipalabas ung commercial ng Lucky Me. Naiinggit ako sa mga ka-klase ko na buo at masaya ung pamilya nila kasi minsan sa buhay ko ay naranasan ko na ang magkaron ng buong pamilya. Pero napakahirap na sa isang iglap, na ung isang masaya at masasabing perpektong pamilya eh nasira at nawala ng parang bula. Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal sa mga magulang ko, nirespeto ko naman sila at sinunod ang lahat ng gusto nila para sakin. Pero siguro nga wala sakin ung dahilan kung bakit nangyari un. Kung bakit nawasak ung pamilya na hindi ko inaasahan mangyari. 

Isa lang naman ang pinagsisisihan ko eh, un ay ang mabuhay ng masaya at parang wala ng bukas nung kasama ko pa pareho ung mga magulang ko. Hindi ko pa sinulit ung mga pagkakataong kasama ko sila. Buhay pa naman sila pero diba, iba parin kung nakakasama mo sila PAREHO pag lumalabas kayo. Hindi ung pupunta ka kasama lang ung Mama mo, hindi ung mamamasyal ka kasama lang ung Papa mo. Hay buhay, parang life.

Wala naman akong sinisisi sa nangyari, sinusubukan kong walang sisihin sa nangyari sa pamilya ko. Alam ko namang lahat ng nangyayari sa buhay ko ay may rason. At gagawin ko tong inspirasyon sa buhay ko na sa pag laki ko, at kapag nagkaroon na ako ng sariling pamilya ay hindi ito mangyayari sa kanila. Hindi ko hahayaan ang anak ko na maranasan kung ano ung sakit na naranasan ko ngayon. 

FaMEALy Day

Me: “Hala! Wala tayong Lucky Me!”

Hahaha! Salamat sa Lucky Me commercial kaya’t mas maraming nakaalala na ngayong ay FaMEALy Day kung saan ang mga pamilya'y hinihikayat na magsalu-salo sa hapag kainan.

I thought we wouldn’t be able to participate in this event since Mama had choir practice and my brother’s classes ends at 7pm-ish. Anyway, the commercial ideally said to have dinner at 6PM and we kind-of did at around 7ish. Better late than never. Well, one thing I can say with this FaMEALy Day event (not sure if it’s only practiced in the Philippines) is that we shouldn’t wait for this particular day to practice it - it should be done everyday, if possible. I believe that families, as in other kinds of relationship, are strengthened through communication (love, understanding, blah blah) - but basically, communication.