dito ka lang

bes kung ako sayo hindi ako maghahanap ng ka-forever ko dito. jusq sa simula lang yan sinasabi ko sayo. mag explore ka, labas ka sa lungga mo dahil kung mag s-stay ka lang dito aba tanga ka. wala na bang pumapatol sayo kaya masyado kang desperado? kung kalandian hanap mo pweds pa tapos tikiman kayo ganon, one night stand mga ganyan. wag ka rin magseryoso dito enebe wala dito ang totoong pagmamahal. kung meron man mga 5% na lang sila hehe. anyway, para sa mga bago dyan wag kayong marupok bibiyakin lang kayo ng mga hinayupak na yan. pero target talaga ng iba dito mga bago kasi nga mga tatanga-tanga pa. magkausap lang ayan kinikilig na tapos biglang nasanay kaya na-fall naman agad ang mga gaga tapos ang ending, hurt hurt ang mga ulol. pero ayun, wag na wag dito please lang. pero dahil choice niyo yan edi sige sino ba naman ako diba? char.

Minsan,
Madalas.

Iniisip ko, nagsisi ka ba nung pinili mong saktan ako? Nalulungkot ka ba nung mas pinili mong mag-isa sa gabi o nagugulat ka ba na hindi na ang mukha ko ang bumubungad sayo pag gising mo sa umaga? Nangungulila ka ba pag naglalakad ka sa kalsada na walang ibang kamay na kumakapit sa kamay mo? Nanghihinayang ka ba na pinakawalan mo ako? Humihiling ka ba na makasalubong ko ulit ako sa nalulumbay na daan? Nakikita mo rin ba ang mga ngiti ko tuwing tumitingala ka sa buwan? Iiwanan ba parin ba ako kung nalinaw ko sayo na mahal kita at mas pipiliin kong manatili sa tabi mo kahit malabong maging hiyang ka sa sarili mong balat— araw-araw kong ipaparamdam sayo na katangi-tangi ka.

Naiisip ko rin, kung nasabi kong ‘dito ka lang, di ko kayang mawala ka’ mapipigilan ba kitang lumayo?

Namimiss kita,
Minsan;
Madalas.

Hi kuya Gelo :) Kilala mo pa po ako? Namimiss ko na po magbasa ng blog niyo ni ate Daph. Ang tagal kong nawala dito :( I hope okay at masaya kayo :) Stay in love and Stay the same. Apir!

Hello! Magandang gabi. Oo naman hehe tagal na natin di nakapag usap, saan ka ba galing, matagal ka rin di naka bisita dito. Busy ka siguro.. Okay lang kami ni Daph, laging masaya. Thank you! Ingat ka palagi. :)

Dito ka lang akong bahala sayo
Wala kang gagawin kundi mahalin ako
Sana'y di mag sawa
Sa hirap at ginhawa

Mamahalin ka ng walang alinlangan
Wala na akong ibang kailangan
Kundi ikaw at pagmamahal mo
Sayo lang iikot mundo ko

Sapagkat ikaw ang lahat
Mahal ko sobra ka pa sa sapat
Sana ika'y kumapit ng mahigpit
Dahil kahit kailan di ka ipagpapalit.

Mahal kita.Kahit na hindi ko man naipapakita ng maayos. Kahit medyo hindi ako sweet. Kahit na minsan nalalate akong magreply sa messages mo. Mahal kita. Sorry kung iniisip mong hindi ka importante. O kung naipaparamdam ko man sayo yun. Pero sana malaman mo na mahal kita at ayokong mawala ka. Kahit lagi kitang inaaway at binibigyan ng madaming rason para sumuko sakin, natatakot parin ako na magising ka isang araw na hindi mo na ko kayang matiis. Masama kasi talaga ang ugali ko. At alam kong mahirap akong mahalin. Masakit at nakakainis akong mahalin. 

Pero sana dito ka lang sa tabi ko. Mahal kita kahit di ko man nasasabi ng madalas. Mahal ko ang lahat sayo. Kahit yung pagging matampuhin mo. Maging yung pagiging bipolar mo. Sorry kung minsan sinasabayan kita sa pagiging moody. At thank you sa pagsuyo sakin lagi. Mahal kita kahit lagi kitang nababatukan o nasisipa o nasasaktan. Alam kong brutal ako. Pero brutal talaga akong magmahal. Kahit pabago bago ang isip ko, at papalitpalit ang desisyon ko, wag kang mag-alala. Di nun mababago ang pag mamahal ko sayo. Alam kong komplikado akong tao at mahirap i-please. Pero ngiti mo palang, pleasing na sakin. Kahit madalas kitang tinatawag na pangit, ikaw parin ang pinaka magandang nilalang na ginawa ng diyos. 

Mahal kita. Alam kong matagal-tagal mo pa kong titiisin. Pero mahal kita, panghawakan mo yan. At ikaw lang.

Happy Monthsary babylove! :*

Sobrang tagal na natin, at sana mag tagal pa tayo. Sana forever na tayo. Kahit minsan nagkakatampuhan tayo, nag-aaway, may problema, sana di ito maging rason na maghiwalay tayo. Alam kong malalampasan natin lahat basta magmahalan lang tayo, wag mo kong iwan, di rin naman kita iiwan, sana'y di tayo magkasawaan. Okay lang sakin kahit na minsan tinatarayan mo ko, mas gusto ko nga yun kasi kapag ganun, nararamdaman kong mahal mo ko. Ayos nga yun eh, kesa magpakasaya kasama ng iba, diba? Mahal na mahal kita, kahit na may magkagusto sayo, may manligaw sayong iba, di kita ibibigay sa kanila. Selfish na kung selfish, akin ka lang at dito ka lang, gagawin ko lahat para sayo kasi mahal kita. :*

Akala ko okay na, yun pala hindi.
Akala ko pwede pa, yun na pala ang huli.
Akala ko mananatili ka, ba’t ka nangiwan.
Akala ko dito ka lang sa tabi ko, ba’t ka lumisan.


Umaasang babalik ka pa, kahit mahirap alam kong hindi na.
Tapos na lahat ng mga masasayang ikaw at ako, alam kong mananatili na lang alaala mga ‘to.


Sana alam mo na marami na tayong pinagsamahan, pero sa huling pagkakataon ba’t di ka na lumaban.
Napagod ka ba sa mga away natin, o talagang nawalan ka na ng pagmamahal sa'kin.


Alam kong mahirap nung tayo pa, pero handa akong ipaglaban ka.
Akala ko malapit na tayo, bat ngayon ka pa sumuko.
Alam mo kung gaano ako nagantay, akala ko ikaw na yung panghabang buhay.


Tinanggap ko lahat ng meron ka, 'di ako naghanap ng bagay na wala ka.
Minahal kita ng buo, naging perpekto lahat ng paningin ko sa'yo.
Noon halos matunaw ka habang tinititigan kita,pero nung huli kitang nakita alam kong nagbabadyang huli na.


Sinulit ko yung huling pagkikita nating yon, ang mahawakan ko ang kamay at mukha mo sa huling pagkakataon.
Sa oras na yon kahit alam kong wala ng tayo, mahal pa rin kita ang huling sinabi ko. 


Mabigat para sa'kin ang mawala ka, pero alam kong makakaya ko tong magisa.
Nasanay lang ako na meron ka, pero alam kong masasanay ulit akong wala ka na.


Alam kong marami kang gusto, pero akala ko kasali ako.
Akala ko magkasama tayong nagplano lahat, yon lang pala akala ko lang pala ang lahat.


Magiging masaya ka ng wala ako, pero tandaan mo ako lang nagmahal sa'yo ng totoo.

—  drgmrc
ANG PINAKAMALUNGKOT NA ‘JUST WOKE UP’

Dahil gigising na naman akong wala ka sa tabi ko. Na malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 

Balik LDR na naman tayo.

Ang totoo, pagod na ‘ko. Pagod na ako na palagi na lang kitang iniiwan. Pagod na ako na kailangan kong paulit-ulit mamili kung itutuloy ko pa ba o dito na lang kasama ka. Pero ang mas masakit, palaging hindi ikaw ang pinipili ko. Pero paulit-ulit mong tinatanggap yung desisyon ko kasi naiintindihan mong ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko.  Palagi kong tinatanong kung napapagod ka na ba, pero paulit-ulit mong sinasabi, “Kayang-kaya.”

Tama ka naman eh. Masaya na tayo sa simpleng bagay na meron tayo dati. Lomi lang ang katapat mo, kwek-kwek sa’kin. Okay na tayo sa isang beses isang buwan manood ng sine tapos torrent-torrent na lang. Palihim tayong pupuslit sa bahay kapag walang tao tapos maghapong manunood sa kwarto. Magluluto tayo ng paborito nating instant ramen. Hindi mo muna kakainin kasi alam mong pipicture-an ko pa tapos ipopost sa instagram. Palagi kang may dalang Clover Chips yung Hot ‘n spicy. Yun ang kakainin natin habang nanonood ng movie. Hindi pa nagsisimula ubos na agad. Kaya siyempre ako na lang yung kakainin mo. Hahalikan mo ko, hahalikan kita. Huhubaran mo ko, huhubaran kita. Hanggang sa makalimutan na natin yung pinapanood  kasi naseksihan ka na naman sa’kin. At sarap na sarap naman ako habang minamanyak mo ‘ko, kainis. Tapos tatambay tayo sa 7/11 kasi wala lang. Magkukwento ako, magkukwento ka. Tawa lang tayo ng tawa hanggang sa ‘di na natin namamalayang gabi na pala. Sasakay tayo ng jeep tapos dun tayo lagi sa una. Para kunwa-kunware may sarili tayong kotse, pauyuhan pa sa pagbabayad ng pamasahe. Tapos, bukas na lang ulet. 

Kahit paulit-ulit hinding hindi ko ipagpapalit.

Ang saya-saya lang natin. Para tayong may sariling mundo. Ikaw lang at ako. Walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

—-

Pero bukas gigising na naman akong malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 

Hanggang Skype na lang ulit tayo.

Mahal,
Balik na,

Kasi baka maubos ko lahat ng ibon sa kalangitan. Marahil sila ang may kasalanan. Baka kinain nila lahat ng tinapay na iniwan ko sa daan kaya naman naligaw ka,
‘di na naka-uwi pa.

Mahal,
Ano ba kasi gusto mong timpla? Dumayo ka pa ng lasa. Napahigpit ba ang hawak sa tasa? Mainit? Sobrang tamis? Matapang? Malamig. Nanlamig ba? Umuwi ka na. Pagtitimpla kita ng kape. Alam ko kasing pagod ka, ang dami mong dala. Madami rin naman kasi akong pinabaon. Sana naman huwag ka na manghiram pa, kumpleto 'yan. Mga kamay na hahaplos kasama ang mga braso na hahagkan sa 'yo papuntang balikat na masasandalan mo. Kahit nga bawat kanto at eskinita ng mukha ko, isinama ko na rin. Dahil alam kong gustong gusto ng mga mapaglambing mong mga daliri na lakbayin ang tuktok ng aking ulo papunta sa noo, dadaan sa tulay ng aking ilong, hihinto sa labi, magpapahinga …
idadampi ang iyo.
Kuha ka lang sa mga tadyang ko, baka wala ka rin kasing masilungan. At kung nahihirapan kang huminga, huwag kang matakot. Hinga lang. Baga ko binigay ko, dalawa pa 'yan.
Hinga lang.
Diyan ka lang.
Hinga lang.
Huwag mo 'kong iwan.

Pero bakit tila hindi ka naman nahihirapan? Magaan ba? Nakapagtataka dahil sa 'kin? Puso mo palang, ang bigat na.
Madami bang laman?
May dinala ka ba noong umalis ka? Iniwan mo ba kasi gusto mo ng bago? Huwag ka manghiram. Kumpleto 'yan. Ako 'yan. Huwag ka mang-hiram; huwag mo akong palitan.
O baka naman ipinahiram mo rin sa kanya ang pagdampi ng palad ko sa pisngi mo, ang pag-amoy ng ilong ko sa iyong batok, pagbulong sa tenga sambit ang mga salitang baka ngayon ay sinasabi mo na rin sa kaniya.

Mahal,
Nasaan ka na ba?
Kasi baka maubos ko lahat ng ibon sa kalangitan. Marahil sila ang may kasalanan. O 'di naman kaya ay ako? Binigay ko kasi lahat, wala nang natira sa 'kin. O baka naman ako? Nagbigay nang sobra hindi naman hinihingi.
Ha. Baka nga ako. Nalimutan ko marahil na isa ka ring ibon, kailangan lumipad at huminga.
Mahal,
Hinga na.
Hinga na.
Hinga lang,
Dito ka lang,
Huwag mo akong iwan.


Mahal,
Balik na.


/ V L I N

 Bakit nga ba nakakatamad mag-aral?

  • Kasi mas masarap matulog.
  • kasi mas masarap magbasa sa wattpad/manood ng tv series
  • kasi mas masarap mag facebook, instagram at twitter
  • Kasi mas masarap mag walwal na lang o makipag text na lang sa bf/gf/MU/ka-landian.
  • kasi sa tinatamad lang talaga ako MAG-ARAL! at bigla na lang akong tinamad.

 Kung ikaw ay tinatamad, paniguradong di ka motivated.

  • Siguro dahil ayaw mo ng course mo
  • di ka lang talaga inspired sa oras na yun
  • distracted? pagod? wala sa focus?
  • may dinadamdam, broken hearted, financial ba o sa pamilya?

Maraming pwedeng factors. maliit man o hindi, pero isa lang ang nagiging epekto
nagiging tamad sa pag-aaral.

1.  May mga times talaga na nakakatamad mag-aral. Normal yun! Halimbawa na lang kapag malakas ang ulan at feeling mo mag ssuspend na bukas. O kaya may instinct ka na aabsent yung professor mo bukas sa unang subject. Pero di naman normal na araw araw araw araw ka na lang ganyan. Tanungin ang sarili, magiging ganito na lang ba ako sa buong pag-aaral ko? Aasa sa kopya, o sa litanyang “bahala na”.

may mga tamad naman pero matalino. pero di naman ibig sabihin dahil matalino ka di ka na mag aaral. hardwork, discipline and perseverance beat talino. r e m e m b e r  t h a t

2. Wala naman talagang madali. It’s the “hard” that makes it great, ika nga. At kung lahat madali, edi lahat na nag-wawagi ng walang kahirap hirap. Mas masarap makakuha ng isang bagay na pinaghirapan mo talaga.–kasi alam mong deserve mo siya.

3. Hindi naman tayo nag hihirap para lang makuha ang isang papel na magdidiktang edukado ka. Ang mahalaga dito ay natututo ka, hindi lang sa propesyon na kinuha mo, kundi pati narin sa buhay. Kung paano ka nakapag tiis, nagpursigi, nag puyat, nagsunong nag kilay, naglabas ng dugo, pawis o uhog, at kahit maraming problema o hadlang.. nakatapos ka parin, sa wakas.

4.  tanong ko sayo, 
Ayaw mong mahuli sa klase? Mag-aral.
Gusto mo makatapos? Mag-aral.
Gusto mo na bang maging registered engineer, CPA, Pharmacist, medtech, nurse, physician, PT, teacher? Mag-aral.
Gusto mo mapansin ni prof na crush na crush mo? (hihi) MAG-ARAL KA.
Ang point ko diyan ay kapag inisip mo lahat ng GOALS mo sa buhay, mababaw man o hindi, mas gaganahan ka mag-aral. Kaya parati mong iisipin kung bakit at para kanino ka nag-aaral. ISAPUSO.

5. Masarap sa feeling na mapasaya mo ang magulang mo dahil nakatapos ka. pero ang pinakamahalaga sa lahat ay napatunayan mo sa sarili mo na “nakaya ko pala siya”. *ngiting tagumpay*.

6. Ang layo ng nararating kapag di ka tamad diba? Kaya stay motivated. Stay inspired. Always remember your GOALS.  ITO NA TALAGA TO!

PS: wag puro LOVE. pag aaral muna priority natin! I-share para malaman ng ibang tinatamad. Malay mo, ma motivate din siya. Para sa mga pag –asa ng bayan, atta.  Love, theilustrado

[AFTER HOURS] you call the shots (babe)

Title: you call the shots (babe)
Pairing: Andreau x Zade (TSIB)

Rating: Mature
Note: Title from Arctic Monkey’s I Wanna Be Yours aka the song na naiisip ko pag napapangiti si Paulo Avelino (aka aka the hymn of sex). Kasalanan ‘to ng santa hat ni Simon Evangelista sa OTWOL. Dapat matagal pa ‘tong ficlet na ‘to eh, pang-2nd birthday ng TSIB kaso… punyeta ka Paulo Avelino. The things you do to me ugh.

All mistakes are mine. Sana masabi ko rin na akin si Paulo charot.

Merry Christmas ya filthy animals!

**

“Why in the world are you wearing that?”

Keep reading

UNIVERSAL CODE NG MGA CERTIFIED 'DRAWING"

#1 “Di ako sure eh…”

Pero bago niya sabihin yan, itatanong muna niya isa-isa kung sinong mga kasama and she be like, “Eh? Wala pala akong lalandiin dun. Katamad." 

#2 "Sige, txt-txt na lang.”

Lakas ng loob magsabi ng txt-txt lang pero kapag ka-orasan na hindi na nagrereply tapos hindi na din sinasagot ang tawag. Kinabukasan, magttxt na lang, “Friend! Musta yung lakad niyo kahapon? :) ” Letche

#3 “Biglaan kasi, sorry.”

Pero kapag nagtxt yung jowa niya ng, “Bae. Punta ka dito house kaaalis lang nina mama. Dala ka food.”, hahamakin ang lahat sa ngalan ng kalibugan at intense na laplapan. Pakyu to the moon and back.

#4 “Try ko humabol ha?”

Wow. Wagas makapaghabol sa pangit niyang ex pero pagdating sa galaan, i-ttry humabol. Ipahabol kaya kita sa ostrich?

#5 “Try ko magleave sa work.”

Oo at hindi lang naman ang isasagot, paaasahin pa. Tipong future niya versus friendship niyo. Nangonsensya pa tapos drowing din naman. 

#6 “Wala akong pera.”

Tapos kapag sinabing, “Okay lang, libre ko” Biglang, “Wat taym? Miss ko na kasi kayo sobra.” Sarap pektusan sa large intestine.

#7 “On the way na akooo.”

Tipong, pupunta nga sa tagpuan pero sobrang late naman. Tapos sasabihin, “Atleast, nagpunta kahit late di ba?” Utang na loob ko pa ganun? At kasalanan pa naming lahat kung bakit kami maaga?

#8 “I’ll try my best.”

Tapos kapag sinabi mong. “Maraming pogi dun.” Bigla na lang siyang magttxt ng, “Nag-aabang na ako ng taxi, wait lang. Ay puta!! tinatakbo ko naaa!!”

#9 “Papaalam muna ako sa bahay.”

Okay goodluck ha. Sana payagan ka ng bahay niyo.

#10 “Lapit na ako.”

Pa-Almost there. Yung nakailang txt ka na kung nasaan na siya pero ang palaging reply “Lapit na ‘ko.”  Kulang na lang replyan mo ng, “Lapit ka na sa kabilang buhay?" Tapos bigla na lang nagkaroon ng emergency sa bahay dahil naputol daw yung loomband bracelet ng lola niya. Tungunuh.

Bitch please. Walang PAG-ASA sa mga taong PAASA. 

Gusto ko dito ka lang sa tabi ko. Gusto ko ikaw kasama ko sa maghapon at sa magdamag. Gusto ko ikaw lang kausap ko kahit matamlay yung pinaguusapan natin. Gusto ko sayo ko ilalaan ang oras at pagod ko. Gusto ko ikaw makakalasap nitong pagmamahal ko. Gusto ko, ako ang nagpapasaya sayo. Gusto kong iparamdam bawat oras kung gaano kita kamahal. Kasi tangina, ikaw lang ang gusto ko, wala ng iba pa.

Gusto ko lamang na malaman mo na mahal kita. Hindi ako umaasa nang kahit na anong kapalit mula sa'yo. Gusto ko lamang malaman mo ang lahat. Kung gaano mo pinapasaya ang bawat sandali ng buhay ko sa simpleng pagkausap o kahit na simpleng pagbati sa akin sa umaga o kahit na pagpapaalala sa akin na kumain na. Sa simpleng pagpansin sa akin sa Facebook, Tumblr o kahit sa Twitter man, sa simpleng pagpapakita ng concern sa tuwing may sakit ako o may nararamdaman, sa simpleng pagsama sa akin sa kalungkutan man o kasiyahan, sa simpleng pagpapalakas ng loob ko sa at paghatak sa akin sa kahinaan. Napakahalaga sa akin nun dahil sa simpleng mga bagay na iyon, napapasaya ako. Nagiging buo ako. At ngayon, gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa buhay ko. Na sa bawat ginagawa mo, napapasaya ako, nagiging kumpleto ako. Huwag ka mag-alala, hindi ako umaasa. Kuntento na ako sa kung anong meron tayo. Kaya sana, wag ka lumayo, dito ka lang sa tabi ko dahil masaya ako sa piling mo.