era: tired of waiting

Naranasan mo na bang maghintay sa wala?

naranasan mo na bang magmukhang tanga para sa isang taong, ni minsan di naman naging espasyal ang tingin para sayo. Yung akala mo bumubuo kayo ng isang storya pero sa huli isang imahinasyon lang pala ang lahat  na tulad ng isang fairytale na may happy ending pero sa huli isang kathang isip pa din. Kasi ako oo, naranasan ko ng maging tanga, naranasan ko ng umasa at paasahin ng isang tao na hindi naman pala ako minahal. yung para bang ikaw lang naman pala ng gumawa ng lahat, imbento mo lang lahat ng ginagawa mo para sa inyong dalawa at wala ka naman talaga para sa kanya. masakit tanggapin na ang mga bagay-bagay na pinaghirapan mo ay mapunta sa wala. Mahirap umasang mamahalin ka ng isang taong minahal mo ng sobra. Nakakatamad din palang maghintay sa isang bagay na imposibleng mangyari. Mahirap maghintay sa wala.

© dakilang-doodlero