duhdeh

Day 3

EIGHT WAYS TO WIN MY HEART

1. May Sense of Humor

Lahat naman ata, ito yung hinahanap sa isang lalaki eh. Kasi sabi nga, daig ng funny ang gwapo. Masarap tumawa ng tumawa dahil ang gaan sa pakiramdam. Lalo na kung ang katawanan mo ay yung taong mahal mo. 

2. Dapat Makwento ka

Gusto ko yung hindi ako mababagot pag kasama ko ang isang tao. Dapat marami siyang alam na kwento para maraming mapag usapan, mapa social problems man, religion, love, music, life and syempre kung ano yung plano niya sa future para sa aming dalawa.

3. Maginoo

Sa panahon ngayon, bibihira ang ganitong klase ng tao. Bibihira yung bibigyan ka ng upuan para makaupo ka. Yung magpapaypay sayo dahil naiinitan ka. Yung papaunahin kang sumakay ng jeep. Ang sarap lang pag gentleman ang isang lalaki.

4. ‘Yung Matalinong Lalaki

Gusto ko kasi yung may malalaman ako sa iba’t ibang bagay. Yung meron siyang maise share na bago sa akin. Ayoko naman kasi na ako lang lagi yung magse share eh. hahaha. Pogi points din pag matalino yung lalaki.

5. May pagkaMakata

Simula High school, mahilig ako sa mga tula, lalo na kung tungkol sa pag ibig. Lagi kong iniisip na may magbibigay sa akin ng tula at isasalaysay niya ang kanyang pag ibig. KORNI man, pero makaluma talaga ako. Mas lalo akong kinikilig pag nakakatanggap ako ng tula.

6. Mapagkakatiwalaan

Isa to sa mga gusto kong characteristics ng isang lalaki. Yung mapagkakatiwalaan mong hindi niya ibebreak yung puso mo. Yung parang magiging bestfriend mo siya na pwede mong sabihan ng sikreto at problema. Parang siya yung magiging diary mo na nagtitiwala kang sa inyong dalawa lang yung mga inilagay mong kwento sa bawat pahina.

7. Maawain, lalo na sa matatanda

Hindi ako agad nagbibigay ng limos lalo na sa mga pulubi. Pero iba itong lalaki na ito. Lahat ata ng barya na makita niya sa purse niya eh ibinibigay niya agad lalo na sa matatandang pulubi. Parang nasabi ko na lang na, may ganito pa palang lalaki. Nakakatuwa lang.

8. 'Yung sobrang sweet

Ang sarap sa pakiramdam pag napakasweet ng taong makakarelasyon mo. Dahil maasahan mong araw-araw, eh may bagong mangyayari sa inyo. Yung mga surprises, yung nakaw na halik, yung mga yakap mula sa likod at yung mga halik sa noo. Para kang mamamatay sa sobrang kilig.

P.S. Na win na kasi yung puso ko, kaya lahat ng andiyan eh ways/characteristics ni Duhdeh

Day 1

Since 1:42 am na naman ngayon at hindi ako makatulog sisimulan ko na ang 10 day challenge.

TEN THINGS YOU WANT TO SAY TO TEN DIFFERENT PEOPLE  RIGHT NOW.

1. Mame: Sana naman po buksan niyo yung isipan niyo sa ibang paniniwala, hindi yung nakasentro lang kayo sa nakasanayan niyo. Paano magkakaron ng Pagkakaintindihan kung walang Pang unawa at Respeto? Pero mahal ko po kayo.

2. Karen: Bes, alam mo ba miss na miss na kita. Namimiss na kitang pagkwentuhan ng mga bagay bagay, pero natatakot ako laging lumapit kasi parang ang layo layo mo na. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ko gustong bumalik ng High School. Haha

3. Cathy: Masaya ako para sa iyo. Haha. Kinikilig ako sa inyong dalawa ni You-know-who, pasensiya ka na kung hindi kita ma PM sa ym, hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang conversation sayo, pero masasabi kong isa ka sa mga may sense at nakakawiling kausap. :)

4. Ma'am Madonna: Sana naman po magpakita na kayo or magreply man lang, kasi kelangan ko yung classcards ko. huhuhu. Sana po mahiram ko ulit yung Swimfins niyo. 

5. Kenneth: TENGENA MO! IBALIK MO NA SA AKIN YUNG SANTA CLAUS NA BALL PEN KO, KASI KINUHA KO LANG DIN YUN SA KAPATID KO. HAHA

6. Ate Thel: Hi ate, kamusta ka na ba? Sana magkita na tayo ngayong bakasyon para makabonding man lang ulit kita. Alam mo, ikaw ung pinaka maunawaing ate na nakilala ko, alam mo agad pag may problema ako o kung ano ang nakakapagpatawa sa akin. Miss na kita. :3

7. Sanse: Ikakasal ka na, iiwan na akong nag iisa. Chos! Masaya ako at malungkot kasi ikakasal ka na. Masaya ako kasi finally, magpapakasal na kayo after 6 years niyong mag bf/gf. Nalulungkot ako kasi, nito lang tayo naging close tapos lilipat ka na agad ng bahay. Wala na kong pagnanakawan supply ng chocolates, pringles, nuts at kung ano ano pa mula sayo :(

8. Para sa mga Lalaking nagpapaiyak ng Babae: OI, umayos po kayo. Ang babae minamahal hindi pinapaluha. Sabi nila, ang bawat patak ng luha na nalalaglag, sampung beses na paghihirap daw ang magiging katumbas na kapalit para sa lalaking nagpaiyak sa isang babae. Kaya kung ayaw mong maghirap, wag kang magpaiyak. Bahala ka, pag yan NATAUHAN, baka wala ka nang paiiyakin kasi INIWAN ka na niya.

9. Para sa mga Babaeng nagpapaiyak ng Lalake: Girls, ang mga lalaki kahit tigasin tignan, deep inside umiiyak din yan pag nag iisa na. Wag po natin silang saktan at paiyakin. May classmate ako nun High School na, talagang mahal na mahal niya yung girlfriend niya, pero nun nalaman niyang niloloko lang siya, simula nun wala na siyang sineryosong babae. Kaya Girls, walang MAWAWALANG lalaki, kung magaling MAG-ALAGA at MAGPAHALAGA si babae.

10. Duhdeh: Alam kong galit ka at masama ang loob mo sa akin, ganun din po ako. Alam kong nasaktan kita, pero ang sakit lang talaga nun sinabi mong hindi mo ko kilala at wag kitang kausapin at yung isa pa. Tulad nga ng sabi ko kanina sa chat na joke, Ang Panty parang Pride, kung hindi mo ibababa walang mangyayari. Kaya po SORRY kanina. :( Hayt. Sorry kung binanggit ko siya para mainis ka, kasi naman eh. Hayt. Sorry. Pero kung ayaw mo po talaga akong kausapin at hindi mo talaga ako kilala. Iginagalang ko po yun.