dahil-mahal-na-mahal-kita

Mayroon pa kayang tao na kaya akong mahalin sa kung ano ako at tutuparin ang mga salitang: “Hinding-hindi kita iiwan anuman ang mangyari dahil mahal na mahal kita.”.

Tangina. Yung mga damdaming pilit kong ikinikubli ng halos isang linggo, bumabalik. Yung kirot, yung lungkot, yung pagiging walang kwenta, yung takot at yung trauma, nararamdaman ko na naman sa mga sandaling ito.  Ang sakit. Nandoon pa din kasi yung tanong na “BAKIT KA SUMUKO?” 

Bakit ka umalis dahil lang sa dahilan na HINDI KA NA MASAYA? Alam naman nating parehas na darating talaga yung panahon na sa sobrang tagal na natin, nawawala na yung kilig at saya araw-araw. Pero nag-effort pa din ako na maayos ko yung tayo pati yung ayaw mo sa akin. Hindi ako sumuko kasi akala ko magkasama nating malalampasan yun. Pero ako na lang pala yung gumagawa nang paraan. Naisip ko kulang pa ba yung pagmamahal at panahon na ibinigay ko sayo na halos wala nang natira para sa akin kasi masaya na ako pag napapasaya kita? Hindi ako nanunumbat kasi kusa kong ginawa yun dahil mahal kita. Pero ang sakit kasi. At pag naalala ko yung nangyari, pakiramdam ko wala akong kwenta. Bumuo na tayo ng pangarap para sa isa’t isa. Di ba nga dapat this April, magkasama na tayo sa iisang bubong? Pero naglaho na. Naglaho na ang mga binuo nating pangarap. Naglaho na ang TAYO.

- 02192017

Kung tayo? Ang pinaka una kong gagawin ay tatanggapin ko kung sino at ano ka pa. Tatanggapin ko ang mga ayaw mo sa sarili mo at mamahalin ko sila. Kung tayo, iintindihin kita kahit gaano ka pa ka-gulo. Hindi ko masasabi sayo na mag tatagal tayo na parang forever, pero ipaparamdam ko sayo ang pag mamahal at importansya habang tayo pa. Hindi kita papabayaan mag isa, masasandalan mo ako sa tuwing may problema ka. Ibibigay ko sayo ang oras ko kahit gaano pa ako ka busy dahil ganon ka ka-importante saken. At kung tayo, hinding hindi kita iiwan. Hindi kita papa-iyakin, kundi ako ang maaari mong paiyakin dahil mahal na mahal kita. 

hindi ko masasabing nagsasayang at nagsayang ako ng mga luha ko para sa’yo. ginusto ko ‘to. wala akong magagawa kung ito talaga yung sinisigaw ng damdamin ko, yung umiyak, nang dahil sa’yo. hindi ko naman rin to ginusto pero nangyari at nangyayari, kasi nga kahit anong gawin ko, sa huli, ito at ito parin yung katotohanan. na pagdating sa’yo, ganito yung reaksyong binibigay ng katawan ko nang dahil nga sa mahal kita. mahal. na. mahal.

youtube

At sinong makakalimot sa DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA movie ni Claudine Baretto at Rico Yan?

Nagulat ako na hindi lang pala ako sa grupo namin ang nakapanood at nabaliw sa pelikulang ito!

Maraming mga boom lines and quotes dito eh, mga sampal sa mukha.

Kaya naman manonood kami sa group with @thenarcissistickid and @heyitsaids nito! HOOORAY! :))

Dahil Mahal na Mahal Kita
  • Miguel: Don’t make things hard for me Mela.
  • Mela: Hard? I make things hard for you Miguel? Bakit? Ano ba ang nagawa mong madali para sa akin?
  • Miguel: I care for you, Mela.
  • Mela: Hindi kita kailangan.
  • Miguel: Mahal kita.
  • Mela: Ang kapal ng mukha mo! Binigay ko sa’yo ang lahat, wala na nga akong tinira para sa sarili ko. Pero, kahit na anong gawin at sabihin ko, di mo pa rin matanggap ang nakaraan ko. Maramot ka, Miguel. I sincerely loved you. I sincerely believed and hoped na ikaw na nga ang para sa akin. Akala ko iba ka. Pero katulad ka rin pala nila, maramot ka rin pala sa mga tulad ko.
  • Miguel: I’m sorry.
youtube

I remember someone used to sing this to me a lot back in the days when things were a lot simple.

Siya simpleng taga-UP lang. Ako isang simpleng Tomasino.

Ngayon kumplikado na ang lahat eh. Siya ay isa na sa mga pinaka-batang manager ng isang multinational company. Ako isang media practitioner na de-numero ang bawat galaw.

Whenever I hear this, it just sends me back in time. Memories become live paintings. Of scenes from Sunken Garden. Of scenes inside my old car. Of scenes when a day is complete because we smiled at each other. Of scenes eating Tapsilog together at Rodic’s.

It really feels good to be young and in-love. No other feeling could match that.

If there’s one regret I have now, that is quitting. Quitting over something that was so beautiful. And no matter how far we are from each other now, I just want you to know, you will always have a special part in my life, in my heart.

You know who you are. And I treasure these words that once came out of your mouth to express how much you have loved me during that time. Salamat for making me believe and experience love.

Hindi ko man na siya makakanta sa harap mo, sa pagkakataong ito ipopost ko na lang sa blog na ito ang mga salitang sana'y naibigkas ko rin sa harap mo.

Salamat.

Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa ‘yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yo

Kahit na (kahit na)
Niloloko mo lang ako (niloloko mo ako)
Kahit na tumingin ka sa iba
Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso ko

Chorus:
Dahil mahal… mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Hindi ako matatakot, mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal… mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Gagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal (dahil mahal kita)
Mahal na mahal kita

REVIEW: DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA

The kilig vibes for this movie is inexplicably real !!!! Whenever I feel like my biterrela side is coming up, my medicine is always an old romanitic pinoy films, and Dahil Mahal na Mahal Kita has done the job perfectly!!! This cliche love story that was played by romantic and oh-so-kilig couple never fails to make me believe in love again.  Well, who wouldn’t get moved by the acting of Rico Yan and Claudine Barreto right? The story of this movie is very simple, just a bad ass girl (Mela) who has a huge crush on a nice guy (Miguel) who hates her at first. Miguel and Mela are total opposites, but as the saying goes, opposites do attracts and love has a big surprise for them. I extra love this movie for even tho it has a light plot, you can get a lot of lessons about love and life. 

As for Mela, being misjudged by society is hard, especially for a girl who encountered many difficulties in life. But what’s worse by being judged by someone you love so much and whom you thought who could actually accept you as who you are and love you genuinely? But being in love means being vulnerable to pain. It means you are willing to get hurt in order to be happy. You are willing to fight, to transform into something beautiful that your significant other would be proud of. That’s how I define true love, it is so damn powerful it will change you into something beautiful.

And as for Miguel, if you truly love someone, you will care for their feelings, for their dreams, for their true self. You will accept them for who they truly are and you will love them wholeheartedly. And by accepting her means you are also accepting her flaws, her imperfections, and most importantly, her past that she can never change forever. You can’t save her, but you can always be there, be by her side while she saves herself. And that, well that’s how true love works, you accept who she is, but you are in full support in her dream to become the better version of herself.

Mama may nakitang news about sa depress na nag pakamatay. 

Mama: Anak, ikaw ba hindi ka depress?
Ako: Ha? hindi naman *smiled*
Mama: Kung may problema ka man andito lang ako ha
Mama: Mag kwento ka saken, ako ang pag sabihan mo ng mga problema mo
Mama: Hindi yung kung sino sino kinakausap mo, okay?
Ako: Yes po ma. 

Hindi ako naka imik nung sinabi niya saken yang mga yan, hindi man ako maka tingin sa mga mata niya ng derecho. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni mama kapag nabasa niya ang bawa’t post ko dito sa Tumblr. Hindi niya alam kung gaano ako ka depress at natatakot naman akong mag kwento sakanya dahil wala akong lakas ng loob. Pero mahal na mahal kita ma, kung alam mo lang.