dahil mahal na araw

9

Salamat sa mga nagsulat sa aking Paco Birthday Book sa Cosmania! Natutuwa ako’t may mga nakakakilala kay Paco kahit nakadisplay lang ang kanyang litrato sa aming booth :))

Halo-halo ang pagkakakilala sa kanya, mula sa “kasama ni Luna mamatay sa kumbento” hanggang sa ”aNG ANAK KO TANGI KONG CINNAMON ROLL” pati na rin sa “team mom ng squad!” Nagagalak ang aking puso habang naririnig ang tinig ninyo. <3

Nakakatuwa rin na pumipirma yung mga tao nang hindi alam na bibigyan ko sila ng libreng print/poster pag pumirma sila :))

Anyway! Naubos ang mga prints at posters! Prototypes ko lang naman din sila hehe magpiprint pa ako in the future! Sana mabuo ko yug cast balang-araw :D

Maligayang Kaarawan, Paco! Makakamit din ang katarungang nararapat sayo sa takdang panahon <3