dstinio

  • Kaya nadadala yung mga taong seryosong magmahal e. Dumadating kasi yung araw na bakit kailangan pang pagdaanan yung sakit sa buhay, yung tipong hindi ka naman nagkulang, hindi ka naman gumawa ng kalokohan tapos magsasawa sa'yo yung taong yun. Pilitin mo mang maibalik pa yung dati niyong status, hindi na talaga kaya. Nakakaparaning kayang ma-heart broken.
Bakit masaya kapag single?
  1. Hindi ka mamomroblema kung nasan/sino mga kasama niya.
  2. Walang kang makakaaway kahit sa simpleng bagay.
  3. May time ka para sa sarili mo, sa family, at kay God
  4. Malaya kang makakagala kasama friends mo.
  5. Bawas din sa stress sa buhay mo.
  6. Madami kang pera.
  7. Masarap kumain.
Ways to control your emotions:
  1. Learn to face failures.
  2. Face and accept reality.
  3. Keep busy.
  4. Suppress your emotions, especially the unpleasant ones.
  5. Never rush into a situation that you may regret later on.
  6. Avoid a situation that can provoke undesirable response.
  7. Never refuse to listen to others’ advice, especially those who have experience.
  8. Get more data and info about those things that cause you frustration.
  9. Get along with people.
  10. Cultivate a good sense of humor.
6

Kayo na bahala dyan guys! Hahahaha! Katamad mag-tag yknow. Hahahahaha! Happy New Year in advance guys and INGAT lagi. :)

Ano'ng nangyari ngayon?
Bakit sa isang kislap, sinukuan mo ako? Akala ko ba ipaparanas mo sa’kin ang tunay na ibig sabihin ng salitang “forever”? Lahat ng pangarap natin para sa isa’t isa ay hindi na natin kailan pa makakamit at matutupad ng magkasama. Totoo nga ang sinasabi ng iba, “Hindi lahat ng pinagtagpo ay siya ding itinadhana.” Sana balang araw matandaan mo kung gaano kita minahal at gaano ako nagtiis para lang huwag kang mawala sa buhay ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko ‘wag lang tuluyang masira ang relasyon natin dahil hindi gano’n kadali ang magparaya. Sana ‘wag mong makakalimutan na may isang katulad ko na nagmahal sa’yo ng lubos. Na tinanggap ang lahat lahat ng tungkol sa’yo. Masaya parin ako dahil nakakilala ako ng taong tumanggap din sa pagkatao ko. Kahit na nagkaro’n ka ng mga pagkakamali sa’kin, pinatawad at minahal parin kita. Sana maging masaya ka.

SAWA NA?

Sawa ka na bang lagi mo siyang nakakausap?

‘Wag ka mag-alala, darating ang araw ibang tao na yung lagi niya makaka-kwentuhan.

Sawa ka na bang lagi na lang siya nagtetext sa’yo?

'Wag ka mag-alala, darating din yung araw na hanggang “hi/hello” na lang ang mare-receive mong text mula sa dati mong kasintahan.

Sawa ka na bang sunduin at makapiling siya?

'Wag kang mag-alala, darating yung araw na makakasalubong mo na lang siya, may kasama nang iba, magkahawak-kamay at punung-puno ng sigla at tuwa sa mukha niya.

Sawa ka na ba, sa pag-aalala at pag-iingat sa kanya?

'Wag ka mag-alala, darating yung araw na mababalitaan mo na lang na engaged na sila dahil sa pag-iingat at pagmamalasakitan nila sa isa’t isa.