dead balagtas

Pebrero, 1891. Tumigil si Pepe sa Winter Residence ng mga Boustead, ang Villa Eliada sa may Biarritz. At doon, malayo kay Leonor na kinasal na sa Pinas, maligayang LUMANDI ang ating bayani.

Sa totoo lang mukhang interesting na dabarkads itong si Nellie ano? Nakakainis na salat tayo sa impormasyon tungkol sa kaniya. Athletic, mahilig magbasa, matalino, may paninindigan, at may iisang salita si Nellie based sa mga sulat niya. Sayang na kagaya ng iba pang babae sa kasaysayan, footnote lang siya sa buhay ng lalakeng bayani.

“The Babaylan’s were the last to surrender”

Para sa ating mga ninuno, ang espiritwal na buhay at ang realidad ay iisa. Kung kaya’t ang Babaylan, bukod sa pagiging ‘religious leader’ ay Kung tutuusin isang AKTIBONG bahagi ng prehispanic politics NATIN. Maraming account na nagpapatunay na maging ang mga datu ay takot sa mga Babaylan o Catalonan KAYA sila rin ang unang tinarget ng mga Kastila. Kung sisilipin natin ang BOLINAO manuscript magkikita roon na nagsagawa ng mala-INQUISITION na pagpatay at pagwasak sa institution ng mga Babaylan o Katalonan ang mga Kastila. At ang pinakanakakalungkot rito ay naging participant mismo rin ang mga datu sa pagbagsak ng Babaylan. Kaya Ayan, matuto Sana na tayo sa KASAYSAYAN. Wag na wag makipagfriends sa imperialists kahit sabi nila sayo 'they mean well’. At sexism leads to genocide and centuries of poverty.

Di na nakakagulat na ang mga pinakaunang pag-aalsa ay pinamunuan ng mga Babaylan.

Noong 1621, matagumpay na na-reinstate ng isang grupo ng mga babaylan na pinamunuan ng Baylang si Tamblot at lumang pananampalataya sa Bohol ay napatalsik ang mga Kastila mula sa malaking bahagi ng kapuluan. Nagawa ito ng mga Dalaganan sa pamamagitan ng makulay at mahusay na propaganda, at sa later part ay sa pagsisimula ng isang bonggang armadong pakikibaka.

Ang Tamblot Revolt (Kung tawagin ng Mga historyador) ang paksa ng maikling kwentong “ANG HIMAGSIKAN NG MGA BANAL” ng Dead Balagtas. Iilang strips Lang ang Ipopost ko rito sapagkat ang iba’t balak ko ilathala.

Alam niyo ba na nanalo si Rizal ng Lotto noong araw? SERYOSO. Pinambili niya ang napanalunan niya ng lupa sa Dapitan at ginamit ang pera para I-improve ang local government ng Dapitan. Swerte na nga, generous pa. Naks! Pwede siguro hingan ng balato tong si Peps.

Anywayz, guys, kung libre kayo mamaya, baka gusto niyo pumuntang Luneta? At baka naman gusto mo pa I doble ang iyong patriot-levels at bumili ng Teammanila Lifestyle na shirts! Para madoble ang cool mo habang tinututulan mo ang pork barrel.

Wala pa nga pala kong komiks tungkol kay Balagtas, no?

Isa rin sa mga paborito kong bayani itong si Fransisco “Kiko” Balagtas. Sino si Huseng kaniyo? Aba'y wala nang iba kundi ang isa pang makata na si Jose De La Cruz (Huseng Sisiw) na nagsilbing editor at bespren ni Balagtas bago ang kanilang malupit na fall out. 40 years ang tanda ni Huseng Kay Balagtas Kung di ako nagkakamali.

Btw, I claim no originality for this joke.