dekada 90

Batang 90's Kabilang ka ba? (SUPER EXTENDED EDITION)

Kid Culture


1. Alam mo ang universal song na “Uwian Na”

2. Alam mo ibig sabihin ng “time first!”

3. Alam mo na importante ang “period, no erase!!!”

 4. Naglalagay ka ng pritos ring (or something similar) sa daliri mo.

5. Meron/nagkaroon ka ng pencil case na madaming pindutan, may magnifyingglass, at kung anu-ano pang kaekekan.

6. Nagbabye ka sa eroplano.

7. Nakaakyat ka na sa tree house.

8. Nangungulekta ka ng jolen.

9. Nakaakyat ka na ng puno [applicable to all born/raised before the new millennium]

10. Nagnaknock on wood ka.

11. Naranasan mo pang maging masaya tuwing brown out (kasi pag bumalik ang ilaw, maguunahan kayo ng mga kapatid mo sa pagpatay ng kandila/lampara. Pero bago yun, kakanta muna kayo ng “happy birthday”)

12. Nakabasa ka na ng SALAGUINTO or BATO BALANI magazine.

13. Alam mo ang ginagawa ng taong binabanggit ang mga salitang: “boy girl, bakla tomboy, butiki baboy.”

14. Minsan mo nang ginamit ang katagang “intsik wakang” at “indian pana”. Bata ka pa lang, racist ka na! Hahaha!

15. May biik kang alkansya

16. Once in your life, nastaple mo sariling malaking daliri [thumb] mo… at masaya ka pa [hahaha..]

17. May gamit kang may mukha ni Fido Dido. Kahit stationery.

18. Nakikipag barter ka noon ng stationery o NBA cards.

19. Natry mo nang kumanta sa harapan ng electric fan.

20. Sa sobrang curious mo, pinasok mo rin ang kamay mo sa likod ng electricfan.. at ikaw ay na shock… at namangha sa sugat na natamo mo dahil sa iyong katangahan… at late reaction ka pang umiyak.

21. Nasubukan mong paglaruan yung kulay pink na itlog ng kuhol na nakikita mo sa gilid ng kanal.

22. Ginagamit mo ang thumb mo bilang sign ng kaibigan at ang pinky mo bilang simbolo sa kaaway.

23. Nabanggit mo na ang linyang “nye, nye, nye hindi naman masakit!”

24. Pasiklaban ng pencil case dati. At ang pencil case noon, gawa sa lata. Pwede gawing palakol. Nakakabukol.

25. Nagkaroon ka nung eraser na strawberry.

26. Uso ang mga salesman dati na nagha-house-to-house para magbenta ng mga encyclopedia at fairy tale books.

27. May mga nagsu-school-to-school naman para magbenta ng mga seeds at iba’t ibang crafts na pwede niyong gawing project sa Home Economics.

28. Bumibili ka ng kisses (maliit, mabango, hugis-bilog) dahil ayon sa mga eksperto sa mundo ng mga bata, ito ay nabubuntis at nanganganak.

Games

1. Alam mo ang sistemang “mother-motheran” sa chinese garter, jackstone, at tigso. With the Golden Rule na “dead mother, dead lahat”.

2. Babae: Paper dolls. Lalake: pellet gun

3. Nag-iipon ka ng mga goma para maglaro ng “dampa”.

4. Lahat ng problema naso-solve ng jak n’ poy, hompyang, sikop…

5. Bahay bahayan ang uso.

6. Taguan hanggang sawa.[Tagu-taguan kabilugan ng buwan. Tayo'y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang ng sampu, nakatago na kayo. Walang sa harap, walang sa likod. Kung sino sa harap, catcher. Kung sino sa likod, catcher. One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten. PLAY NA!] :))

7. Naglaro ka ng 10-20

8. Nakalaro ka na ng chinese garter, at Langit-Lupa.

9. Naglalaro ka ng Yoyo, Trumpo, Tex, Pog

10. Nagpabili ka ng Tamagotchi sa mga magulang mo.

11. Kung babae ka, sumusuot ka ng shorts sa ilalim ng uniform para makapag-tumbling sa chinese garter pag dismissal/break.

12. Madalas ang labas mo ng bahay… para maglaro ng tumbang preso, habulan,Langit-Lupa, taguan, tigso (kuryente kabig law), shatoooooooooooong, PS-PS (mahal mo ba si Gabby?).

13. At pagkatapos ng araw, sinasabihan ka ng mga magulang mo na pwede nang magtanim ng bawang sa libag ng leeg/kili-kili mo.

14. Alam na alam mo ano ang tunay na anyo at hugis ng TRUMPO.

15. May past-time din na kung tawagin ay pagte-tex

16. Minsan niyong napaglaruan ang straw. Yun bang pipilipitin sa dulo at pipitikin sa gitna.

17. Sikat ka kung may dala kang brick game sa skwelahan

18. Meron kang spring toy [ung kulay rainbow..]

19. At, nasipagan mong ihulog ang spring toy sa hagdan… at ika'y nasiyahan sa simpleng paghulog nito.. [dahil sa iba’t ibang kulay nito].

20. Kung girl ka: nasubukan mong magluto-luto ng mga dahon, insekto at iba pang hindi makain na bagay - nung ikaw ay bata pa.

21. Kilala mo kung sino ang tunay na PACMAN.. at kinakain nya ang kanyang kalaban.. hindi niya sinusuntok ito. wakuwakuwaku…

22. Bogle [pronouced as BAH-GEL] ang tawag mo sa word factory. At alam mong ang karaniwang kulay ng sand sa hourglass ay bright pink o neon green.

Movies

1. Alam mo ang ibig sabihin ng “Chuvachuchu”.

2. Alam mo ang linyang ito: “I am so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my*pause* best *small pause* friend.” hehe

3. Naabutan mo ang siopao days ni Judy Ann.

4. Kalahating porsyento ng mga notebook na nakikita mong nakadisplay sa mga estante ng mga tindahan ay may mukha ng mga artista.

5. Humihihiram kayo ng VHS/Betamax sa video shop.

6. Alam, kung hindi man memoryado, mo ang linyang ito: “Alam mo Nika, kahit wala akong pinag-aralan, marunong din naman akong mahiya. Kaya di mo na ako kailangang itaboy. Kung lahat ng nagmamahal sayo, itinataboy mo,hindi ka magiging masaya!”

7. Kung lalake ka naman, nakipagsuntukan ka sa mga kalaro mo kung sino ang magiging leader niyo sa BATANG X chapter sa inyong baranggay.

8. Alam mo ang tinutukoy sa katagang ‘anak ni janice’

9. Nabubuwiset ka ngayon - sapagkat sigurado kang blue ang kulay ni kokey noon.

10. Sikat na sikat noon ang magpipinsang sina Donna Cruz, Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, at Geneva Cruz.

11. Naabutan mo ang tagsibol ng Rico-Claudine loveteam.

12. Naging saksi sa simula ng tambalang JOLINA-MARVIN.

13. Forever mong maiinternalize na sina Camille Prats at Angelica Panganiban ay pawang mga childstar.

14. Ang tawag mo sa porn ay BOLD.

15. Pinipikit mo ang mata mo kapag may kissing scene.

16. Nakakatakot pa (at hindi nakakatawa) ang Shake, Rattle, and Roll noon.

17. Nakalakhan mo ang magagandang pelikula ng Disney tulad ng Lion King, Pocahontas, etc.


TV

1. Kilala mo sina Shaider, Bioman, at Masked Rider Black

2. Kilala mo sina Remy, Cedie, at Princess Sarah

3. Memoryado mo ang intro song ng Captain Planet.

4.  Kung Babae ka, Nakikipagaway ka kapag may kapareha ka ng paboritong tauhan sa Skydancers.

5. May panahon na binaldado ng GMA ang ABS-CBN sa primetime slot dahil puro anime ang pambato nila.

6. Alam mo anong oras na pag ANG TV NAAA!!

7. Hindi kumpleto ang araw kapag hindi umalingawngaw ang OST ng Sineskwela sa lugar niyo.

8. Kilala mo si Agatom. Atsaka si Dong Puno. Pati rin si Kulitsap at Palikpik.

9. Batibot, Chikiting Patrol… etc.

10. Alam mo ang theme song ng mga daytime educational programs like, atbp, sineskwela, bayani…

11. Alam mo kung saang channel lumalabas si Heidi, Georgie, Remy, at Judie.

12. Inambisyon mong maging child star at mapabilang man lang sa BAYANI, BATIBOT, o kaya ay 5 AND UP.

13. Alam mo ang sagot sa tanong na “Alam mo ba ang naiisip ko B1?!”

14. Nagigising ka ng maaga pag Sabado para manood ng cartoons.

15. Nakatutok ka sa ABS-CBN tuwing Sabado 7pm para manood ng Wansapanataym.

16. Nanood ka rin ng Power Rangers at Ninja Turtles.

17. Natakot ka sa “Are You Afraid of the Dark”

18. Nanonood at nakikisagot ka sa Digital LG quiz.

19. Alam mo kung ano ang wala kapag wala kang knowledge. 

20. Alam mo ang ibig sabihin ng “VERUM EST” 

21. Naabutan mo pa ang sa tv ang orihinal na marimar

22. Narinig mo yung balitang may nasunugan ng bahay dahil masyado silang abala sa panonood ng “Marimar”.

23. Alam mo na hindi GOLDEN RETRIEVER ang original na Pulgoso.

24. Memorize mo ang mga linya nina Shaira Luna at iba pang Promil Kids sa advertisement nila.

25. Kilala mo sino ang original partner ni Redford White [nung late80’s-90’s]

26. At the same time kilala mo sino ang pinapalakol ni Dolphy sa ulo sa home along da riles.. - siya rin ang bayaw ng taong to sa home along da riles.

27. Nakapanood ka na ng home along da riles. 

28. Alam mo rin ang theme song ng mara clara, esperanza, etc… kung dahil lang wala ka nang magawa kasi nanonood ang mga babae sa bahay…

29. Pinapatay mo ang TV kapag hapon kasi Hoy Gising! ang palabas.

30. Naabutan mo pa ang original theme music ng TV patrol… [tenenunen-nenunen-nenunen-nunen] 

31. Alam mo kung anong TV ad ang may linyang “Ang TJ ko? Ano ka hilo?”

32. Kilala mo ang mga members ng Teletubbies at napanood mo pa ang Sesame Street.

33. Naabutan mo yung time na hindi pa retokada ang songbird.

34. Napanood mo pa sa tv ang okidok, okatokat, palibhasa lalake, abangan ang susunod na kabanata, atbp…

35. Naabutan mo pa ang 'wow mali’

36. At ang million dollar night. 

37. Una kang nagkacrush kay Patrick Garcia sa “Uy si Carlo!” hotdog commercial.

38. Si Elizabeth Oropesa ang pinakaepektib na kontrabida.

39. Minsan kang nainis kay Selina at sa mga bagay na ginagawa niya kay Via.

40. Teen actor pa nun si Keempee De Leon.

41. Naabutan mo ang Kadenang Kristal, Villa Quintana, Familia Zaragosa, Mara Clara, Mula sa Puso, Esperanza, at Marinella.

42. Pinanonood ng katulong nyo every Saturday ang Connie Reyes on Camera.

43. Naabutan mo rin ang Pira-pirasong Pangarap ni Manay Gina De Venecia

44. Hindi pa gaanong matindi ang network rivalry sa pagitan ng ABS-CBN at GMA dahil may RPN-9 pang kasali sa eksena.

45. Ang kutya mo sa mga kaaway mong di-kaputian ay KIRARA.

46. Pamilyar sayo ang mga pangalang Lindsay Custodio, Red Sternberg, Stefano Mori at Chubi del Rosario.

Food
1. Meron kang lunch boxes na may cartoons sa cover.

2. you know na edible ang white rabbit candy.. pati ung wrapper.

3. bibili ka ng bazooka bubblegum para sa comics sa loob

4. Isa sa mga pinaka-matigas na bubblegum na nakain mo sa buong buhay mo ay Tarzan.

5. pero, alam mo rin na may mga bubblegum na, “small, big, and BIG BIG”

6. mahirap maghanap ng obese na bata sa neighborhood…

7. sa softdrinks/beer pa: pinaPOP mo muna [with your fingers/thumb] ang bote before drinking - to preserve the flavor daw.

8. Naranasan mo na ung tinatawag nilang… picnic.

9. Ang pagpronounce mo sa biscuit ay bisKWIT – hindi BISKIT.

10. Alam mo ang ibig sabihin ng salitang 'bog-chi’

11. Minsan mong naging favorite food ang TOMI.

12 Nakatikim ka na nung glazed popcorn (popcorn na nababalutan ng di maipaliwanag na PULA at MATAMIS na nanigas na SYRUP)

13.Naabutan mo yung mga nanigas na ICING na shape ng sundae.

14. Alam mo ang itsura ng banal na BOBOT.

16. Alam mo ang mga brand na: Fanta at MIRINDA.

17. Minsan naadik ka rin sa Choki-choki

18. Maalala mong bumibili ka ng kendi na isang piso bawat kutsara…

19. Alam mo yung chichiryang GULAY at PERA O BAYONG… tapos alam mo rin ang “tamang” paraan ng pagbukas ng isang pack.

20. Alam mo na dapat tanungin kung anong klaseng “Koks” ang inuutusan sayo bibilihin…

21. Minsa'y naadik ka rin dun sa mga naka-paketeng kendi… like, Mighty Mouse.

22. Naabutan mo yung Choco-sigarilyo… at minsa'y napagalitan ka pa ng mga guro/magulang dahil nahuli kang nasa bibig mo yun…

23. Masaya ka na kung maka-kain ka ng Champola…

24. Hindi pa masyadong uso noon ang Stick-O

25. Kumakain ka ng bayabas o hilaw na mangga na ikaw mismo ang pumitas.

26. Alam mo ang itsura ng pambalot ng DULCE at WHITE RABBIT.

27. Ang pinakasikat na biscuit ay yung sa REBISCO (ang sarap ng feeling mo!) Haha!

28. Karibal nito ang blue skies.

29. Blue at OPAQUE pa ang lalagyan ng SKY FLAKES.

30. Mabenta ang 'retail’ style ng biscuit na MARIE.

31. Loser ka kung di ka nasasarapan sa HEBI.

32. at minsan kang nagtaka kung bakit hindi lasang orange ang cream ng HI-RO…

33. nakatikim ka na ng ice drop (special mention sa ice drop na may munggo sa ibabaw)

33. alam mo kung ano ang ice pop.

34. nothing beats chippy at coke para sa iyo.

35. alam mo ang dapat isagot sa tanong na “What’s the password?”

36. Alam mo ang dance step ng “Isa pa, isa pa! Isa pang chickenjoy!”

Fashion
1. kaakit-akit sa mata ang mga sapatos na umiilaw.

2. kung girl ka: naranasan mo nang magka bangs [hindi side-swept, kundi bagsak. Ganun sa buhok nina Susy and Geno]

3. mahalaga ang volume sa buhok. Kaya ang mga artista noon ay naadik ng todo sa blower. Partner ng umalsang buhok ang bangs. 

4. Nagpapakulot pa nanay mo noon gamit yung mga mumunting pink na rollers. (Ngayon rebond na!) hehehe

5. karamihan ng old pants mo eh cargo pants.

Kung BATANG 90's ka,

1. Napanood mo ang Lion King.
2. Nanonood ka noon ng Hirayamanawari at Sineskwela.
3. Pag nagkikita kayo ng kalaro mo,ginagaya nyo ang Power Rangers
4. Pag babae ka, nakabili ka ng mga paper dolls na tig pipiso na may mga damit pa.
5. Nagpalobo ka ng plastic balloon na dinadamihan mo pa para malaki.
6. Sinubukan mo isara ang refrigerator nang dahan dahan para makita kung mamamatay ang ilaw.
7. Napapanood mo ang Mari Mar na original dahil pinapanood ng parents mo pag gabi.
8. Kilala mo sila Julio at Julia
9. Pag may kaya, merong Gameboy
10. Kinanta nyo ang Jubilee Song.
11. Kinakanta nyo dati ang World Youth day theme na “Tell the World of His Love”, kahit mali ang lyrics nyo.
12. Natapos nyo ng ilang beses ang Super Mario sa family computer.
13. Nalaro nyo ang Super Contra at Pacman
14. Pag 4:30 pm na, ANG TV na!
15. Gusto mo dati magkaron ng tamagochi.
16. Sumayaw ka ng Macarena.

Like kung batang 90’s din kayo. \m/

I was a 90's kid
  • We are the last generation who learned to play in the street.
  • we are the 1st who’ve played video games, and were the last to record songs off the radio on cassettes and we are the pioneers of Walkman and CD Player
  • We had school from 8:00-5:00PM on my Gradeschool days
  • play with the Family Computer and had dial up internet connection.
  • We are the generation of the Power Rangers, Bioman, Maskman, Five Man, GI Joes, Ninja Turtles, Transformers, Gumby, F.R.I.E.N.D.S, Buffy The Vampire Slayer, Mojacko, Ceddie, Tom Sawyer, Julio at Jullia, Ghost Fighter,Slam Dunk, Doraemon
  • We are the last one to see Eat Bulaga on Channel 2
  • Lived without cell phones.
  • We did not have 99 television stations
  • flat screen LCD
  • Surround sound
  • mp3s
  • Tablets
  • iPods
  • Facebook
  • Twitter
  • Tumblr
  • Computers and the Internet
  • …but nevertheless we SURVIVE and had a great time