daydreamersthoughts

2

I JUST CAN’T GIVE UP.

Siguro ito nga yung sinasabi nila na “You can’t have everything at the same time” lagi may kunlang. Ang hirap pala maging Top Student yung maganda nga grades mo, kaso wala ka naman yung tinatawag nilang “Social Life” kasi halos lahat ng oras mo igugol mo na sa pag-aaral kaya dumating na rin yung time na Nakakapagod na.

Ang hirap pala talaga maging Top Student. Masarap sa pakiramdam na sa dami dami ng mga classmate mo ikaw pa ang nagging Top1, pero kahit masaya mas mararamdaman mo pala ang Pressure. Dahil marami na ang mag iisip na matalino ka, maraming umaasa na ikaw lagi ang makaka kuha ng mataas na grado sa Exam kahit na sa mga quizzes lang.

Nakakatakot kasi may marami kang bagay na dapat I-maintain, Dapat yung grades mo highest, dapat ikaw lagi ang pinaka magling sa lahat at dapat ikaw lagi ang tinatawag nilang “BEST”.

lalong lalo na sa tuwing ipag mamalaki ka ng mga magulang at teachers mo sa iba, imbis na matuwa ka at maging proud mas lalo mo na raramdaman yung pressure.

Yung iisipin mo na kailangan ma maintain ko o mas higitan ko pa yung grades ko. 

At ang pinaka kinatatakutan mong bagay na mangyari eh yung maging Top 2 ka. Kasi parang hindi mo tanggap na you didn’t make it. Natatakot ka na ma disappoint yung parents mo pati na rin yung mga teachers na umaasa sayo.

Ang hirap pa sa lagay ko eh yung mg pinsan mo mga nasa top kaya dapat pahalagahan ko ang pagiging top ko kasi nakakahiya pag nawala ako sa top. Tapos yung iniisip mo rin na mawawala yung respeto at bababa ang tingin ng mga teachers at classmates mo sayo pag hindi ka na yung Top student. at ayaw ko na mangyari yun, ayaw ko ng bumalik sa dati….

Nang galling naako sa wala, Nung Elementary kasi ako mula grade 2 hanggang Grade 6 ako yung taong lagging nakaka kuha ng Lowest score, andiyan yung makakakuha ka pa ng 2 marks sa EXAM. Yung ang baba-baba ng tingin saiyo ng mga classmate mo tapos parang wala naman saiyong pakielam yung teachers mo dahil ang kinagigiliwan lang nila eh yung mga matatalino. I felt so Worthless at that time.

Kaya ayun ang kinatatakutan kong mangyaring ulit. Ayokong maramdaman nanaman na wala akong halaga. Kaya kahit na nahihirapan ako ayokong isuko yung mga bagay na pinag hirapan ko para sa future ko.

I may be struggling right now but I will never give up! 

It Will Be Worth It In The End.

Gusto kong mag pakalayo-layo.

Gusto kong mag pakalayo-layo.
Gusto kong pumunta sa lugar na maraming puno sa tabi ng beach na may maliit na kubo o kaya sa mataas na lugar tulad ng bundok tapos pwede kang sumigaw. Yung sigaw na halos ilabas mo na ngala-ngala mo sa sobrang lakas tapos sabihin mo lahat ng problema mo, mga saloobin mo o kaya pwedeng mo pang murahin lahat ng buyset sa buhay mo pero siyempre WAG kasi BAD yun. Hahaha (pero honestly gusto kong gawin to)

Tapos kakalimutan mo LAHAT, lahat ng Problema. Yung
• mga homeworks, test, exam mo
• yung mga teacher mo na ginawang bisyo ang pagalitan ka
• Yung strikto niyong principal
• Yung mga kaibigan mong sa sobrang ‘Plastik’ eh pwede mo nang i-donate para i-recycle o kaya sa sobrang ‘Fake’ gusto mo na lang hubaran at hanapin ang “Made in China” na tatak sa katawan nila
• Family problems
• NGA-NGAng Lovelife
• Boring mong classmates
• Pimples mo sa mukha
• Peklat mo sa binte
• Yung pag pili ng Course mo sa College
• Yung mga babaeng WAGAS maka pang lait sayo dahil lang may ganda silang ipag mamalaki
• Yung mga taong ayaw makipag kaibigan sayo, dahil BORING ka daw
• Yung uniform mong pangit ang Fitting.
• Yung mukha mong Drug addict sa ID mo
Ang DAMI! Basta lahat sila, basta lahat ng tinawag kong PROBLEMA gusto kong kalimutan!

Mabalik tayo sa sa “maraming puno sa tabi ng beach na may maliit na kubo”. Yung tipong gigising ka tapos may breakfast ka tapos may hawak kang coffee at nakasuot ng maluwang at comfortable na damit. Tapos naka tanaw ka lang sa araw na walang iniisip kundi mag RELAX. (O diba lakas maka drama) Sarap nun diba?

O kaya……

Yung mag road trip ka kasama ng mga ‘Baliw’ mong Barkada (kaso wala pala akong BARKADA -,-) gamit niyo yung karag-karag na sasakyan (basta yung nakikita niyo sa mga Movie) yung open yung itaas tapos may napaka lakas na Sound trip at wala kayong ginawa kundi kumanta at mag tawanan tapos ine-enjoy niyo lang yung moment kahit na wala kayong direksiyon at wala kayong destinasiyon basta masaya lang kayo walang iniisip. Sarap siguro gawin to.

Kaso sa lagay ko NAPAKA labong ma-experience ko tong mga bagay na to kasi bukod sa wala namang “MARAMING PUNO SA TABI NG BEACH NA MAY MALIIT NA KUBO” sa Singapore, wala rin naman akong sasakyan na “Karag-Karag” at higit sa lahat wala rin akong tropang makakasama. Ang masaklap pa wala tayong choice kundi harapin ang “REYALIDAD” ng buhay. Yun ay kailangan mong harapin ang hindi maubos-ubis mong mga problema at kayanin ang buhay.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung san ako mag sisimula dahil hindi naman talaga ako magaling pag dating sa pag susulat o sa pag bo-blog. Pero hindi ko lang talaga mapigilan na gawin to. Minsan kasi sa sobrang dami na kasi ng sama ng loob na naiipon sa loob-loob mo tapos ang masaklap pa wala ka man lang masabihan ng mga kadramahang to. Dahil yung “Pamilya” na dapat na pinag sasabihan mo ng saloobin mo eh minsan sila pa yung dahilan kung bakit nakakaramdam ka ng ganito. tapos wala ka pang kaibigan sa tabi mo na pwedeng makinig sayo. Ang Saya diba?? Ang dami ko nang napanood na palabas tungkol sa pamilya at sabi nga nila kadalasan hindi mawawala ang tinatawag nating “Black sheep”. Ito ang tawag nila sa taong masama ang ugali, yung suwail na anak. Nakaka-asar diba? Kahit ako rin naman eh naiinis sa “Black sheep” ng pamilya.

Pero…..paano kung ikaw yung tinuturing nilang “Black sheep” ng pamilya? Yung tipong iniisip nila na MASAMA yung ugali mo, Yung lagi kana lang kinagagalitan dahil nga MASAMA ka (daw). Sige sabihin na natin ikaw ang black sheep sa pamilya niyo, ikaw na bastos, ikaw na maldita, ikaw na sakit ng ulo ng magulang mo, ikaw na MASAMA.

Pero, naisip ba natin kung BAKIT sila nag kaka ganito? Siguro hindi nga nag kulang yung magulang nila pag dating sa luho, na halos lahat ng gusto nila na ibibigay sakanila pero hidi naman lahat eh tungkol sa MATERIAL na bagay eh. Kasi ang “Black Sheep” ng pamilya ay yung taong uhaw sa atensiyon at pag mamahal.

Mas mahalaga sa pag laki ng bata ang emotional, o pag mamahal ng magulang. ANG BATA KAHIT PA IBIGAY NIYO LAHAT NG LUHO NIYA EH KUNG KULANG NAMAN SIYA SA ATENSIYON AT PAG HINDI NILA MARAM DAMAN NA MAHALAGA SILA O MAHAL SILA eh mataas pa rin ang chance na lalaki silang suwail. Dahil hindi nila alam kung saan o kanino hahanapin yung atensiyon at pag mamahal na hinahanap nila.

Kaya hindi ko alam kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko o kaya kung sino sisisihin kung bakit ako nag ka ganito. Sarili ko ba? Dahil hinayaan kong dumating sa ganito ang ugalo ko o yung mga taong dahilan kung bakit ako nag-kakaganito? 3

Eto nanaman tayo...

Ang hirap talaga kasi yung pilit mo pinapahiwatig sa mga parents mo na hindi mo na kaya yung SOBRANG pressure at hindi mo na kaya mag stay sa pagiging Top1 kaso nag e-expect talaga sila ng mataas tapos parang hindi sila magiging kuntento pag hindi ko na maintain yung position ko. Minsan naiiyak na lang ako bigla, kasi minsan hindi ko na talaga kaya yung pressure. Yung tipong gusto mo na lang mag pahinga at parang di na kinakaya ng katawan mo lalo na ng utak mo. Yung iniisip mo na ang bobo-bobo mo na pag naging top2 ka LANG. :( mawawala nanaman yung respeto ng mga tao saiyo pag bumaba yung grades mo.
nakakapagod narin…

Kaligayahan?

Oo, siguro pera ang nag papaikot sa mundo at kaya kang pasiyahin nito kasi pwedeng ibigay ng pera ang mga luho mo pero hindi nito matutumbasan ang kaligayahan ng mga bagay na hindi pwedeng bilhin ng pera tulad ng pagmamahal. Subok kp na to, ngayon subod ako sa mga luho ko nabibili ko pa ang mga bagay na gusto ko pero parang may MALAKING kulang sa buhay ko dahil wala sa tabi ko ang pamilya na at mga kaibigan ko. Hindi ko naman sinasabi na hindi mahalaga ang pera. Mahalaga ito, pero wag mong kakalimutan na may MAS mahalagang bagay pa sa mundo na hindi mabibili ng pera na mas makaka pag-pasaya sayo bukod sa mga matiryal bagay.