empoi

KITA-KITA review :

I just watched Kita-Kita. And I tell you guys to watch it too. Hindi man siya ‘yung tipo na love story na napapanuod mo pero ang ganda nung quality and originality nung movie.

Ang cute ng tambalan ni Alessandra at Empoy, hindi man sila 'yung OTP mo pero sila 'yung magpartner na may dating at kilig vibes.

Tapos iba pa 'yung dating ni Empoy sa movie 'yung tipong ang gwapo gwapo niya ganun ba. Parang taob lahat ng leading man sa showbiz (char). Pero seryoso ang cute cute ni Empoy ☹️.

Next, yung music ang lakas makasenti ng music na ginagamit and also nakakarelax even the cinematography nila relaxing hindi masakit sa mata 'yung color.

And lastly , yung place na pinagshootingan which is Japan na papangarapin at idadagdag mo sa bucketlist mo para puntahan kasi ang GANDAAA guys, everything is mesmerizing at kung blogger ka pa anywhere pwede mong gawing background sa mga 'blogger pose’ mo.

So guys, watch it too, wag tayo puro international movies, try rin natin 'yung mga pelikulang atin.

Kita Kita

Hindi man pogi si Empoy pero maiinlove ka sa character niya. Bulag man si Alessandra sa pelikula pero makikita mo pa din yung emosyon sa mga mata niya. Hindi man sila yung mainstream na love team pero matutuwa at mamahalin mo sila. Hind man sila nagsabi ng “I love you” sa movie, pero ramdam mo yung essence ng love dun sa pelikula. Sapat na yung kilos at salita nila para kiligin ka at paiyakin. Hindi mo kailangan maging pogi/maganda para mainlove o para mahalin ka. Kailangan mo lang ng puso… at saging.

Sorry di pa ako nakamove on. Gusto ko panoorin ulit. Penge nga akong isang lata ng Sapporo beer.  Samahan mo na din ng cabbage.

Kita-kita

Ayoko mag-post ng anything about Kita-kita kasi alam ko maspo-spoil ko talaga yung movie. Nanuod ako mag-isa nung Wednesday na hindi naman bago dahil kaya ko na manuod ng sine mag-isa (adulting 101). Akala ko manunuod ako ng nakatayo sa sinehan kasi pag-pasok ko all seats are taken (buti pa yung seat taken lol) so may nahanap naman ako.

Sobrang nakarelate ako sa attitude ni Leah sa movie masayahin, positibo sa buhay at willing to help people pero yun nga may mga mangyayari talaga sa buhay na di mo inaasahan at dahil doon magbabago tingin mo dito. Mawawala na yung dating ikaw. Ang sakit lang nung plot twist. All this time Empoy! All this time! Grabe yung feels ko dun. Yung pakiramdam na ang sakit sakit sa puso pero you have to pretend na wala lang. Yun yung ginawa ko sa sinehan, nagpigil ako ng luha.

Nagsisi ako dahil nanuod ako nun nagsisi ako hindi dahil ang panget ng movie, nagsisi ako kasi hindi pa nga ako naka move-on sa One Day tapos ying Kita-kita naman. Hays. Kung may narealize man ako sa movie na yon is show or tell you love people while you can or habang nandiyan pa sila kasi hindi natin alam mangyayari sa bawat segundo natin dito. Kung akala mo okay na yung lahat may mangyayari na hindi natin inaasahan.

“KITA KITA” (I See You)

Okay, guys. Let me get started.

See 10 Notes below:

  1. Isa. Isa ‘to sa mga pinakaaabangan kong pelikula ngayon. Panahon na para suportahan ang pelikulang Pilipino at hindi ako nabigo na naglaan ako ng oras at pera para dito. Worth it! May nabasa pa akong spoiler. Sobrang nainis ako ‘nun. Pero hindi pala totoo. Hahahaha.
  2. Dalawa. Dalawa lang kami nanuod nito. Hindi mo kakayanin manuod mag-isa. Kailangan mo ng kasama sa tawanan at.. iyakan. (Dian, it was nice crying with you.) 
  3. Tatlo. Tatlong beses ko naisip mag-CR habang nanunuod. Kaso, ayaw ko may ma-miss na scene. Nagtiis na lang ako. Hahaha.
  4. Apat. Apat na sakit sa puso ‘yung kinaya ko pero ramdam na ramdam ko talaga eh. Malalaman niyo rin ano pakiramdam.
  5. Lima. Limang minuto pa lang ang nakakalipas pagkasimula ng palabas, sobrang hooked na ako. Makukuha talaga niya ‘yung atensyon mo. 
  6. Anim. Anim na can rin kaya ng Sapporo beer ang kaya ko ubusin? Hahahaha. 
  7. Pito. Pitong beses ko ata kailangang ulit-ulitin ‘to para sa susunod hindi na ako maaapektuhan ng ganito. Hahahaha. Sa totoo lang, kung maiiwasan ko ‘yung ganitong palabas, iiwasan ko to. Pero no regrets naman.
  8. Walo. Walong beses ko nasabi sa sarili kong gusto ko pumunta ng Japan at kumain ng legit na ramen dun. Hahahaha. Ang ganda dun. Huhu.
  9. Siyam. Siyam na kilig moments ‘yung na-feel ko. Nakakakilig na nakakatawa ‘tong movie. May chemistry talaga ‘yung mga bida. Ang effortless ng acting nila pero kuhang kuha yung manunuod. Saktong timing sa pagbato ng lines. Sobrang mafe-feel mo talaga.
  10. Sampu. Sampung beses ko na atang sinabing hindi ako iiyak ‘pag napanuod ko ‘to. Hahahaha. Nakabasa kasi ako ng mga reactions ‘nung premiere night. Nakakaiyak daw. Sabi ko, “Hindi ako iiyak.” x 10. Pero wala eh, nakakaiyak talaga. Huhuhu. Sakit sa puso.

Watch the movie trailer here:

Bonus: Short story - “Hindi ako iiyak”

Kita-kita. Isa na namang pelikula na sobrang tumatak sa akin. Pinasaya, pinatawa, at sobrang pinaiyak ako. (Kanang after sa credits, mauwaw ka kay gikan pa ka og hilak) Napakaganda at mahalaga ng pagkakatagpi-tagpi ng mga kaganapan. This is a story that will make you realize to seize every moment in your life, to appreciate the people around you and to be thankful with every blessing that will come your way. And you will learn na may taong nagmamahal at nakakakita ng halaga mo at meron ka ring mga tao na napapasaya kahit hindi mo nalalaman. Dahil nauso ang pagbilang mula one to ten, ito ang entry ko.


Isa. Isa ito sa mga pelikula na pinaghandaan ko talaga, na nasabi ko sa sarili ko “ kailangan mapanuod ko."At isa na ‘to sa mga maisasali ko sa listahan ng mga paboritong pelikula.

Dalawa. Sa dalawang tao lang talaga umiikot ang istorya. Dahil sa ganda ng pagsasaayos ng scenes, hindi mo na nga mapapansin ang ibang karakter ay extra lang talaga. Pagbasa mo sa credits, mapapasabi ka… "Si Alex ug Empoy raman diay to.”

Tatlo. Tatlong beses akong humagulgol. Isa noong nabulag si Lea (plus the jerk bf in one scene), noong nagtravel silang dalawa. At pangatlo, noong pinakita na ang point-of-view ng karakter ni Tonyo.

Apat. Apat na beses akong napaisip ano kayang mga bagay ang dapat maappreciate ko dapat na kinakalimutan ko nalang dahil akala ko typical na nandyan lang.

Lima. Sa limang pagkakataon nagnais din akong may taong makakakita ng kabaitan ko sa kanila at maski papaano ay napasaya ko kahit sa mga simpleng bagay lang.

Anim. Anim na segundo ko pinigilan ang sarili na huwag magsalita sa loob ng sinehan para lang masabi ang mga naiisip ko, hindi ko kinaya (triggered ako kay Nobu)

Pito. Pitong beses (or naghallucinate ra ko) ko nakita ang kaugnayan ng dalawang karakter sa isa’t isa gamit ang mga symbolisms at mystery shots nila. Ibang-iba.

Walo. Walong pampunas ang nagamit ko para lang mawala ang pumatak at pumapatak na luha mula sa aking mga mata lalong-lalo na nung nagtravel mula si Lea sa mga napuntahan nila ni Tonyo.

Siyam. Yan ang biling ng mga taong naiwan sa sinehan matapod ang pelikula at pito sa mga yom ay maintenance personnel nalang. Oo, nagtagal ako sa loob. Masakit pa eh, nakatanga lang ako.

Sampu. Sampung pauli-ulit na bilang ang ginawa ko dahil sa sobrang pagtawa at pag-iyak sa pelikulang ito. Humagulgol man ako ng apat na beses, lampas sampo naman ang oag-iyak ko.

May mga bagay na mas nakikita natin ang halaga kung hindi natin literal na nakikita. May mga bagay din na minsan nasa harap na natin di pa natin nakikita. Pero ikaw, kita kita. 😊

1-10, anong ibig sabihin ng bilang mo?

Thoughts about the movie BLOODY CRAYONS (spoiler-free of course!)

I decided to share my thoughts about the movie because bihira akong matuwa sa local mainstream movies. Honestly, I’m not really a fan of them, or any Filipino films for that matter. I’m not a movie critic though, but here’s my honest and objective opinion regarding the movie:

1st: CINEMATOGRAPHY
Una akong na-in love sa cinematography ng Bloody Crayons. Mad props sa cinematographer ng movie! 🙌👏 I think never pa akong nakapanood ng Filipino film na ganun kagandanda ang cinematography, until napanood ko yung Bloody Crayons. The whole time na nanonood ako, I can’t help na ulit-ulitin sa sarili and sa katabi ko “grabe, ang ganda talaga ng Cinematography!”
Rating ko is 9/10

2nd: STORY
I am aware na based ang movie sa isang book. I already read the book before I watched it’s movie adaptation and let me say, sobrang dami nilang iniba. But the drastic changes they did really worked for the movie. Bloody Crayons is not your typical mainstream Filipino movie. Yes, it’s a suspense-thriller movie but I guarantee that it’s not corny! In fact, Bloody Crayons is a game-changer. And given na it’s a barkada film, it’s something fresh for the millenials. Na-appreciate ko yung hindi nila pag-focus sa love story ng mga characters. The movie is about barkada and friendship. AND GRABE DI MO TALAGA MAHUHULAAN KUNG SINO YUNG KILLER UNTIL THE NEAR END OF THE MOVIE. The whole time na nanonood ako, nage-enjoy ako ng sobra! Nakakagulat. Nakakatakot. Nakakatawa. I was not expecting the movie to be THAT good! Never akong naging ganito after makapanood ng Filipino film LOL the movie is not perfect though. Sana nabigyan yung ibang characters ng depth at sana lahat may backstory kahit sobrang konti lang. But other than that, Bloody Crayons was a pretty decent movie. If you want something new from local mainstream movies, then you should definitely watch this!

3rd: SCRIPT
The script was realistic. Yun lang masasabi ko haha (sorry haha mas nakuha kasi ng cinematography yung attention ko kaya yun lang maco-comment ko)

4th: CASTS
(Shet sana wala akong ma-spoil dito hahaha okay eto na)

-Sofia Andres (Marie): She’s good in this movie. Satisfied naman ako sa facial expressions and delivery ng lines nya.
I can’t really say much more regarding her acting skills kasi nakulangan ako sa screen time nya to give more comments. But I guess na-justify naman nya yung role nya, so good pa rin.

-Jane Oineza (Olivia): She made me realize that she is one of the underrated actresses sa ABS. Ang galing nya dito! Her confrontation scenes with the other characters were exceptional! Bumagay sa kanya yung role ni Olivia, as if para sa kanya talaga yun. I want to give more praises and comments kaso ang hirap kasi may masasabi akong spoilers. Basta you’ll get me pag napanood nyo yung Bloody Crayons! Props to Jane for nailing her role!

-Diego Loyzaga (Kenly): Yung role daw ni Diego dito sa movie is the “Jock” or “Alpha Male” ng group. In fairness, kahit walang masyadong backstory si Kenly, Diego made me feel na Kenly is really the alpha male ng barkada nila. Ang ganda ng chemistry and friendship nila ni Yves sa movie. And of course, Sofiego! Nakakakilig sila. ❤

-Empoy Marquez (Jerard): Grabe hahahaha sobrang funny ni Empoy sa movie! He is a great comic relief sa Bloody Crayons. The down side lang siguro is nung seryoso or intense na yung scenes, I can’t help but to laugh pa rin kahit na hindi naman dapat nakakatawa yung mga nangyayari. But other than that, perfect na comic relief talaga si Jerard. 😂

-Yves Flores (Justin): Yves earned my respect. Actually, nagulat ako sa kanya. Hindi pang-supporting role ang ginawa nya sa Bloody Crayons. He did more than good sa movie as Justin. I didn’t know na ganun na pala sya kagaling umarte. He did justice sa role nya as the makulit sa isang barkada, natuwa naman ako sa kanya. Though, may isang scene na umiyak sya pero hindi ko sya na-seryoso. Pero other than that, he did really good. Na-impress ako sa isang scene nya with Janella and Maris. Props to Yves sa scene na yun 😉

-Maris Racal (Richalaine): Maris is really impressive in this movie. Malayo sa role nya sa VKJ, pero she did a great job as Richalaine. She’s actually a natural. I love her facial expressions, it was as if yun na yung nagsasalita at nagkukwento para sa kanya. Hindi mo makikita na trying-hard yung pag-express nya ng fear. Very realistic ang pag-ganap nya as Rich. I also love her chemistry with Yves. Ang funny nilang dalawa.

-Elmo Magalona (Kiko): Elmo nailed his role here. He kept me wondering kung sya ba talaga yung killer or hindi. Grabe. He did justice to his mysterious/the quiet one role. Feel ko mahirap yun ah… to express his character just with facial expressions and a few lines (kasi nga mysterious dapat sya) pero with Elmo’s acting skills, naging effective sya as Kiko. His chemistry with Janella is undeniable. Kahit nag-uusap lang sila or nagkakaron ng eye contact sa movie, the kilig is there. I can see why madaming kinikilig sa Elnella. ❤

-Ronnie Alonte (John): I’m sorry. Wala akong masyadong magandang review kay Ronnie. Sayang. He has the looks and the charm sana pero sobrang kulang sya sa acting skills and delivery ng lines nya. May konting parts naman na natural ang pag-act nya pero most of the time sa movie nafi-feel ko na parang nagpapa-cute lang sya. I hope na mag-acting workshop muna sya. He has so much potential eh.

-Janella Salvador (Eunice): Janella is one of the few actresses na magaling mag-internalize ng mga roles na binibigay sa kanya. Every time she acts, hindi mo nakikita si Janella Salvador. Ang nakikita mo lang is yung role na ginagampanan nya. And in this movie, si Eunice lang ang nakita ko. Janella did justice to her role. Pag umiiyak sya, ramdam mo. Pag nasasaktan sya, ramdam mo. Pag natatakot sya, ramdam mo. In short, she did an extraordinary performance sa Bloody Crayons.

SO AYUN LANG! HAHA I’d give the movie a 7/10 rating. There’s hope sa mga local mainstream movies, after all.

PS: I wanna give my subjective opinion naman:
GRABE ANG GWAPO NI ELMO AND RONNIE DITO SA MOVIE! GUSTO KO YUNG CLOSE-UP SHOTS NILA.
AND YUNG PA-ABS NI ELMO MAGALONA JUSKO POOOOOOOO DI KO KINAYA 😍😍😍
PPS: Ayun, nag-fangirl lang ako. LOL k bye.

Pero gais ano kasi affected ako sa Kita Kita. Yung side ni lea side din ni tonyo. Pero happy for tonyo kasi atleast diba napasaya nya si lea bago ano tas ang gago ng boypren ni lea pag sakin ginawa yun o edi waw ah gago tawa sabay lowkey hurt hurt eh lecheng yan mga effort ni banana iba pero funny ni empoy paksyet.

ang gwapo ni yves huhu pansinin si koya taob si elmo, diego, ronnie lol lalo na si empoy. tapos bukod diyan, wala na. ang shitty nung bloody crayons. natatawa lang ako kay empoy non shet tapos ang ganda ni moana jk ni janella ang fresh niya mumsh kahit patayan na ang fresh parin puqi ang daya tapos ano mejo ampanget lang nung naka-belo tanamo alala ko parin itsura hanggang ngayon pero panget la kwenta movie sayang tuhandredten pero nag-enjoy pa rin ako luh

unwrappingsouls  asked:

I was curious about something you said About racism towards whites. You said you can be prejudice and hateful but not racist and your example was "I don't trust whites" that's obviously not racist But then what do you call being called mayo over and over? I see people just blow off white people regardless of what they're saying because they're 'a jar of mayo'? How about lynchings of white people in Africa? Or when white people are minority and are beat/killed? Is this racism? I'm very confused

Being called “mayo over and over again”? I call it… name-calling. Simple and pure. 

I was called a bunch of things in high school… a lot of homophobic things and was told “because ya a yank” (translation, I’m from the US and worse, I’m “proper”).

Another thing I find confusing is when people love to do these “shoe on the other foot” problems. Like if White people were in Africa, they would get “lynched” or “beaten/killed”. 

First off, it trivialized the issues by saying “well, why just leave out other countries? Let’s make it a WORLDWIDE ISSUE” which then means… no action is taken simply because of a few reports in other countries and thus people will think the “hatred” is “equal”. 

Second thing is… WHAT reports? Let me tell you something… Africa is a continent with different countries. And the fact that you’re saying something like that says you’re simplifying what maybe a problem in one country in Africa to an entire continent

Even if that was the case, it doesn’t delete what racism means from a sociology standpoint. It just means a rare exception to the rule. 

Anyway, when we refer to racism, the context is beyond simple “I hate your skin tone” argument, but a system that gives one race power over others.

In other words… us calling each other names isn’t racism. That’s prejudice. 

What’s racism is that if I call you a name and you are able to sue me successful for damaging your self-esteem, along with a media shame campaign, and my name now being attached to that, making me undesirable to be empoyed by companies for at least 5 years. 

Here’s a comic that illustrates why White people using the dictionary to “define racism” is actually counter-productive.