emosyons

Emotional Lust.

Alam niyo ba ‘yong emotional lust? Feel ko ito 'yong madalas at majority na nararamdaman ng mga tao. Especially sa mga relasyon na mabilis natatapos. Parang ito kasi 'yong nagiging batayan kung mahal mo ba talaga 'yong tao or hinahanap lang siya ng emosyon mo?

Example:

Pag gigising ka sa umaga, siya agad 'yong hinahanap mo. Then pag tutulog ka na sa gabi fina-fantasize mo na sana siya na lang katabi mo para may kayakap ka sa gabi. Tapos may mga listahan ka ng mga qualities na gusto mo sa isang tao. To make things short nasobrahan ka sa kakabasa ng thought catalog. Hahaha!

Alam mo bang hindi pag-ibig madalas 'yon? Madalas emotional lust lang 'yong nararamdaman nila. Ito lang gusto mo laging maramdaman. Kaya naman once na nagka problema na mas nangunguna 'yong pride kasi once na nangyari na wala na ibang naiisip kundi 'yong magagandang ideas lang sa Love. Minsan, nami-miss mo lang 'yong feeling pero hindi ka naman pala handa magmahal. Hindi ka handa lumaban once na nagkaroon na kayo ng problema. Para bang gusto mo laging na sa 'yo ang atensyon niya, napaparanoid ka kapag hindi mo siya nakakausap, feeling mo lagi ipagpapalit ka. Tapos hindi na nagiging natural 'yong pakikitungo mo kasi ginagawa mo lang lahat ng bagay ayon sa naiimagine mong romantic para sa 'yo. Ginagawa mo lahat to please yourself and not your partner.

Minsan hindi mo talaga mahal ang isang tao. Madalas miss mo lang 'yong feeling. Once na nalaman mo na pinagkaiba non. Then next time hindi ka na magkakamali sa tao. And remember. Hindi porket gusto mo ang isang tao ay dapat may special affection kaagad siya sa 'yo. Hindi mo madadaan ang matitinong tao sa ganyan. Unless, nagkita dalawang malandi na go lang palagi at walang pake kung masaktan because YOLO right? Haha!

Huwag mong isisi sa ibang tao yung failures mo sa buhay. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan nila bago nila makamit yung hinihiling mo rin na tagumpay. Okay lang ang umiyak at magreklamo, pero hindi okay ang ikumpara mo ang sarili mo sa iba at isisi mo sa kanila kung bakit ka nagkakaganyan. Wala silang pake sa’yo. Nagsasayang ka lang ng emosyon, nag-aaksaya ka lang ng oras.

anonymous asked:

Natural lang ba sa babae yung hindi magalit? i mean, yung tipong huhulaan mo pa kung bakit sya biglang tatahimik tas di ka nya kakausapin. hindi mo alam kung ano ano na pala gumugulo sa isip nya tapos malalaman mo nalang may nagawa ka na palang mali. never pa nya kong inaway kahit na ang dami ko ng kasalanan sakanya.

Una mong kailangan malaman sa mga babae is that, they’re are unpredictable. May times na magagalit sila ng walang dahilan, hindi nila minsan alam gusto nila, pabago bago ng isip etc. They are wonderfully made by God kahit they’re like an abstract painting na kahit hindi mo maintindihan eh worth it paring mahalin nating mga lalake.

Going back to your case, Brad. Tatlo lang so far ang naiisip kong reasons kung bakit kailangan mo pang hulaan yung emosyon niya imbis na vini-vent out niya sayo yung mga mali mo.

  • First is, you always ignore her feelings. Ang mga babae kase, alam kong nature na talaga nilang mag respond sa mga bagay bagay lalo na pag in a relationship sila. Pero kung panay gawa mo ng mali tas panay react siya tapos wala ka namang ginagawang adjustments for her at same shit lang ang nangyayari, mapapagod din yan para mag express ng feelings niya sayo kase nga non sense din.
  • Second, she’s not comfortable with you plus with BLAME GAME. Ito yung meron siyang fear na mag share ng totoong feelings kase baka bago palang kayo or what, tapos kung mangyari mang mag share siya ng feedback niya sa isang bagay, imbis na i-comfort mo siya, binabalik mo pa sakanya yung sisi. Tipong sasabihin niya na, “Eh nakita kitang kasama mo si ganyan.” Ang sagot mo sakanya, “Eh ikaw nga ganito ganyan eh.” WALANG ACCEPTANCE. Sabat parin ng sabat.
  • Third. Napagod nalang siya.

Siguro ang masasabi ko lang sayo. Wag mong hayaan na magsawa nalang siya sayo dahil sa patong patong na kasalanan mo. Kung tutuusin nga dapat maging thankful ka kase nagstay pa siya sa kabila ng mga pagkakamali mo. Kung hindi naman kalabisan para sayo ang mag adjust, utang na labas, mag adjust ka lang for the better. Wag na natin palaging ipagtanggol ang pride natin over them kase you’ve already won when she said YES to you. Kapag nagagalit siya, suyuin, amuhin, i-please, say i love you. Wag yung ibabalik pa natin yung blame sakanila. Thanks.

Nanuod ng 4 sisters in a wedding. Grabe ang emosyon ng palabas. Feeling ko I am Bobbie ahhaha. I am the least favorite sa bahay namen. Dad’s favorite is Rr and my mom’s favorite is Kuya. Laging nasa kanila yung atensyon ng parents ko. Sila lagi yung ganito, ganyan. I remember there was this time that I was awarded as the King of the campus but my parents didn’t show up to the awarding. They were so proud to my Kuya’s achievements kahit na yung kanya isa or dalawa and I have more than 4. Di man lang napansin efforts ko. Di laging napapansin efforts ko. Hahahaha socklaugh. Pero buti naman medyo nag babago na.

Pano mo nga ba masasabi na “Magaling" ang isang blogger?

So ito nga, patulog nako tapos may nabasa ako about sa “galing" ng pagbablog? Pano nga ba nasusukat o masasabi na magaling ka mag blog?

Masasabi mo bang magaling na blogger ang isang manunulat base sa notes na meron sya? Sa followers na patuloy na nagbabasa o napapadaan sa blog nya?

O di kaya naman, Sa lalim ng bawat bagsak ng Ingles nya. O sa emosyon na minsan nagkaka kanda buhol buhol na dahil sa lengwaheng napili nya.

O di kaya naman, sa dami ng bumabati sa kanya, yung tipong para syang Kongresista na madaming kausap at kabatian

O di kaya naman, nasasampal ka sa bawat hulog ng kanyang mga tula o ang bawat parirala na para bang ikaw ang tinutukoy nya.

Pero sasabihin ko sayo,Walang magaling o di magaling na manununulat. Nagkataon lang na di angkop yung sinusulat nya base sa nararamdaman mo o di kaya naman di kayo pareho ng gusto. Napakasimpleng i judge yung kalidad ng pagsulat nya diba? Pero di mo alam yung emosyon na ipinundar nya makagawa lang ng babasahin mo at binabasa mo.

Sa tuwing bibisita ako sa blog ko lagi kong naaalala kung ano ako noon, hanggan sa lumilipas na panahon hanggan ngayon sa kasalukuyan. Noon na batang isip pa, pablog blog lang na kung ano ano, udyok pa-minsan ng kung anong nararamdaman. Andyan pa yung pakiramdam na medyo mataas ang emosyon, kada nangyayari sa buhay mo, mapersonal na pangyayari, pagibig, pamilya o kung ano ano pa ibloblog ko pa agad. 

Hanggan sa natutong mag mahal, ng taong akala ko noon totoong pag-ibig. Syempre dahil bata pa nga noon mataas din ang emosyon ng pag-ibig, emosyon na batang bata pa talaga para magdesiyon at manindigan. Ng dumating ang mga pagsubok na sadyang nagpatibay sa akin, Unti unting tumatanda, umi-ibig, umiibig, nasaktan, umiyak, natuto at natauhan. 

Andyan pa yung mga panahon na mapapaisip kang magdeact dahil akala mo, wala ng saysay yung mga nangyayari hahaha mga batang isip na kinakaen ng emosyon na lang. Hindi makapag-isip dahil ang tangin alam ko lang noon. “Kapag nagmahal ka, sundin ang puso bahala na kung ano”

Hanggan sa nagkaedad ako, nagkaroon ng sariling diskarte sa buhay, nabusy, at naghanap ng totoong diresksyon ng buhay ko. Sa tulong ni Lord may mga bagay akong napagtanto. At yun yung mabuhay ng may kabuluhan. Natuto akong magpahalaga sa pamilya. Magtrabaho, mamuhay ng may sariling diskarte, magtapos mag-aral, ibalik ang lahat ng kakayanan mo sa magulang mo.

Dumating ang araw na minsan ko ulit naramdaman nabuo na ko. Na andun na yung emosyon na kaya ko na at gusto ko na din magkapamilya. Hindi man naging madali ang lahat, hindi naman naging ganun kadali ang umpisa pero nagpapasalamat ako sa Panginoon na mahina at madami man akong pagkukulang noon bilang isang babae, tao, at anak. Ngayon bilang may asawa na at soon magkaka-anak na din. Andun yung guidance niya to mold my life on next chapter.

Saksi ang blog nito kung ano ako noon sa ngayon. 

Usapang tula

Madalas sa madalas eh napakadalas kong bumisita dito sa dash pero tangina wala naman akong nasusulat, kung meron man pinopost ko kaagad tas after an hour delete kaagad kasi nakakagago ang pangit ng sulat ko.

Ganito yata talaga kapag wala kang inspirasyon, feeling ko isa akong artist na walang maipinta dahil walang pumapasok sa isipan ko, pakiramdam ko hindi worth it lahat ng naipepaint ko dahil wala akong emosyon na binuhos dun. Same as my writings now a days, mungago nakakagago walang kwenta, napaka neutral lang ng dating sakin, parang tubig, hindi juice o coke na may lasa na babalik balikan mo, except nga lang sa mas healthy ang tubig pero puta kahit na haha.

Anyways, kamusta na kayong mga tao sa dash? Konti lang kaibigan ko dito eh, tas tamad pa ako makipag usap minsan hahaha. tangina isang buwan na lang tapos nanaman ang summer ko, pakshet hello senior na ako ayoko na. puta

It’s funny how drunk I was 2 hours ago but I am okay now. Still got hang over and yeah that’s natural. Late afternoon today, I posted about how disappointed I was to my friends but yeah, di dapat ako nag react ng ganon. Nadala lang ako ng emosyon ko.

wassup guys i am shookt kauuwi ko lang kasi nagcover kami ng proclamation sa elections kanina sa may tyk tapos grabe yung emosyon sa loob jusq huhuhu dama mo talaga yung anticipation ng lahat. nandun si kiko at yung si gorospe + their supporters, pati rin yung buong ltc kanina hahaha. lakasdiwa candidates were nowhere to be found, idk about their supporters tho.

anyway so yun na nga, around 6 something nung naga-announce na for csc. and fam yung tears nandun, yung mga ngiti nandun. yung kaba ng lahat nung ina-announce yung number of votes nung election was like whoa okay tapos everytime – everytime na nanalo yung abstain, almost everyone (at least around me) were cheering. then until ayun na nga, andun sila sila kiko and gorospe who won hahaha (and tbh i think they deserved it hahahaha)

anyway so yun na nga, while my blockmates were interviewing several people (including those who won) i got the chance to look around. and friend, even though yes i thought na medj nagkulang nga yung mga parties in convincing us about their platforms, and not to mention the controversies that surrounded this year’s campaign, i must admit my heart broke pa rin nung nakita ko sila na nagi-iyakan sa may gilid. and then it dawned on me na nandun din sila nung nagche-cheer mga tao for abstain – that was like a slap in the face to them.

in light of this, light nga ba, i hope the message of the thomasians got across to aspiring student leaders that they need to step up their game. no one easily believes in campaign speeches as much as they did before. and the students also have the power to not choose those who they don’t think deserves the spot. and dun sa mga nanalo, i hope they deliver. the road towards a better central student council this year will be a difficult one.

Hindi ako galit sayo na hindi mo ako gusto. Galit ako sa sarili ko kasi ang tanga tanga ko. Kasi alam kong hindi pwede pero nagpumilit ako. Ang hina hina ko kasi nagpatalo ako sa emosyon ko. Hindi mo kasalanan na gusto kita. Sining ka para sakin. Totoo yun, hindi ako mauubusan ng rason para ma gustuhan ka. Hindi ko na nga ata kailangan ng rason. Natural sayo yun. Na magustuhan ng tao. Hindi mo kasalanan na hindi mo ako gusto. Mapipilit mo ba ang puso mo? Hindi naman diba? Ganun siguro talaga. Hindi ka para sakin. Kailangang tanggapin. Pero alam mo, sobrang blessed ng babaeng nakatadhana para sayo. Because you are you. Hayaan mo akong kumawala sa nararamdaman ko. Kakayanin ko.

Ayokong Ma-Fall Ulit

Para na akong nagkaroon ng trauma jan, ilang beses na akong nafall pero ilang beses din akong nagpakatanga dito. Lagi akong nagmukukhang tanga nito dahil ilang beses na akong pianaasa ako ng ilusyon ng aking emosyon. Nakakapagod masyadong umasa sa isang tao na gusto mo pero malabo naman ang uganayan niyo. Kaya ayoko nah. Hindi naman sa ayoko nang magmahal ulit, pero ayokong pumasok sa isang relasyon na sa simula pa lang wala din itong mapupuntahan. Nakakapagod na rin umasa eh. Gusto ko munang enjoying ang pagiging single ko, gusto ko munang tutunan na mahalin ang sarili ko dahil napakahirap magmahal ng ibang tao kung sarili ko pa mismo hindi ko man lang matutunang mahalin. Open naman parin ako, ayoko lang pilitin o ipressure ang sarili ko na magka-lovelife ngayon sa malibg panahon at pagkakataon.

anonymous asked:

I had a bestfriend named A. Us, together with our other barkadas promised each other to never have a boyfriend until we finish college. Then, B entered the scene and decided to court A. I was A's bestfriend but she didn't tell me about it, instead she told her seatmate C everything everyday. I kept quiet. She went into a relationship with B. I didn't support her because she didn't tell me anything. C had supported their relationship. Then in a flash, they were bestfriends and I was forgotten.

Una sa lahat, gusto ko maging transparent ka at lawakan mo ang pag-iisip mo. You and A are best friends, then you promised each other na hindi magbboyfriend until you finished college. But then A fell in love with B so doon palang hindi mo na makokontrol yung feelings ng bawat isa kase emosyon ng tao ang pinag-uusapan diyan.

But I know that’s not your point. Your point is you were abandoned by your best friend. She was supposed to tell you her secrets but it turned out that she told everything to C instead of you, which is why the reason you’re upset and frustrated as her “best friend.”

I strongly believe that A were afraid of telling you about her love life because you both made a promise to each other that no boyfriend until graduation day, right?

Now, I want you to reach out to A and tell her that you support her and you’re happy with her and you’ll always be there for her whenever she needs you. That’s what’s best friends do. Have you noticed that I didn’t focus on your feelings?, because I want you to be mature enough to handle this kind of situation. I want you to pay attention to your role as her best friend rather than being a drama queen. It will not help you to reconnect with each other saying, “Why didn’t you tell me? Why to C? Have you been ignoring me this whole time?” I will say no to that. She didn’t abandon you. You stopped talking to her that’s why she felt different about you and perhaps thinking that her secrets are not welcome to you anymore so she decided to share it to others.

Reach out to her this time and say, you support her. It’s like tapping her at the back telling, “Hey, we’re cool. I’m just happy for you! Don’t mind our promise. What’s more important is your happiness.”

Best friends shouldn’t control things around each other’s lives. Best friends are after each other’s happiness. Thank you.

thousand-miles-lovestory  asked:

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

❤ Feb 1, 1996 🎂
❤ 21 years old
❤️ Electronics Engineering major in Communications
❤ A-LAI-ZA yung tamang pag pronounce ng name ko
❤ 4 kaming magkakapatid lahat kami babae
❤ Papa’s girl ako at proud ako dun
❤️ Lahat ng gala ko sinusuportahan ni papa lalo na financially 😍
❤ Madami akong friend na lalake kaya akala ng mga kaibigan ko ang fuckgirl ko dahil andami kong katext na lalake tapos ibaiba pa daw.
❤ SOBRANG CLINGY kong friend kaya napagkakamalan akong malandi pero wala naman akong pake sa sasabihin ng iba 😂
❤ late yung emotions ko. I mean saka ko lang marerealize na hindi ako okay after 2-3 days pa. Kaya akala ni Cd wala akong emosyon
❤ Iyakin ako, sobrang iyakin ko.
❤ Mabilis lang ako sumaya at pasayahin
❤ Akala ng mga kaibigan ko mayaman ako dahil napakagastos ko. Hindi nila alam madiskarte lang talaga ako.
❤ Nawala yung iPhone 5s ko sa bus nadukot ata tapos paguwi ko galit si mama dahil parang wala lang daw sa akin yung nawala ko.
❤ na Scam ako worth 25k kasunod nung pagkawala ng phone ko malas right? Haha
❤ Mahilig ako magpamember sa kahit anong klaseng membership pa yan hahahaha
❤ mahilig ako sa cards.
❤ Kapag nakainom ako madaldal ako tapos akala nila lasing na ako pero ayaw nila maniwala na hindi pa ako lasing
❤️ Malandi ako pag nakainom 💯💯
❤ Once lang ako nalasing ng sobra, last month lang
❤ Mahilig ako mag overnight sa condo ng mga friends ko.
❤ sobrang importante sa akin ng mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko silang lahat
❤ Kapag ayaw ko sa tao ayaw ko. Hindi ako mahilig makipagplastikan sa ibang tao.
❤ artistic ako sa sobrang artistic ko pati yung sa aming dalawa binibigyan ko ng kulay 😂😂😂😂 may pag hugot pala 😂
❤ Madalas ginagawa kong biro lahat ayaw ko kasi makita ng iba na mahina ako.
❤ Nagmahal na ako ng bongga once kaya yun nasaktan din ako ng bongga. Masama pala kasi magmahal ng bongga.
❤ mabilis ako mafall
❤ VIRGIN (realtalk to ayaw ko talaga makipag sex sa ngayon)
❤ Takot na ako makipag commit sa ngayon so fling fling 😂

Grabe sobrang dami neto ate hahaha thanks 😘😘

Nag aayos pa rin ako ng blog. Palit kanta lang tas asar yung theme na gamit ko nag loloko pa. La ako emosyon. Di ko alam nagising ako kanina hapon manhid na.

“MAGMAMAHAL KA ULIT GAYA NOONG UNANG BESES MO ITONG SINUBUKAN.”

Halos 100 milyong bagong selyula ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos 100 miyon din ang namamatay. Araw-araw, halos isang daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala pero napapalitan din ito kaagad. Yung outer layer ng balat mo, napapalitan every 35 days. Yung patay na kuko mo tumutubo ulit after 6 months. Panibagong set ng red blood cells ang dumadaloy sa mga ugat mo every after 4 months. Nagkakaroon ka ng bagong skeleton every 10 years at nagreregenerate ang muscles mo every 15 years. 

Kung kaya ng iba’t-ibang bahagi ng katawan mo, kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong itinuring mong malaking bahagi ng buhay mo ay magiging parte na lang ng malungkot mong dati na hindi na dapat balikan. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng elemento ng sakit at galit. Hindi man ganung kadali, mahabang panahon man ang bilangin, ilang bilyong bagong selyula man ang magpapalit-palit sa loob ng iyong katawan, pero darating ka rin doon. Malay mo, sa pagpapalit na ‘yon, maaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon mo hanggang sa magising ka na lang na wala na yung dating pagtingin. At kapag nangyari ‘yon, para ka na ulit bagong nilalang. At ang bawat durog na piraso ng puso mo ay mabubuo ulit gamit ang natitirang pirasong hawak naman ng iba para ibigay sa’yo ng buo. 

Magmamahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo itong sinubukan.

Seryoso, nakaka taba ng puso pag may nag ti-TA sakin na nabasa nila yung mga horror stories ko, saka yung iba din tas natakot ko sila kahit papaano. Alam mo yun, nakaka inspire pa lalong sumulat ng sumulat kasi di nababaliwala yung pag hihirap at pag pipiga ko ng utak ko maexecute lang ng maayos yung tamang emosyon sa kwento ko. Hays. I love you guys. Kayo na kang mamahalin ko. Hahahhahaha.

anonymous asked:

Naalala mo ba ako from a week ago. Ako ung anon na nagask if tama lang ba na lumayo nako tuluyan sa mga kaibigan ko o nadadala lang ako ng emosyon. Ako ung ilang beses ng nagaatempt na mawala but when I told them abt it, wala silang pake. Anyway, a few days after I messaged you I decided na iopen na ung convo ko with them after telling them na sana respeto naman. Ung isa walang reply, di na nagparamdam (pinakaclose ko before). Ung isa, reply sa akin, "You earn respect you don’t ask for it, fyi.”

Part 2: Then, sabay block sa akin. Umaga yun nung nabasa ko, iyak ako ng iyak habang nasa byahe papuntang school. Hahahaha, sobrang disappointed ako sa kanila pero di ko maintindihan bakit mas disappointed ako sa sarili ko. Sobrang di ako makapag function noong araw na yun to the point na even started cutting my wrists. Midterms week pa man din noon. Pero ngayon, I feel a bit better. Sana di na ulit umatake ung ganun sa akin. Minsan natatakot talaga ko sa sarili ko kapag natritrigger ako.

—————————————

Hey, Anon! Seriously, please fix yourself and the way you think towards friends. Choose your friends wisely kase sila ang pangalawang pamilya mo. Tsaka telling your “friends” na nagsuicide or mag attempt ka is PURE ATTENTION SEEKING. Tho, baka gawin mo nga talaga pero they’re not gonna spend time with you being a drama queen. 

Eliminate those fake friends and it’s time to meet new friends! Taking your life is not the solution. Instead of sitting and crying, empower your strength. Kaya nga to avoid being triggered all the time, ELIMINATE WHAT IS TOXIC IN YOUR LIFE. Okay? Kahit na chap-chapin mo sarili mo in front of them, kung wala silang pakialam, wala silang kiber. Okay? You have a purpose! Also, read your Bible. :)