dear-ichigo

Dear Ichigo,

Nakakatuwa. Tuwang-tuwa ako, alam mo ba yun? Kasi kanina diba online ka and such tapos nakita ko sa notifs ko na may ni-like ka na picture ko. Syempre akong natutuwa na slightly kinikilig, tinignan ko. Alam mo bang ang saya ko kasi ni-like mo yung DP ko? Hahaha! Muka kaya akong bakla dun. Wala lang akong mahanap na picture kaya yun pinag-interesan ko. Pero swear, nakakatuwa. Ewan ko nga kung bakit mo ni-like eh. Wala ka lang magawa o pinagtitripan mo lang ako or bigla mo lang akong naalala. Chos. Pero ayun nga.

Kaya kanina nakakahiya man ginawa ko, keme lang. Nagcomment ako sa DP mo. Hihihi. Yun kaya yung una mong DP na clearly kita yung muka mo. Natutuwa lang ako. Nagthank you ka sa sinabi ko eh. Out of courtesy. LOL. Pero wala lang. Natuwa lang ako. Hahaha!

Namimiss ko na nung kinakantahan niyo ako nila Pio! Amf. Ikaw si Pio, tsaka si Jono. Mga kasabayan ko sa puyatan nung summer kaso hindi ka na masyadong puyat ‘di tulad ng dati. Hahaha! Wala lang. Le osom voice.

P.S Kapag nabasa mo 'to huwag kang tatawa. Feeling ko babangag-bangag na ako nito eh.