dumaan lang

Paminsan minsan okay din naman pala na piliin mo na hindi na palalimin yung nararamdaman mo sa isang tao. Lalo na yung mga alam mong dadating sa buhay mo para dumaan lang. Kung tulad ko, takot ka din sa idea o feeling na maiwan, then don’t let yourself na maattach. Heto na naman ako. 

Dumaan ka lang pala sa buhay ko. Para ipakita at iparamdam sakin kung paano sumaya. Iparanas kung ano ang pakiramdam pahalagahan at alagaan. Salamat dahil pinadama mo sakin ang tunay na kaligayahan kahit sandali lamang. Hindi man tayo para sa isa’t isa, alam kong naging espesyal tayo sa puso ng bawat isa. Hindi maintindihan ng lahat pero mahalaga ay alam nating dalawa. Maraming salamat at dumaan ka sa buhay ko kahit na, hanggang dito lang pala tayo.

WALANG POREBER KAHIT SA LOOB NG BUS.

Habang pinagsusubsuban ko ang aking mukha sa salamin ng bintana ng bus ay may biglang nagpabagabag sa aking pagtulog dahilan upang maudlot ang kanina pang laway na tumutulo sa bibig ko.

Nagtaka ako dahil parang mabigat ‘yung balikat ko. pero pag tingin ko (habang pinupunasan ko yung labi kong basa)…………

May babaeng naka sandal sa balikat ko. Iniisip ko kung anong elemento kaya ang nag udyok sa kanya upang gawin ‘yun.

  1. Baka na iinggit s’ya sa’kin dahil may bintana akong nasasandalan kaya wala na s’yang choice kung hindi gawing bintana rin ‘yung balikat ko.
  2. Sobra lang ‘yung pagod at puyat n’ya kagabi kaya nagawa n’yang sumandal sa balikat hanggang sa dibdib at sa t’yan ko.
  3. May napapanaginipan si ate noong oras na ‘yun kaya umabot yung ulo n’ya sa may pusod ko.
  4. Akala n’ya siguro ako ‘yung aHzsaW4h_kHu b3hnt3_uNuH n’ya. o kaya
  5. Hinahanap n’ya lang pala ‘yung wallet at cellphone ko that time kaya ganun s’ya maka pwesto. weird.

Pero kahit ganun ‘yung nangyari samin, kahit pababa ng pababa ‘yung ulo n’ya na kanina ay nasa balikat ko lang at nakarating na sa may imaginary abs ko, pinabayaan ko lang s’ya matulog. Hindi ko s’ya ginising kahit mukhang masagwa na ‘yung pwesto naming dalawa. Nakapikit lang ako, habang nakangiti, iniimagine na s’ya ang kaporeber ko habang kumakanta ako sa isip ng “naniniwala na ako sa forever, simula ng makilala kita”.

Pero malas ko dahil nakatulog ulit ako at naramadaman kong wala nang nag ra-rakenroll na ulong katabi ko.Wala na s’ya, wala na ‘yung ilang minutong pinagsamahan naming dalawa. Wala na ‘yung amoy sunsilk na pink sa balikat ko. Tinapon na lang n’ya ‘yung mga ala-alang nabuo sa loob ng bus. Parehas ka lang rin pala niya, umaalis nang hindi nag papaalam. Iniwan na naman ako. Para lang s’yang ihi. dumaan lang para pakiligin ako. 

Pero salamat pa rin sa mga naiwan mong alaala, ang mga balakubak mong natira sa balikat ko.

Everyone has destiny

Ako yung tipo ng taong naniniwala pa din sa Destiny. korni man pakinggan pero naniniwala akong merong isang taong darating sa buhay natin para mag-iwan ng sugat, may dadaan naman para dumaan lang at merong dadaan at mananatili sa puso natin habang buhay at itong taong ito ang nakatadhanda para sa atin. TADHANA, pitong letra isang salita… hindi ba masarap isipin kung sinu tong taong ito na na nakatadhanang makilala natin at makasama habang buhay. Ang buhay daw ay parang libro na hindi pa napupublish, araw-araw na dumadaan nailalathala ang mga salita sa librong ito, may nakaplano na para sa atin. Hindi ba’t ansarap isipin kung sinu itong taong ito na makakasama natin sa pagbuo ng librong ito. isang taong handang makinig, handang umunawa, handang magtiwala at handang magmahal. mamaya nasa paligid lang pala natin itong taong ito di pa natin alam. kung sinu ka man… gusto na kitang makilala.

I HATE THIS DAY.
  1. Nag-away kami ng Nanay ko. Umagang-umaga hanggang ngayon.
  2. Puro assignments.
  3. Pumunta kaming Mall supposedly dahil may memeet kami. Kaso dumating yung tatay ko sa bahay.
  4. Namura ako ng Nanay ko.
  5. Naiinis ako sa Tatay ko.
  6. JIRITS AKO SA MGA MAGULANG KO. AKALA MO TERORISTA SILA. K.
  7. 45 Minutes lang ako sa PC. Syet.

BYE NA~

  • Wala na yung mga “I love you”.
  • Wala na yung sweet messages.
  • Hindi ka na mapupuyat dahil sa magkatext pa kayo.
  • Parang kahapon lang sobrang saya niyo pa, ngayon sobrang nasasaktan ka na.

Sa pag-ibig minsan kapag nasaktan tayo, ineexpect natin na kapag nagmahal tayo ulit, sila na yun. Sila na yung the one. Pero sa totoo lang, hindi pa naman talaga. Mamamalayan mo na lang na dumaan lang siya para paibigin at saktan ka ulit. Para turuan ka ng panibagong aral. Para mas maging matatag ka pa. Sa pag-ibig mahuhulog ka ng paulit-ulit, masasaktan ka ng paulit-ulit. Yung tipong dadating yung time na matatakot ka na magmahal dahil sawa ka ng masaktan. Pero dapat mong tandaan na ang pagmamahal ay isang adventure. Ilang ulit ka munang masasaktan bago mo makilala yung taong nakalaan talaga para sa'yo. :)

This is real life. There are no happy endings; only happy moments and memories. Minsan akala natin ito na yun, siya na yun. Pero hindi pa pala. Marerealize mo lang na dumaan lang siya para paibigin ka, para mahalin ka pero sa huli hindi pa rin pala siya yung para sa'yo. Maaring malalim ang pinagsamahan at naging relasyon niyo pero kahit anong pilit niyo sa isa’t isa, kung hindi kayo ang nakatadhana gagawa ng paraan ang kapalaran para maghiwalay kayo. Pero kaysa malungkot ka, bakit hindi mo na lang isipin na minsan din siyang naging sa'yo diba? At minsan ka ding naging sa kanya. At least naranasan mo ang magmahal at mahalin sa piling niya. Hindi man kayo ang nagkatuluyan, ngumiti ka na lang dahil kahit saglit, naramdaman mo kung paano ang mahalin ng totoo ng taong mahal mo rin. Kung yun ngang pakiramdam na yun masarap at masaya sa kanya, paano pa kaya kung naramdaman mo na yan sa taong talagang para sa'yo? Edi mas masarap at masaya pa diba?

Ilang beses na akong nasaktan, ilang beses na din akong nagmahal pero walang nagtagal, kaya yun tumatak na sa isip ko na pag ikaw yung nagmamahal ng sobra ikaw yung iniiwan tapos pag ikaw naman yung hindi seryoso ikaw naman yung mangiiwan kaya simula nun natakot na kong magmahal ng sobra ulit gusto ko sakto lang pero parang mali eh kase parang pinipigilan mo yung sarili mo, siguro mali lang yung taong minahal ko ng sobra noon siguro dumaan lang sila sa buhay ko para may matutunan ako. Dapat kung magmamahal ka ipakita mong mahal mo talaga siya, iparamdam mo sakanya, huwag kang matakot o huwag mong isipin na mababaliwala lang lahat ng yun huwag mong isipin yung mapapait mong nakaraan sa pagibig, mag focus ka sa inyo, mahalin mo siya na parang hindi ka nasaktan, mahalin mo siya na parang siya yung una, kesa naman iiyak iyak ka kapag iniwan ka niya pero hindi moa lam na ikaw pala yung may kasalanan dahil na kulangan siya sa’yo, talagang iiwan ka niya kung makukulangan siya sa’yo, iiwan ka niya kung hindi mo ipapakitang mahal mo siya.

Hindi lahat ng dadating sa buhay mo eh mananatili sayo.

Ang iba ay dadaan lang para mag-iwan ng aral. Aral na matututunan sa oras ng kanilang paglisan. At ang iba naman ay dumaan lang para maka sex ka lang.

Sa buhay, may mga taong darating na magbibigay ng maraming aral, magagandang alaala, magpapawi ng luha at magpaparamdam ng saya ngunit sa kabilang banda ay lilisan din dahil hanggang doon lang ang oras na sa inyo ay itinakda. Akala mo siya na, pero dumaan lang pala, nagsilbing bisita at hinanda ka para sa “mas” na parating sa buhay mo na magbibigay at magpaparamdam ng habangbuhay na pagmamahal, halaga at saya.

Lagi nilang sinasabi “wag kang mag-alala, babalik din siya”. Talagang lagi kong naririnig sa kanila yan. Babalik daw? Pero pano kung hindi? Pano kung tuluyan na nila tayong iniwan? Hindi ba masakit? Ewan ko ba kasi kung bakit may mga tao na papasok sa buhay mo, akala mo yun na, akala mo siya na, pero hindi pa, dumaan lang pala. Minsan rin napapaisip tayo na hindi nila tayo iiwan, babalik rin sila, pero ang totoo, tuluyan ng umalis at tayo’y kinalimutan. Mas masakit pa kung tayo’y ipagpalit sa iba. Mapapasabi nalang tayo na sana hindi nalang natin sila nakilala, sana hindi na lang sila pumasok sa mga buhay natin, pero wala eh? Huli na. Nakapasok na, nanggulo na, pinaasa pa. Sakit lang.