dimoalam

Di mo alam

Di mo alam umpisa palang nabighani na kahit ako di ko din alam
Di mo alam gusto ka na nya kaya ako nagpaubaya
Di mo alam pinormahan ka na pala kahit yung isa di din alam
Di mo alam nainlove ka na sa kanya kami di din alam
Di mo alam may iba sya pero sya alam nya pero di sya natinag
Di mo alam nasaktan ka kaya nagpatulong ka
Di mo alam nung nagpatulong ka ako'y may nararamdaman na pala
Di ko alam nung umamin ako gusto mo na pala sya
Di mo alam nasaktan ako pero tumulong parin ako
Di mo alam nahihirapan ako kapag iniiwasan ka
Di mo alam masakit sa ulo kapag naiisip kong kasama mo sya
Di mo alam naghihintay ako kahit walang kasiguraduhan
Di mo alam naghihintay ako kahit di mo naman ako papatulan
Di ko alam tanga na pala ako pero tuloy padin ako
Di mo alam nangangarap akong gustuhin mo din ako
Di mo alam nakita ko kayo magkahawak ng kamay
Di mo alam gusto ko din hawakan ang yong kamay
Di mo alam nagalit ako sayo pero mas nangibabaw damdamin ko
Di mo alam nagpaalam ako pero bumalik din ako
Di mo alam tinapon ko lahat ng pag ibig ko pero ako'y bigo
Di mo alam kasi masaya ka na dahil sa kanya
Di mo alam kasi ni hindi mo ko sinubukang tanungin
Di mo alam kasi wala kang pake sakin
Di mo alam na umaasa ako
Di mo alam nandito parin ako naghihintay PARA SAYO