dyipni

Sampung Rason Kung Bakit Ayaw Kong Sumakay ng Dyipni (10 Reasons Why I Hate Riding Jeepneys)

Yung mga taong hindi man lang mag-ipit kasi ung buhok niya nakakain na at napupunta sa mukha mo.

“NUNG AKALA MO SA BUHOK MO NOODLES?”


• Yung mga lalaking kung umupo eh nakabukaka ang sikip sikip na nga.

“ILANG ITLOG BA MERON KA AT HINDI KA MAKAUPO NG HINDI NAKABUKAKA?” (LOL!)

• Yung mga maiingay at makukulit na grupo!

“NA-ARKELA NIYO?”

• Yung grupong kumakain na nga, lakas pa kwentuhan!

“ANO TO PICNIC?”

• Yung driver lahat na lang ata ng tao sa kalye e hinintuan.. Yung mga 10mins ride lang dapat naging 30mins.

“ANO TO JOYRIDE?”

• Yung mga taong nanununtok yung AMOY!

“LIGO LIGO DIN pag may time PLEASE!

• Yung mga taong makaupo eh nakaside tapos nadungaw sa bintana! “Lakas maka EMO parang gagawa lang ng music video!”

• Yung mga taong natutulog tapos makasandal sayo wagas

“DYOWA?”

• Yung mga driver na ipagpipilitan na 10 ang kasya eh may mga matataba

“ANO TO, UNLI?”

• Yung mga taong kung makatingin ng CP mo ehh WAGAS!

“GUSTO MO KAW NA LANG MAGREPLY?

I don’t own this blog. I just change some formats.

Espasyo

Nagmamadaling pumanhik sa dyip ang isang nakayukong matandang babae hawak-hawak ang kanyang tungkod. Nagsigalawan ang nasa dulo upang siya ay mapaupo.

“PWD! PWD!”, sabi ng konduktor. Walang paningin ang matanda, napagtanto ko matapos makita ang kanyang nakapikit na mga mata.

Alam kong masama pero hindi ko napigilang suriin ang matanda. Siguro ay nasa pitumpong taong gulang na siya, halata sa mga kulubot sa kaniyang mukha at mga puting buhok. Napaisip tuloy ako ano ang kaniyang ikinabubuhay at bakit wala siyang kasama maliban nalang sa kaniyang baston na tila kasingtanda na rin niya.

Maya-maya pa ay napansin ko ang paghalughog ng matanda sa kaniyang bag. Ilang sandali lang ay inilabas niya ang kaniyang lumang pitaka. Laking bilib ko sa bilis niyang makabuo ng walong piso sa dinami-dami ng baryang nasa loob ng kanyang kalupi.

Nakatingin lang sa kaniya ang konduktor na tila ba naaliw rin. Inabot ng matanda sa tamang direksyon na kinaroroonan ng konduktor ang kanyang bayad, tatlong piso at isang limang pisong barya.

“Huwag na. Diyan na lang ‘yan”, sabi ng nagmamagandang-loob na konduktor. Natuwa ako sa ipinakitang kabutihan ng mama subalit hindi ko inaasahan ang itutugon sa kaniya ng matanda.

“Tanggapin mo itong pamasahe ko, hijo. Hindi ako nakakakita ngunit may espasyo akong nagagamit sa dyip na ito. Marapat lamang na magbayad ako.”

Nakangiting tinanggap ng konduktor ang pera ng matanda. Sa hindi kalayuan ay bumaba na ang ginang habang kaming mga pasahero sa dyip ay tahimik na pinagmasdan ang matanda sabay imik ng aking katabi, “Kakaiba ang matandang iyon.”

Totoo. Kakaiba nga.