edsa 1986

February 23, 1986: Civilian supporters of the opposition, responding to Cardinal Sin’s call for support, climb the gates of Camp Crame to deliver bags of food to the rebel soldiers inside. People flash the hand sign for “laban,” or fight. (Photo from People Power: An Eyewitness History)

The 1986 EDSA People Power Revolution as it happenedfollow PCDSPO on Twitter

Jump Brother! (and Other Missing Personalities)

Whether we were in EDSA in 1986 or not, most of us are familiar with the famous “victory jump” of then-AFP vice Chief-of-Staff Fidel “Tabako” Ramos.

And yesterday, during the 25th anniversary of the bloodless revolution at EDSA, our beloved tabako shows that he can still jump high.

Nag-Flanax siguro bago pumunta doon.

President Aquino beams as former President Fidel Ramos and former Senator Agapito “Butz” Aquino reenacts the historic “jump” as EDSA Heroes and personalities does a “kapit-bisig” and singing “Magkaisa”

Though makulay ang selebrasyon kahapon at espesyal kumpara sa mga nagdaang taon, hindi pa rin maitatago na parang medyo “kulang”.

  • Someone is missing yesterday. Where is Manong Johnny Enrile? And where is his famous usi na nakasabit sa kanyang balikat back in 1986? Nakatago pa din kaya? Kita niyo na, hindi pa lang ipinapanganak ang karamihan sa atin, nasa puwesto na si Manong Johnny. Ang tibay ano?
  • Where is the kilabot-ng-mga-kolehiyala-noong-1986-pamatay-sa-bigote-pare Gringo Honasan? He’s missing in action yesterday. Ah I know. Nakikipag-away sa Twitter kay Jim Paredes (nakita niyo ba yun kahapon? Ang cool di ba?)
  • Nasaan kaya yung ibang mga generals at mga troop leaders na unti-unting kumalas kay Makoy noong kasagsagan ng people power?
  • Ano kayang reaksyon ni General Fabian Ver at Ferdinand Marcos sa kabilang buhay? (Hindi ko sinabing langit, impyerno, nirvana, o purgatoryo dahil hindi ko alam kung nasaan sila.)
  • E yung mga buhay pang mga Marcos - Imelda, Bongbong, Imee, Irene, and others - nag-celebrate din kaya sila kahapon? Or naglalaro sila ngayon ng Senti Sabado?
  • Though Cardinal Sin and Tita Cory are no longer with us, they are still with us in spirit. Maraming salamat po sa inyong dalawa.

Sa milyon-milyong Pilipino na sumuporta noon, maraming salamat sa inyo. Tumatanaw ng malaki ang henerasyon namin sa kabayanihang ginawa niyo noon.

Huwag sanang mamatay ang espiritu ng EDSA. Viva Filipinas! Padayon!

Photo by: Robert Vinas / Malacañang Photo Bureau courtesy of the Official Facebok Page of President Noynoy Aquino