d:works

Dalawang Luha mong Magkaiba

Sa mundong ating kinagisnan,
ay may dalawang luha tayong namulatan
magkaiba ang pinakahuhulugan
magkaiba ang pinatutunguhan
ngunit tanaw mo ba ang kanilang kahalagahan?
Siguro nga'y oo siguro nga'y hindi
Siguro nga'y nararamdaman mo ang isa dito
madalas sa bawat sandali
sa eksaktong tagpo
sa eksaktong pighati
sa eksaktong tono
ng guhit ng iyong ngiti
sa eksaktong daloy
ng luhang kaydali
Dahil ang dalawang luhang magkaiba
ay may damdaming matindi
nagdudulot ng mga iba’t ibang emosyon
na sa kaibuturan pa ng kaisipan nanggaling
at kapusukan ng mga bawat luhang nabitin
At ang dalawang luha mong magkaiba
ay dulot ng lungkot at saya
maaring galit at tuwa
at pinaghalong sakit at ginhawa
Lungkot sa mga narinig mong kataga
na nagmula sa isang taong mahalaga
na dati ay nagdulot sayo ng saya
Saya na dati sa kanya mo nadarama
ngunit ngayo'y bakit tila nawala?
Ang dating saya ay natakpan ng galit.
Galit na may halong pait.
Bawat salita na napakinggan ay napakasakit.
Lahat ng mga mura sayo ay nabanggit.
At ngayo'y di makaramdam ng kahit na anong tuwa.
Tuwang nagsasabi matatapos na.
Tuwang nagsasabi na malapit na.
Malapit nang ang luhang ito ay kumawala.
Malapit nang ang luhang magkaiba ay papatak na.
At dadaloy sa iyong pisnging makasalanan.
Kamay mong ginamit upang ito'y punasan.
At matang nabasa nang dahil sa pagtulo ng luha.
Na di mo mawari kung dahil ba sa lungkot o saya?
O baka naman sa galit o tuwa?
Dahil dama ko ang sakit at ginhawa…
Kaya’t ang damdaming ito'y naguguluhan na.
Ngunit di pipigilan na ang luhang magkaiba…
ay mawalan ng halaga.
Paalam, ngunit sila ay pakakawalan ko na.

Magmistulang Payaso

Nagmistulang Payaso
Ang isang taong tulad ko
Taong nagbabalat-kayo
Tila nag-iba ang aking hubog
At tunay na imahe ay tinatago
Sarili tila ay nag-ibang anyo
Ilong ko'y naging pulang malobo
Ngunit ang ngiti ay tila planado
Sa araw na ito'y handa na ko
na magmistula na namang payaso
at gawing katatawanan ng kahit na sino
Maging sunud sunuran sa publiko
Sa kung ano ang kanilang gusto at luho
Magsinungaling sa aking pagkatao
at lokohin ang nagdurugong puso
takot mahusgahang maloko
kaya’t nagpinta ng ngiting sarkastiko
yung tipong pilit at ‘di totoo
pasasayahin lahat ng nasa paligid ko
gamit ang mga korni kong biro
na para bang walang kinukubling lungkot dito
na para bang manhid na ang diwa’t puso
at bingi na sa bawat kuro-kuro
teka, baka kala niyo ako na nama'y nagbibiro
tao rin ako na tinuturing lang na bobo
nakakaramdam pa rin ng sakit sa bawat duro
ngunit walang nakakapansin sa lahat ng ito
kaya’t pinili kong magmistulang payaso
“Taong nagbabalat-kayo”
na ang baluktot na ngiti ng pagkalungkot
ay hinulma pangiwi upang magmistulang 'di biro
“Taong nag-iba ang hubog”
na sa lantutay na katawang taglay ko
ay pinilit maging masiyahin sa kabila ng suliraning halo-halo
“At tunay na imahe ay tinatago”
kinubli ang mga galit at lungkot na nakabalot
at nagpakain sa tuwa at galak na para bang isa itong biro
“Sarili tila ay nag-ibang anyo”
Di makilala ang sarili ngayon at noon
Ngayong mapagkunwari at noong nagugulo
“Ilong ko'y naging pulang malobo”
saysay ng isang pagiging sinungaling sa kung ano
ang dapat tuwirang tunay at gawing saklolo
“ Ngunit ang ngiti ay tila planado”
Dahil 'di totoo ang ilan sa nag aalala sayo
Ang iba'y natutuwa pa sa iyong pagkalugmok
Kaya’t sa araw na ito'y handa na 'ko
Handa na kong talikuran ang kung sino ako
at ngayon ay piniling muling…
Magmistulang Payaso. :)