erlinda ligot

"Tumataas ang High Blood ng mga Pilipino sa Inyo"

Escaping from the Senators’ Inquiry: The Erlinda Yambao-Ligot Way

  • High blood. You can tell the Committee and the Senate doctor na tumaas ang iyong high blood para hindi ka na gisahin ng mga Senador. Mas mabait naman kasi silang magtanong kumpara sa mga nasa Lower House. (Pero mukhang mas na-high blood pa yata ang taong bayan kanina).
  • Sana pinatugtog kanina ang Wildflower - “Let her cry for she’s a lady..” habang ine-escortan palabas ng session hall si Mrs. Ligot. (O kaya yung Lucky ni Britney Spears - She’s so lucky. She’s a star. But she cry cry cry..“. How lucky is she! Ligtas sa panggigisa!)
  • Sino ba naman ang hindi maiiyak kung ipag-papaliwanag sa iyo ng mga Senador yung mga questionable na mga bahay sa Amerika. Hala sige! Iyak pa!
  • Balita ko ay kukunin siya ni Direktor Mark Meiley para maging isa sa mga lead stars sa remake ng Sharon Cuneta movie na Crying Ladies. 

The Amnesia Boy Strikes Again!

  • Nakilala natin noon si General Jacinto Ligot bilang Amnesia Boy - at ngayon siya'y nagbabalik kasama ang kanyang bayaw na isa’t kalahati ding may selective amnesia.
  • As usual, kapag tinatanong, it’s either hindi na maalala (the best way para ikubli ang katotohanan) o kaya they invoke the right against self-incrimination (the best way para malaman ng publiko na may itinatago sila).
  • Mas napaghahalata tuloy na nagsisinungaling sila. Sige pa. Paulit-ulit ninyong gamitin yang right against self-incrimination.
  • Ganoon nga talaga siguro kapag madaming kinakamkam na pera, nagkakaroon ng selective amnesia.

Few Side Notes

  • Sana dumating ang araw na makita kong member ng Senate Blue Ribbon Committee si Senator Lito Lapid. #2012
  • Manong Johnny Enrile looks like Senator Palpatine of the Galactic Empire. Tapos kapag badtrip, nagta-transform to Darth Sidious :D #StarWars

  • Idineklara ni Mrs. Ligot na "unmarried” siya sa isang dokumento na kanyang pinirmahan. Hindi siya proud maging asawa kay General Jacinto?
  • Parang lasing kanina si General Roy Cimatu. Hindi man lang makabuo ng isang buong pangungusap sa mga tanong. Kabado?

Just give us the truth. Please. At sana ay hindi lang truth ang lumabas. Sana ay may consequence din.

Screw these plunderers!

Viva Filipinas! Padayon!