dear online diary

Plans & Goals|2018

Sa sobrang hilig kong magluto gusto ko sanang pumasok sa Culinary School kaso walang susuporta. Matagal ko nang gustong magtayo ng restaurant pero sobrang laki kasi ng capital. Di na ko nagkamali pang humingi ng tulong kay papa kasi we have gap talaga. Gusto ko makapagpundar ako ng mag-isa o yung kami lang ni babe ang magkatulong. Ngayon ko lang narealized na ang tagal ko nang nagwowork tapos lahat ng nasave kong pera dati naubos ko na. Ngayong pahinga ako sa work at nagsisimula akong mag-ipon ulit, may pinaglalaanan na akong mas makabulohang bagay. Dati kasi, easy go lucky lang ako. Bar dito, gala dyan, bili ng kung ano. Naisip ko na hindi na ko bata kaya I came up with a plan na winowork out ko ngayon at hoping na half of the year 2018 maestablish ko yung naiisip kong business. Food and Drinks yun. Stall lang muna. Since, engineer naman si papa, may be I can ask some help sa pagpapagawa sa mga workers nya nung cart tapos ako na bahala sa iba.

Meron na kong lupa pero wala akong bahay. Gusto ko nang maisaayos ang lahat. Alam ko ang daming beses ko nang nadapa. Madaming opportunities na din ang nasayang pero ngayon kasing 23 na ko madami na kong narealized.

Hindi naman kami pinalaking spoiled brat ng magulang namin pero yung traits ko talaga is kapag gusto ko, gusto ko talagang makuha. Mahilig ako sa material things noon. Sino ba naman may ayaw ng magagandang gamit such as pang OOTD and cosmetics right? Nung nagnetworking business ako before madaming negative at positive side sa pagpasok doon. Yung magandang napulot ko dun is sa halip na magbasa ng mga love stories ay business stuffs ang basahin. Sobrang dami kong napulot na aral. Yung iba naiaapply ko pero mas madami pa din ang hindi. Mahirap talaga ang magbago. Haha. Pero ayun nga, I realized na sa ikabubuti ko din yung gagawin ko ngayon.

Gusto kong bumuo ng sarili kong family pero di pa namin ni babe kayang bumuhay ng bata. Sus me, sa dami ng nakikita ko ngayon at sa mga friends ko na nagrereklamo sa sitwasyon nila? It’s always nice to make love and cuddle with your love ones pero know the responsibilities din kapag nakabuo kayo. At yun na nga, hindi talaga sya biro kaya napag-usapan namin ni babe na mag business.

Ayoko na ng ibang klase ng business kasi natry ko na ang networking. Gusto ko na talaga ay yung traditional business na concept ko. Ayoko din ng franchise kasi ang mahal ng franchise fee ‘no!

So ayun nga, I decided na by January kayod na ulit si Dora at ipon ipon ipon sa bank. Tapos raket din pag may time kasi marunong naman akong magrebond, mag make up at mag footspa. Hahaha. Wala akong ikinakahiya kung gagawin ko yun as sideline kasi kahit hosting projects pinapatos ko para lang makaipon. So ayon nga, alam ko di ito magiging madali pero ipupush ko. Yun naman talaga yung pangarap ko kasi ang magnegosyo kasi I want to be the boss.

Then next year, plan ko din isingit yung Outreach Program. Hihi. Gusto kong mag give back sa iba kasi alam ko yung feeling nang walang wala ka. Yung iba nagmamakaawa na mamalimos sa iba so they can live. Yung poverty talaga malaki yung nagagawa nila sa community. Kaya dumadami yung criminals kasi wala silang proper education kaya gusto ko ipush yung Outreach Program.

Ngayon, nagko-conceptualize na ko at nagsusulat for business stuffs and goals for next year. Hopefully talaga if di man after 6 months next year is at least by the end of the year makausad kami ni babe.

Plus, at least once a year sana makapagtravel kami kahit locally muna together with our friends or our family.

So ayon, malamig na yung kape ko. Hahaha. Napakwento na kasi ako dito. Kayo, nagpaplan na din ba kayo for 2018?

Sa ilalim ng buwan,

ay nakatanaw

ang aking mga mata,

kahit gaano kalayo

ang pagitan nating

dalawa, pakakatandaan

mong mahal na

mahal kita, tayo man

ay pinaglayo tayo

ay muling magtatagpo,

sa mundong ito na

puno ng pait at pasakit

kailan diringgin ng

langit ang puso kong

nagsusumamo makamtan

lamang ang tunay na

pag-ibig?

Naging daily routine na ata namin ni babe yung kinakantahan ko sya ng lullabies para makatulog. Hahaha.😂 Ewan ko ba kay babe kung bakit di makatulog na di ko sya ipinaghehele. Dapat ako ipinaghehele nya eh kaso nocturnal ako so wala din. Haha. Baka umaga na di pa din ako tulog kahit pinapaghele na nya ko. Well, masaya din naman ako sa ginagawa ko kahit na minsan mukha na kong tanga na nakanta over the phone. Haha. Lalo na kapag naririnig ako ni mama. Ang dami daw naming artiiiiiiiiiiiii ni babe. Masaya ako kasi kahit paano nakakapag effort ako in little ways para kay babe ko. Yung nakakatawang part is palaging 10mins. lang yung tawag at minsan wala pang 10mins.ako nakanta eh tulog na sya. Hahaha. I love you babe ko. 😘