epiconastick

TUMU2011

Ang saya ng TUMU2011! Kasama ang Section 5/High Five!at ang aking mga kaibigan na sila Epiconastick at Kalahatingtorpe
Medyo naghihinayang nga lang ako dahil Niyaya ako kumain nila Kalahatingtorpe nang di oras. Hindi ko tuloy masyado nakausap mga Classmate ko sa section 5. :(


Section 5!  Hangang sa muli! Haha!

December 17-18 2011

December 17 ang araw na mamimili ako sa Greenhills ng pang reregalo. Pero bago makarating sa Greenhills magkitakita muna kami kela Gabe kasi malapit lang sakayan sakanila. Ang usapan namin mga 2 nandun nako, kaso nadala ako sa pagbabasa ng hunger games kaya mga 3pm nako nakarating sakanila. Pag dating ko dun naghintay pa kami ng mga 30 minutes para macomplete kaming pupunta sa Greenhills.

So ayan nacomplete na kami at sasakay na kami ng jeep. Naghintay kami ng matagal bago kami makasakay ng Jeep, sabay mali pa yung nasakayan naming Jeep. Naglakad pa kami ng malayo layo bago makarating ng Greenhills dahil sa katangahan namin sa pagsakay ng Jeep. Pagdating namin sa Greenhills pagkain agad unang naisip namin at nabalak kami kumain sa Mcdo, pero boom ang daming tao naghintay pa kami ng mga 10 minutes bago magkaroon ng lamesa at makakain.

So ayun naglibot libot na kami sa Greenhills at balak ko talagang bilan ng maliit na angry birds lahat ng kaclose ko. Kaso nga lang ayaw mag agree ng price nila 50-60 isang Angry Bird kaya wag nalang sige prends alam nyo naman na mahal ko kayo. Hahahahaha. Hinanapan ko nalang ng regalo yung ka exchange gift ko sa Christmas party namin na dapat bibilin ko sakanya yung T-Shirt na Pepsi yung design pero Secsi nakalagay. Kaso nga lang hindi na namin nakita at Binilan ko nalang siya ng Superman shirt na tag 200 pesos lang. Bago yun medyo matagal tagal kaming umikot ikot sa greenhills at naiinip na mga kaibigan ko kaya pagtapos bumili ni peds ng pangregalo niya umalis na kami at tumambay kela Gabe.

Pagdating kela gabe as usual pinakain kami ng napaka bait niyang nanay. tapos nag Ps3 kami ng ilang oras bago kami magsawa at gumawa ng iba ibang bagay. Kami ni gabe nanood ng Movie na inayawan namin agad kasi medyo boring. Si AEROLL AT PEDS well, Nagbabasa sila ng dapat binabasa ng mga matatanda. So ayun nag Overnight kami kela gabe at pag gising sa umaga tambay onti, kain sa Mcdo, Tapos disperse na sa kanya kanyang pupuntahan. Umuwi nako kasi ewan tinatamad nako.