e ko and f ko

again. for the nth time. i’m s e l f i s h. gusto ko akin lang yung mga favorites ko. atsaka mas nauna akong makadiscover so, distance please. matutong lumugar, ay charot. basta akin lang dapat! yoko ng may kaagaw nuba & kapag ako naman nagkakagusto tapos alam kong hindi ako yung nauuna, i know how to adjust abuh dapat kayo rin mwa

NASAAN NGA BA YUNG PAKE MO?

Finally! ( Hindi ito Ariel Commercial ha. Tigilan niyo ako.) Nakamove-on ka na. ‘Moved-on’. May ‘d’ kase past tense. Nalampasan mo ang pinakamalupit na yugto ng buhay mo. Hashtag New you. Pang Version 2.o. At siyempre, dahil stronger ka na than yesterday kagaya ng kanta ni Tita Britney Spears mo, eto lang yung nasabi mo nung nabalitaan mong in-a-relationship na pala agad yung Ex mong tukmol which is maliit na bagay lang naman sa’yo kase nga, nakamoved-on ka na. 

And you were kinda like, 

  • “Hala!! Lumipad yung pake ko… Pakihabol.”
  • “Punta lang akong basement ha. Andun ata yung pake ko, nakapark.” 
  • “Eto google map. Pakihanap ng pake ko.”
  • “Basta pag nakita mo na yung pake ko wag mo na isoli ha? Labyu. 
  • “Wag ka magalala. Nireport ko na sa mga pulis yung nawawala kong pake.”
  • “Uy favor. Nahulog yung pake ko sa’yo sa inidoro. Pakipulot naman. :(”
  • “Sorry po. Out of stock na yung pake ko.”
  • “Yung pake ko lumipad sa langit di ko na nakita pumutok na pala.”
  • Breaking News: Nawala yung pake ko. 
  • Wag ka mag-alala. IpapaLBC ko na lang pag nahanap ko na yung pake ko ha. 
  • Nasa Lost and Found ata yung pake ko. Pwede mo bang tingnan?
  • Shitt!! Dumaan yung truck ng basura kanina. Nasama yung pake ko sayo.
  • Limited edition ang pake ko. Pasensiya ka na ha, walang natira para sayo.“
  • “Yung pake ko sa’yo nangibang bansa. Paki sundo nalang sa Airport.”
  • Tignan mo nga baka nasa Lost and Found yung pake ko sayo.
  • !!!! F O R S A L E !!!!          

           Product: yung pake ko        

          Condition: 10/10 Brand New      

          VIBE ME FOR DETAILS      

          FIRST COME FIRST SERVE BASIS!!! 

  • Wait. Yung pake ko nag loloading na.


Pero deep inside, gusto mong isalpak sa pwet mo ang lahat ng sinabi mo. Gusto mong manilkluhod, gumapang at magsumamo para sabihin sa kanyang,

“Ako na lang. Ako na lang ulet.”

At yun nga, Balik ka na naman sa simula.