domnivore

ATC Meetup sa April 28.

Gaganapin ang pinakaunang suntukan meetup. Habang nagmi-meetup ng mga inosenteng tao doon, hahatakin namin kayo [Dom, Wapak at iba pang mga uzi] at dadalhin sa isang lugar. Teritoryo ko ‘to at taga-dito ako since birth. Hihi. Anyway, se-set-up-an namin ang isang lugar ng mga kaibigan ko kung saan pwede kayong mag-away. Espesyal 'to dahil ipagda-drive ko kayo… pati na din papuntang ospital. 'Yun lang.

P.S. 'Wag sa bayag dahil napakabaklang move 'yun. At isa pa, kung may martial art man kayo at bawal makipag-away sa labas [dahil pinagbabawal kayo ng maestro niyo or sensei or kung ano man tawag niyo doon], doon tayo sa dojo namin sa Yaw-Yan. Hihi. Kung pwede. Pero kung bawal, fuck the police.

  • Love On Top (Acoustic)
  • Jai Garcia
Play

Tumblr-Serye Wild Card Edition Presents: “Proposal” Episode 1

Iplay ang music para mas romantik!

Enjoy!

Paano ba nasusukat ang pagmamahalan ng dalawang tao? Sa tagal ng pagsasama? Sa lalim ng pagkakaintindihan? Paano mo masasabing ito na yung tamang pagkakataon para masabi mo na siya na talaga yung taong para sa’yo? Sa akin, simple; unang beses ko pa lang siyang nakita, alam ko na siya na ang nag-iisang babae na babago ng buhay ko. 

Teka, tama na ang drama. Baka magkaiyakan pa tayo dito eh. Mag-i-introduce muna ko.

Ohai! Kumusta? Ako nga pala si Dom, your regular Pogi Boy Next Door. Pero, sorry girls and gays, I’m taken. Wala na kayong pag-asa. Ssa lang ang laman ng puso ko; ang nag-iisang chick sa mundo ko…

si Mich… *naks!*

Maraming beses na kaming nag-away. Mula sa pinakasimpleng bagay, hanggang sa pinakamasalimuot na sitwasyon. Sinubok kami ng tadhana, pinatatag ng panahon, pero kahit ganon eh mahal na mahal pa rin namin ang isa’t-isa. Para kaming Jack n Poy, Hansel and Gretel, Julio at Julia; pinagtagpo ng tadhana at hindi pwedeng paghiwalayin ng kahit na sino… Nako! Sige lang! Subukan niyo lang! I-uuntog ko kayo sa maskels ko! 

Isang gabi habang nagmumuni-muni, napag-isip isip ko kung san na nga ba kami nandon, nabuo sa isipan ko na mag-level up na sa relationship status naming dalawa. Sawa na ako sa “in a relationship lang.” Gusto ko yung susunod na dun. Tama! Kailangan ko na ‘tong gawin. Kahit marami akong sablay, sa pagkakataong ‘to, ‘di ko na papalagpasin ang oras na binigay sa amin ng Panginoon. Isinangguni ko na ‘to kay Simsimi, ang tiga-payong sisiw. At pareho kami ng iniisip. Tama! Ito na ‘yon! Sasabihin ko na ang matagal ko ng gustong itanong. Doon din naman ang punta non. Dun din naman kami dadalhin ng pagkakataon.

Isang Biyernes ng umaga, pagkatapos ng iskwela, kinausap ko ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Nakiusap ako na tulungan nila ako sa aking mga pinaplano. Pero siyempre, bago ang lahat ng ‘to, kinausap ko muna ang mag taong lubos na nakakilala at lubos na nagmamahal sa kanya; ang kanyang pamilya. Yikes!

Pinaliwanag ko ang bagay na gusto kong sabihin. Kinausap ko sila ng mahinahon. Sobra ang kabog ng aking puso. Pakiramdam ko sasabog na lang ako nong mga oras na ‘yon. Pero kahit na ganon pa man, nilakasan ko ang aking loob at hinarap ang dapat harapin. Hindi naging madali ngunit sa bandang huli ay napapayag ko din sila. Kulang na lang ay lumuhod ako sa tatay niya at kantahan ko siya ng “Marry your Daughter.” Pero siyempre, ‘di ko na ‘yun ginawa. Close naman kami ni Papa. (Naks! Lakas maka-papa!)

Sobrang tuwa ko nang sumang-ayon sila sa aking ninanais. Mahal ko ang kanilang anak, at handa akong ibigay lahat lahat ng mayron ako, buong pag katao ko. Lahat lahat na, itataya ko na ang pamato at panangga ko, makasama ko lang ng habambuhay ang anak nila.

Balik sa eksena sa iskwela. Pareho kaming nasa graduate school, ako nag La-LAW sa San Beda, at siya naman ay nagme-Med sa UST. Oha! Sossy namin pareho!  Medyo stable naman na ang aking buhay. Nagsa-side line ako bilang isang professor  sa iskwelahang kanyang pinapasukan. Ako ang binansagang “The Naughty Professor”. Pero siyempre bansag lang yun. Gago ka, baka isumbong mo ko kay Mich! Hoy! Joke lang un! 

So ayun, tinapos ko kaagad ang aking klase nung araw na yun at agarang pumunta sa napag-usapan naming tagpuan ng kanyang mga kaibigan. Sinuhulan ko sila at inilibre ng “Magnum,” ang Ultra Social Climber Ice Cream, kaya nila ako sinipot. Walanjo! Nabawasan tuloy ang ipon ko para sa future namin. Hihi! Pero okay lang, para naman ‘to saming dalawa. Sinet-up ko na ang lahat ng dapat gawin — bulaklak, mga tao, lugar, musika at pagkakataon. Umulan man o magunaw ang mundo, itutuloy ko na ‘to. sa Lunes, alas-sais ng hapon. magbabago ang buhay namin pareho.

Picture ko dapat ang Episode Photo COZ IM OSAM!

ITUTULOY…

LINKS:

EPISODE 2

  • Proposal
  • Wild Card edition
  • Tumblr-serye
Play

Tumblr-Serye Wild Card Edition Presents: “Proposal” Episode 3 FINALE

Iplay ang music para mas romantik!

Enjoy!


Malapit nang mag-alas-sais. Syet! Kinakabahan ako! ‘Di na ko makapag-concentrate sa klase ko. Taena! ‘Di ko alam kung natatae ba ako o na-iihi. Eto na yon! This is it! Wala na ‘tong urungan. Wala na tong atrasan!

5:02 AM - Kwarto

Umaga pa lang, umalis na ako ng bahay. ‘Di ko na siya ginising. Mamayang hapon pa ang klase nya. Bumangon na ako. Napatingin ako sa kanya habang siya ay nahihimbing sa aking tabi. Nakayakap siya sa aking mga baraso na para bang isang anghel na natutulog. ‘Di ko maalis ang pagka-excited ng aking puso. Sobrang swerte ko talaga sa kanya. Wala na akong hahanapin pang iba. Masilayan ko lang ang kanyang mukha tuwing umaga, nawaala na agad ang lahat ng pagod na nangyari sa akin maghapon. Siya lang ang nag-iisang inspirasyon ko, at ang nag-iisang babae na gusto kong makasama hanggang sa magka-wrinkles na kami pareho.

Dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa kanyang tabi. Bumangon ako at dumiretso sa banyo, naligo at marahan akong lumabas ng condo. Taena! Ang dami ko pang dapat ayusin. Dumiretso ako sa Dangwa. Mura ang mga bulaklak don eh. Bumili ako ng Star Gazer, ang paborito niyang bulaklak, at ilang pirasong Roses. Ang mahal ng inabot! Pero ayos lang, espesyal ang araw na to. ”’Di na kailangan mag kuripot Dom! Minsan lang ‘to eh”, yan ang sabi ko sa sarili ko. 

Nakaalis ako halos alas-siyete y medya na. Nag-text ako sa kanya ng good morning at nagsabing nag-jogging lang ako saglit. Kailangan makabalik ako sa condo bago mag alas-otso, kundi baka mahalata ako.

8:12AM - Condo

Pagdating ko ng bahay, nakaluto na siya ng agahan. Kakagising lang daw niya at kakabasa lang ng text ko. Siyempre, act normal lang dapat ako, para hindi niya ako mapagdudahan. May klase ako ng araw na yon kaya diretso na rin ako ng iskwelahan para magturo. Naligo lang ako ulit at sabay kaming kumain.

“Boo, nga pala, mayang gabi baka ma-late ako… Meron pa rin kasi akong aasikasuhin sa school. Malapit na yung recitation namin. Kailangan ko pang dumiretso ng Beda.” pa-epek na sabi ko sa kanya. Pero siyempre, gawa gawa ko lang yun.

Nadisappoint siya sa sinabi ko. Akala niya may nakalimutan ako. Hahaha! Ako pa, artista yata ako! Magalaing ako mag-acting acting!

“Ok lang, boo. Aral kang mabuti. niyaya din ako ng mga kaibigan ko sa Serendra. Lalabas kami mamayang gabi… Late na rin ako makakuwi.” malungkot na tugon niya sa akin. 

Natapos na kaming kumain at nauna na ako umalis. Na-contact ko na rin ang mga kaibigan niya sa plano na aming gagawin.

12:04PM - UST

Natapos na ang klase ko. Hindi niya ako tinext maghapon. Alam ko na nagtatampo siya sa akin. ‘Di rin ako nagpaparamdam. Pumunta na agad ako ng Serendra at sinet-up na ang dapat i-set-up. Natapos ako halos alas-tres na nang tanghali. Maayos na ang lahat. Alas-dos ang klase niya, malamang ay nakaalis na rin siya ng bahay. Wala pa rin text mula sa kanya. Ramdam ko na ang kanyang pagtatampo. Gusto ko na siyang kumustahin, ngunit pinigilan ko. Masisira ang mga plano ko. ”Ayos na ‘to. Konting tiis na lang Dom.” Sigurado, mamayang hapon, matutuwa siya sa mga mangyayari.

5:30PM - Serendra

Maaga akong pumunta. Mamaya pang 6:30 sila darating dito. Nakabihis na ako. Tuxedo na itim, leather shoes, at siyempre, my Pogi looks. Dapat ako ang pinakamagandang lalaki sa gabing ‘yon. Dumating na rin yung mga ibang tao na kinausap ko. Mamaya maya lang, magsisimula na ang bagay na matagal ko nang pinlano. Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako ng malapot. Para akong hihimatayin na hindi ko maintindhan. Gusto ko nang umatras, pero wala na ‘tong urungan! Eto na yon!

Puta! Uulan pa yata. ‘Wag naman Lord, please…

——————————————————————————————

7:09AM - Kwarto 

Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Tumingin ako sa orasan, pasado alas-siyete. Nasan na naman kaya ‘tong lalake na ‘to? Kaaga-aga, wala na agad. Chineck ko ang phone ko. Nabasa ko ang text ng isa kong kaibigan. Niyayaya akong lumabas mamaya after class. ‘Di ako makakasama dahil espesyal ang araw na ‘to para samin ni Dom. ‘Di ko sila nireplayan. Bahala na, maya ko na lang sasabihin sa kanila ‘pag nagkita-kita na kami.

7:30AM - Kusina

Nagluto na ako ng umagahan at nakatanggap na ako ng text mula sa kanya. Nag-jogging lang daw siya saglit. Kaya naman pala biglang nawala. Hinintay ko na siya at inihanda ang damit na susuotin niya. Pagbukas ko ng cabinet, nakita ko na pina-dry clean niya ang kayang Tuxedo. Naka-plastic pa. Hhmmm… Bakit kaya? Anong meron? ‘Di ko na lang ‘to pinansin. At hinintay ko na siyang makarating.

8:00AM - Condo

Dumating siya galing sa pag jo-jogging. Muka naman siyang hindi pagod pero ‘di na lang ako nagtanong. Dumiretso siya sa banyo at naligo. ‘Di nya ako binati. Kumain kami ng sabay at sinabi na male-late daw siya ng uwi mamaya. Nainis ako sa aking narinig. ‘Di ba niya alam kung anong araw ngayon? Nakakalimot na ba siya? Haaay… Hinayaan ko na lang at mukhang importante ang dapat niyang gawin; mas importante pa yata sakin.

Naisipan ko na lang sumama sa ma kaibgan ko. Sinabi ko na lang na may lakad din ako. Pero nalungkot ako dahil nakalimutan niya kung anong araw ngayon. Umalis na siya ng bahay at pumasok na. ‘Di man lang nya ako kiniss bago umalis. Mukhang ang dami niyang iniisip. 

12:00PM - Condo

Naligo na ako at naghanda para sa klase ko mamaya. Hindi ko siya tinext maghapon. Naiinis pa rin ako sa kanya. ‘Di man lang niya akong nakuhang batiin. Hay nako! Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Dahil magkasama na sa iisang bahay, ‘di na sa kanila importante ang mga ganitong okasyon? Ka-text ko ang aking mga kaibigan. Tuloy kami mamaya, alas-sais daw kita kita kami. Nagdala na lang ako ng pamalit at gamit na susuotin para ‘di na ko bumalik ng condo. Bago mag ala-una, umalis na ako at pumasok.

5:30PM- UST

‘Di pa rin siya nagpaparamdam maghapon. “Tiisan pala ah.” Sige, hindi rin ako magte-text sa’yo. Nagbihis na ako at nag-ayos. Tinext ko sila kung nasaan na sila. Nauna na raw. Bad trip! Magta-taxi tuloy akong mag-isa. Matrapik pa naman.

6:30PM - Serendra

Makulimlim ang panahon at maagang dumilim. Nakabukas na agad ang mga ilaw sa paligid. Overdressed yata ako. Nasan na sila? Andaming tao pa naman. Tinetext ko sila at pinasunod nila ako sa isang resto. Medyo may kalayuan at medyo mahabang lakaran.

Sinimulan ko na ang paglalakad papunta doon. Ang ganda ng lugar, napaka-romantic. Sayang, wala dito si Dom para ma-enjoy namin ‘tong pareho. Na-miss ko tuloy siya bigla. Pero hayaan mo na, mag-e-enjoy na lang ako. ‘Di niya ko naalala. Galit pa rin ako sa kanya.

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad nang may biglang lumapit sa akin; isang bata, at nag-abot ng isang rosas na may papel na nakasulat:


“Loving you is the greatest thing that ever happened to me…”

Napangiti ako sa nakasulat. Ano ‘to? Anong meron? Nagpatuloy ako sa paglalakad, at meron muling nag-abot sa akin ng isa pang rosas,  


“You are the reason why I still breathe. You are the reason why I live.”

Siguradong si Dom ang may pakana nito. Nasan siya? Nakakainis! Akala ko ‘di niya naalala. Bakit ako biglang naiiyak? asabay ng pagtulo ng aking luha at pagbagtas ng daan, sunod sunod ang pagbigay sa akin ng mga pulang rosas mula sa iba’t-ibang tao na aking nakakasalubong. 


“If there’s anything that is constant in this world, that would be my love for you…”


“You gave meaning to my very existence. you are my heart, my life, my soul.”


‘Di ko na napigilan mapaluha sa lahat ng mga nabasa at natanggap ko. Sobrang saya ko ng mga oras na ‘yon. Sa lahat ng rosas na aking natanggap, damang dama ko ang bawat salitang nakasulat, damang dama ko kung gaano ako kasaya at siya ang naging boyfriend ko. 

6:40PM

Habang papalapit na ako sa lugar kung saan kami dapat magtatagpo, may naaninag ako na isang lalaki na nakatayo na may hawak ng isang bouquet ng bulaklak. Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Alam ko na siya yon, si Dom. Habang siya ay papalapit, bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagsitakbuhan ang mga tao upang makahanap ng masisilungan, ngunit ‘di ako natinag. Hindi ako makagalaw. Para akong naparalisa. Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. ‘Di ko mapigilang mapaluha sa sobrang saya.

6:46PM

Iniabot niya ang isang boquet ng Stargazer at agad na akong niyakap. Kitang kita mo sa kanyang mga mata ang sinseridad sa kanyang gingagawa. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, lumuhod siya sa aking harapan at sinabi:

“Jesica Michelle San Pedro… Happy Anniversary….”

Sabay dukot ng isang maliit na kahon sa kanyan bulsa…

“Will you marry me?…”



Napatulala ako sa kanyang sinabi. Nakatingin lang siya sa akin na wari’y isang maamong pusa na nagpapaawa. ‘Di ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nung mga oras na ‘yon. Pakiramdam ko, ako na and pinakamaswerteng babae sa buong mundo. 

Hinawan ko ang kanyang kamay at tumugon…

“Yes… I will marry you.”


Isinuot niya sa akin ag singsing at niyakap niya ako ng mahigpit. Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa aming paligid. Nandun din ang ilan sa mga taong malalapit sa amin. ‘Di namin inalintana ang lakas ng ulan. Ang ulan ang nagsilbing saksi sa aming pagmamahalan, ang simula ng pangako ng walang hanggan at wagas na pag-iibigan. 

WAKAS.


i-click ang puso kung nagustuhan nyo ang istorya :)

LINKS:

EPISODE 1

EPISODE 2

Tumblr Crushes:

4

Jusme lang ang adventure namin kanina sa LRT hahahaha.

Kasama ko si Marlene at Inna nag aantay kami sa Central.

Sumakay na kami. Medyo masikip. Tapos biglang sabi ng driver na may skip train edi dali dali kaming bumaba take note nasa gitna na kami nun ng tren! hahahahaha

Tas edi antay kami… may dumaan medyo maluwag! sumakay na kami tagal pa naming nakatayo sa tapat nun. Pagdating ng carriedo sinabi nanaman na may skip train kaya bigla kaming bumaba ng carriedo! hahahaha.

Tapos yun hinantay na namin yung skip train. Ha! ang luwag! Pwede kami mag cartwheel sa loob.

Tapos pala may tumawag sakin nung sa Central station! Akala ko kung sino. Si Dom pala! medyo nakakahiya kasi ang ingay namin tapos ang pawis ko nun grabihan tapos basta bigla akong nahiya haha di ko alam sasbihin ko. Ayos ang tangkad eh haha liit ko kasi. 

*bow*

First Day!

4:30 nagising na ako.

6:30 nasa PLM na. Naghintay sa tapat ng gym ng mag-isa until papasukin kami. Pero nagikot muna ako para magpahangin kasi baskil na e. =))) Pagpasok ng 7am, wala daw prof so libot kami nila Bianca at Erin. Then diretso 7-11 para kumain. Bumalik sa PLM para sa next 2 subjects. Nakita ko pala si Kuya Dom (@domnivore) dun sa UAC. Naka “PLMayer: Movers of Society” shirt sya. Di ko nilapitan kasi nakakahiya. Hahaha. :3

Then text text with classmates nung HS kasi magkita kita every vacant. Dami kong nakitang kaklase/schoolmate noong Elementary din. Tapos nung nasa room na kami for Filipino, nagtext si Isabel na nasa PLM daw sya. Then ayun dapat magkita kaso tapos na vacant =))) Then ayun text text. Laughtrip yung prof sa Filipino at History. 

Then vacant again from 12:30 to 2:30. Actually dapat 1-2:30 kaso maaga umalis yung prof. Then ayun tambay sa UAC at libot with Marquee at Lolec. Then bumalik sa isa pang room na kakaiba ang chairs at table with Josh. Then ang saya lang basta. =)) Walang upuan yung girls so kaming grupo yung tumayo para paupuin sila. Gentlemen e. =))

Tapos ayun, nag-groupings yung block president for Filipino activity. XD Saya e. =))

SM Manila -> 168 -> Home. :3

PS. Astig pala blockmates ko. Mga taga Manila Science at kung ano ano pang SciHigh. May taga UST educ at UST pay high, PUP Lab HS atbp. Ako lang ata ang di matalino. =))) blockmate ko yung VALEDICTORIAN ng MaScie pati kapitbahay ko trololol