coolpilipinas

youtube

Ito Ang totoong handog ng Pilipino sa mundo.

Kung hindi mo man maintindihan sa eskwela ang sinasabi nilang People Power o EDSA Revolution. Kung masyado kang nakatutok sa Myx at puro k pop ang Top 10. Kung badtrip ka na sa mga nangyayari sa Pilipinas. Itong ganitong pangyayari ang NAGPAPASARAP SA PAGIGING PILIPINO. 

PANUORIN MO NAMAN NG HINDI SAYANG ANG KURYENTE

” ILANG BESES NANG NAGKAISA ANG MGA PILIPINO. PERO KUNG KAYA LANG SANA NATING MAGKAISA ULIT…. YUNG MAHIGIT SA ISANG GABI O ILANG ARAW…. YUNG MAGTATAGAL AT MAGPAPATULOY KAHIT WALA NG TAO SA KALYE…. YUNG KAHIT WALA NG ILAW, CAMERA, MEGAPHONE, AT MGA RIBBON SA PUNO. YUNG HINDI NA TAYO MAGPAPATALSIK NG PINUNO… YUNG BUMUBUO NA TAYO NG MAUNLAD NA LIPUNAN NA BINUBUKLOD NG KULTURA, NG PAGKAKAISA, AT PAGBABAGO…. ARAW-ARAW….. TAHIMIK…. PATULOy….. SANA…. KUNG KAYA NATIN…..

-BOB ONG/ BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO

Doble Kayod (Boses lang ang Puhunan)

Siya si Gardo, 31 anyos. Maaga pa lang tumatambay na siya sa pilahan ng dyip sa bandang Quiapo. Nagtatrabaho siya bilang isang “barker”-hindi yung tumatahol ha? taga-tawag ng pasahero. Walang requirements na kelangan para sa ganitong trabaho. Hindi kailangan ng NSO, SSS, Philhealth, Pag-ibig at kung ano-ano pang papeles na pipila ka ng pagkahaba-haba para makakuha. Ito simple lang. Boses lang ang puhunan. Maghapon niyang pwinepwersa ang boses sa pagsigaw ng “PASIIIIIIGGGGGGG (Quiapo-Pasig ang biyahe) O maluwag pa maluwag pa(mag-aamoy singit ka)”. “Lima pa, lima pa ang para makaalis na ( kahit may sabit na ganun pa din ang tawag). Matagal-tagal na din niyang pinasok ang trabahong ito. Sabi ng ibang drayber pampasikip lang daw sila. Sasakay din naman ang mga pasahero kahit wala sila. Sabi naman niya. “pakyu ka, kung ayaw mo wag. Ayaw mo nun may taga sigaw ka nga, mapili ka pa”. Minsan hindi sila nabibigyan sa kakasigaw nila. Minsan naman dalawang piso lang ang katumbas ng sigaw nila , kulang pa pambili ng pampadulas ng lalamunan. Pero iba si Gardo, hindi siya namamaos. Sabi niya kasi sa ibang barker dito, siya kasi half day lang kaya napapahinga ang boses niya, eh yung iba buong araw kung magsisigaw. May trabaho pa kasi siya sa gabi. Sa halagang barya-barya ay nakaka wan-fifty naman siya buong maghapon. Kulang para sa anim niyang anak at asawa.

Pagsapit ng hapon uuwi na siya ng bahay. Magbibihhis at pupunta sa pilahan ng taxi sa may Roxas Boulevard. Tatambay doon hanggang alas-otso. Magtutunaw ng oras habang naguubos ng sigarilyo. Magtratrabaho na ulit siya. Boses pa rin ang puhunan, pero hindi na niya kelangan sumigaw at mapatidan ng litid. Lalapit lang ang taxi sa pwesto niya, bubuksan ang bintana ng pasehero, siya naman ang lalapit at bubulong ng “Sir, babae? ilang taon? ayun o pilim lang kayo. Turo niyo lang”. “Ayun ang gusto ko yung may katabing bata”.

“Mahal yun sir, bago pa lang eh.”

“Sige, eto isang libo. Sayo na sukli”.

Sumakay na ang babaeng natipuhan noong customer. Lumapit si Gardo sa batang katabi noong babae.

“Anak, umuwi ka na. Samahan mo na lang nanay mo. Uuwi din si ate mo, mamasyal lang sila noong mama”.

Hinahatid niya ng tanaw ang anak at kinakausap ang sarili “wala eh, ganun talaga. Kelangan kumayod para mabuhay tayo”.

KARAOKE

Isang bagay na may magic . Pag nahawakan na ang mic ayaw nang bumitaw , handang ubusin ang buong song book , madalas mong kantahin ang my way na sanhi ng maraming patayan sa ibat ibang lugar. Isa sa mga paborito ng mga pinoy , sa birthday , sa kasalan , sa inuman , sa bar , sa swimming pool-an . At kung saan saan pa

I RAISED MY MIDDLE FINGER


This speech was delivered by Marco Amata - a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

—–

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN’T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

Wasak na mga Signs

Inspirasyon mula kay SIr Lourd de Veyra.

Ayos. Sa araw-araw na pakikipagdaupang palad mo sa maitim na usok, traffic, baha, at kunsumisyon. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran mo sa lansangan, siguro may mga “Wasak na Signs” ang hindi na nakakaligtas sa iyong maiinit na mata. Pero nakakatuwang isipin kung ano kaya ang mga saltik na kwento ang nakatago sa likod ng mga signs na iyon at ipinanganak sila sa mundong ito para patawanin at bulabugin ang ating konsensya. Game?

Game…

“Bawal Umihi Dito….. Pag walang nakatingin”

Hindi ko alam kung saang pader nakadikit yan. Pero halatang nanrereverse psychology yung nagdikit. Siguro dati ang nakalagay lang diyan “bawal umihi dito”. Pero marami pa ring umiihing sintigas ng tingga ang ulo kahit na sa likod nila ay dumadaan ang mga kababaihang wala pang alam sa instrumento ng pagpapadami ng lahi. Kaya siguro naisip nung may-ari na “ ah ganun pala ah? makakapal ang tinga nyong lahat”. Dinagdag niya yung “pag walang nakatingin”. Kaya siguro simula nun ang mga umiihi diyan ay laging may kasamang bantay o kahit sinong kapamilya o kaibigan at panunuorin siyang umihi hanggang sa matapos siya.

“Hatak mo, Stop ko. Bayad muna bago magtext o matulog”

“Hatak mo Stop ko” pangkaraniwan lang yan sa dyip para hindi ka mamaos sa pagsigaw ng “paraaaaaaaa”. Pero yung “Bayad muna bago magtext o bago matulog” ay halatang patama ni manong driver sa mga pasaherong handang magpatay malisya para malibre sa pasada. Siguro dati may pasahero siyang natulog sa likod ng driver’s seat at tulo laway pa. tapos hindi nagbayad. Siguro ayos lang kay manong yung isang beses na hindi pagbabayad at nabadtrip lang siya dun sa tumulo at natuyong laway. Doon naman sa text baka may pasaherong busy at hindi nagbayad at excuse niya “madami pa kong textm8 eh.. Ajejejejeje”.

“Bawal magdate dito/ No standby allowed here”

Halamanan yung nasa likod ng sign, siguro dati dito nagpipiknik at nagpapalitan ng matatalinghagang linyang pag-ibig ang mga magkakarelasyon. Siguro dati bukod sa mga nagdedeyt may mga bosero at nagyoyosi pa at tinatapon lang sa paligid yung mga kalat nila. Isang araw siguro nabadtrip na yung nagmemeynteyn nung halamanan, kaya naglagay na siya ng sign. Para hindi na muling maistorbo ang paraiso ng mga lamang lupa.

“Drive slow and see our city. Drive fast and see our jail”.

Hanga ako dito sa sign na ito. Bukod sa pag popromote ng kagandahan ng lugar nila, Sinasabi din nito kung gaano kaganda ang kulungan nila. Siguro dati may mga sasakyan na pag-aari ng piloto at parang nakikipag karera kay road runner. Eh nahuli sila ng lokal na gobyerno. Siguro naisip nila na sayang naman kung hindi makikita ng mga tao ang kagandahang pinagyayabang ng lugar nila kaya dapat maglabas ng ganitong sign.

“No Trespassing. Violators will be shot. Survivors will be shot again”.

Ito medyo hardcore na talaga. Wasak na wasak. Wala ng gustong mag-trespass o kahit dumaan siguro kasi baka akalain na trespass na yun. Dati baka “violators will be shot” lang? At yun nga may binaril na nagtrespass, daplis lang sa braso. Eh nabuhay pa, nakatakbo at PUMAKYU dun sa bumaril sa kanya. Sa isip siguro nung bumaril sa susunod wala na akong bubuhayin. kaya nagawa ang wasak na sign na ito. Pero maraming gamit ang sign na yan tanggalin mo lang yung “No Trespassing” at ipalit ang ayaw mong labagin. Halimbawa sa computer shop. “ No Standby. Violators will be shot. Survivor will be shot again”.

“ Bawal ang batang walang panti”

Siguro madalas puntahan ang lugar na ito ng mga bata. Baka playground nila. Minsan may naglarong bata na nakalimutang magsuot ng panti dahil sabik sa pagbibilad sa araw. Noong araw ding yun may mamang manyak na naligaw sa palaruan. Noong mapansin niya yung bata agad siyang naglaway pero baka bago niya nagawa ang balak nakuyog na siya ng mga bantay o kasama noong mga bata. Kaya mula noon naglagay na nang ganoong sign. Para mabawasan ang mga pedophile. 

“Walang Premyo sa Dulo. Wag Mag-unahan”

Siguro dati maraming sasakyan ang madalas gawing racing field ang makitid na daan na ito. Akala siguro nila may prizes at libreng spa kung sino yung mauuna ( mauuna sa dulo at mauunang mamatay). Siguro nasaksihan nung concern citizen ang mga pangyayari at naisip niya na wala namang contest ah? wala namang magbibigay ng medalya o tropeo? bakit sila nagpapakamatay? kaya ayun sa pagmamagandang loob ginawa niya ang sign. WASAK.

Gusto mo bang maging WRITER ?

 A message from author Bob Ong to the participants of Inkling, delivered on July 30, 2011 by Pats Alcantara:

Kamusta mga mag-aaral!

Ako si BOB ONG isang MANUNULAT, at inimbitahan ako sa paligsahan niyo ngayon. Para magbigay ng inspirasyon sa tatalakayin niyong paksa. Pero kailangan niyo pa ba ng inspirasyon? sana hindi, dahil wala akong maibibigay. Bilang manunulat, maraming kabataan ang nagtatanong sa akin: “Sir paano ba magsulat ng libro?” isa ito sa mga tanong na paborito kong hindi sinasagot. Dahil alam ko na ang batang may kinabukasan sa pagsusulat ay hindi nanghihingi ng sagot. Kundi naghahanap ng sagot. At bago nila umpisahan ang paghahanap, sinisiguro muna nilang tama ang inaalagaan nilang tanong. Salungat sa inaakala ng marami, hindi ko hangarin ang maipagbukas ng pinto ang mga kabataang tulad niyoDahil ang hinihingi ng mundo, ang kailangan ng bansa natin, ay mga mamamayang marunong sumipa sa mga saradong pinto. Mga mamamayang may paggalang sa tradisyon, pero gumigiba ng bulok na sistema. Lipunang matapang at handa sapagbabago, pero may takot sa DIYOS. Bayang rebolusyonaryo, pero maingat, mapagmahal sa kapayapaan, at matalinoIsang bagong henerasyon na handang bumalik sa pagtatanim, at hindi patuloy na hihiga at nganganga na lang sa ilalim ng puno ng bayabas sa farmville.

Ang totoo, sa tingin ko ay huli na ang lahat para sa inyo. Kung nandito kayo ngayon at kailangan niyo pa ng ibang tao na maghihimay ng paksa para sa inyo. Ang totoo, sa tingin ko ay mas makakabuti pang umuwi na lang kayo ngayon dahil wala naman kayong mapapala dito. Magkano ba ang premyo? meron ba? ano ang makukuha niyo pagkatapos? uunlad ba ang Pilipinas? Magbabago na ba ang mga Pilipino? Bubuti ba ang mundo? magiging manunulat na ba kayo? Kung ako sa inyo, aatras na lang ako.

Malamang nung papunta kayo dito kaninang umaga, may mga nadaanan kayong kalalakihang tambay sa kanto, wala silang balak maghanap ng trabaho, at malamang hindi rin naman sila makakakita. Nakatira sila sa isang barangay na may mga pasugalangpag-aari ng kapitan nito, na alaga at protektado ng mga suhulang pulis. Malamang nakakita rin kayo ng mga rugby boys sa bangketa, na sa halip nasa paaralan at pinag-aaral ng mga magulang ay pakalat-kalat lang sa kalye habang nagdo-droga at namemerwisyo ng mga sidewalk vendor. Malamang nasaksihan niyo ito kanina, pati na ang mga abusadong motorista, mgamalalaswang billboards, smoke-velching na mga sasakayan, sira-sirang kalye, tubig-baha, nagkalat na squatter, mga negosyong walang permit,mga gusaling labag sa building code, mga ilegal na koneksyon ng cable TV, tubig, at kuryente, at maraming marami pang iba. Malamang ito ang sumalubong sa umaga ninyo kanina. Sa siyudad ng mga mayor na pabalik balik sa pwesto, at wala namang ginagawang makabuluhang proyekto opinagsusumikapang pagbabago. Ang mga taong nakita ninyo kanina, ang mga tsismosa, tambay, at lasenggero, pariwarang na mga k barangay captain, abusadong pulis, solvent boys, illegal vendors, walang pakundangang mga motorista, mapagsamantalang mga negosyante,corrupt public officials, mga inutil na ahensya ng pamahalaan, tamad na kabataan, manhid kababayan, at matagal ng natutulog na lipunan. Lahat sila walang PAKIALAM sa isusulat niyo. WALA. Hindi nila yan babasahin, hindi nila kayo paniniwalaan, wala sa kanilang magbabago. Titingin lang silang lahat sa saradong pinto at maghihintay na pagbuksan ng kung sinuman ang may gusto.Bat pa nga kayo magsusulat?bakit… nga ba… kayo… magsusulat? at para saan pa? Mga batang manunulat, may isang taong humarap din sa ganyang tanong. Higit isandaang taon na ang nakakaraan. Kinikilala natin siya ngayon bilang pambansang bayani. Paano man niya nalaman sa puso niya ang mga sagot sa kabila nagugutom, sakit, lungkot, takot, poot at mga pangamba hangad kong mahanap niyo rin ito sa inyo.

Tao ang gumagawa ng kultura at hindi kabaligtaran. Ang problemang tinatawag nating “sila” ay siya ring solusyon kung matutunan lang natin itong kilalanin sa tawag na “ako”. Hindi lahat ng aspeto ng isang kultura ay kapakipakinabang, ngunit hanggang bahagi ito ng pagtanggap ng hamon, pag-ako ng responsibilidad, at pagiging bukas sa mga repormang moral, sa kabila ng anumang balakid, muli at muli nitong maitatama ang sarili niya. Ang kultura, tulad ng tao, ay maaring magbago. Hindi man lahat ng sagot ay maaring hingin, maari naman itong hanapin. Hindi lahat ng saradong pinto ay maaring buksan, dahil ang iba ay maaring sirain. Pero bago manira, muli’t-muli niyo munang subukan ang susi na nasa inyong kamay. Angpagsusulat hindi tungkol sa paghingi ng inspirasyon, kundi sa pagbibigay nito. Magsulat kayo ng parang ang lahat ay magbabasa, lahat ay maniniwala, at lahat ay magbabago. Dahil ito ang diwa at kapangyarihan ng pagsusulat. Magandang araw sa inyong lahat. God Bless.

( Ang mensaheng ito ay binigyang buhay ni Ginoong Pats Alcantara sa isang paligsahan sa “INKLING”. Sinadya kong isulat ito ng mabasa mo. Pero kung gusto mong mapanuod ang video sa aktwal na pagbabasa ni G.Alcantara ay pindutin mo ito. - >Inkling: Bob Ong’s Message)

PALIMOS.................

“Putang ina mo! Mabangga ka sana!”. Sigaw ng aleng karga ang kanyang anak habang bumababa ng dyip. Sabay sakay ko at sabay padyak naman ng driver na animo'y hinahabol ng demonyo sa sobrang bilis magpatakbo. Mabilis akong yumuko at pinunasan ng nangingitim na basahan ang paa ng mga pasahero. Kahit nakatsinelas yung iba, dadampian ko pa rin ng basahan. Kahit yung iba puti yung sapatos, dudumihan ko pa rin. Kailangan bayaran nila ang serbisyo ko sa paggawa ng wala. Uy! swerte ko, nandito na naman si kuyang tayu-tayu yung buhok, iniisa isa kaya niya yan? Lagi niya akong binibigyan ng piso eh. Sobra naman silang makakapit sa bakal, mabilis pa rin bang magpatakbo yung piloto? bakit pakiramdam ko mabagal? Siguro umeepekto na ang inalmusal kong kemikal na nasa supot. “boy, oh”. Salamat at binigyan din ako ng tatlong pasaherong naawa sakin. Anim na piso rin ‘to. Si kuyang tayu-tayu ang buhok inaabutan ako ng tinapay, sabog ba 'to? kinuha ko na rin. Bigla kong narinig ang sigaw ng driver, “hoy! Bumaba kana ambaho mooo, sabog ka no? Amoy rugby ka!”. Bababa na nga ako hindi dahil sa utos ng hari. Bababa ako dahil mukhang wala ng magbibigay ng limos. Teka nga ? ininsulto ang kaluluwa ko ah? “Putang ina mo! Mabangga sana kayo”. Sabay baba ko sa dyip. Habang palayo ito sa akin ay sinaluduhan ko pa ito ng gitnang daliri ko.

Dito na lang ako tatambay sa ilalim ng hagdan, maya-maya lang maraming nurse students ang aakyat dito, hehe langit na naman. Ha? may rally na naman? Sasabay na naman ang ingay nila sa mga sasakyan. Nakakatawa sila, lagi silang nagpoprotesta, lagi naman silang pinagsasarhan ng gate at hinaharangan ng mga nakakasugat na tinik-tinik na bakal. Hindi man lang sila makalapit sa Malakanyang, nasaan ang demokrasya niyan?

Hayyy…. Kailangan makarami ako ngayon, kailangan masustentuhan ko ang bisyo ko. Kailangan makabili ako kahit maliit na bote ng rugby. Para hindi ako nakakaramdam ng gutom at sakit. Haha, I am superman pag may supply ng kemikal sa utak ko. Ayoko ng makisosyo sa mga tropa ko sa ruby, tenbits lagi eh.

Disisyete anyos na ako, first year high school lang ang natapos ko. Mahirap mag-aral 'pag walang laman ang sikmura. Walang trabaho si nanay, ginagapang lang niya ang pag-aaral ko sa pamamasura. Lagi pa akong binubog-bog ni tatay, mamalimos na lang daw ako para may pang-inom siya. Tumakas na lang ako sa amin, kaysa siya ang umubos ng paghihirapan ko, ako na lang! Bumabagal na naman ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko maramdaman ang init ng araw na tumatama sa balat kong puro tatoo. Makapagpa-tatoo nga ulit mamaya pag tapos kong suminghot, para mas maangas.Gayahin ko kaya istilo ng mga kapwa ko pulubi? Nagtatambol, nagsasayaw, kumakanta ng “nasaan ka na ba mahal ko?”. kaso wala akong talent na ganun eh. Pagpapaawa na lang talaga, pangungusap lang talaga sa mata ko na kailangan ko ng tulong kahit na masakit kami sa mata. Mangholdap na lang din kaya ako? Bigtime yung mga kaibigan kong holdaper laging busog, mas malaki pa ang kita. Hindi naman ako maaabutan ng mga pulis, runner ako eh. Ilang oras na ba akong tulala? nagugutom na ako eh? may binigay pala sa aking tinapay. First time siyang nagbigay ng pagkain ah? naisip kaya niya na isa siya sa mga sumusuporta sa bisyo ko sa pagbibigay niya ng piso? lagot pag naisip niya yun? Nakakainggit naman sila kuya, masasarap yung pagkain nila, ako lagi na lang puro galing sa basura at tira-tira na lang. Kailan kaya may tutulong sa mga gaya ko? mukhang normal na lang naman sa mga tao at gobyerno ang kagaya naming mahihirap eh? matutupad pa kaya yung pangarap kong maging teacher? mukhang hindi na? wala na akong makitang pag-asa, wala naman nagbabago bukod sa pagtaas ng mga presyo. Lalo lang lumalala ang anggulo. Basta kahit ganito, mabubuhay pa rin ako. Kung may mababago sa bansa at mga kagaya ko, Swerte. Luha ba tong pumapatak sa pisngi ko? luha nga, kala ko ambon eh? Ilang beses na ba akong lumuha at pinunasan ito gamit ang basahang hawak ko ngayon? hindi ko na alam? Tangina this naman…

Kailangan ko na ulit mamalimos. 'Pag may humintong dyip, sasakay kaagad ako. Ito na pala eh. “Hoy! bumaba ka, hahampasin kita ng dos por dos” banta sakin ng driver pagtapak ko sa dyip niya. Sa hilatsa ng mukha niya, hindi siya nagbibiro. Bumaba na lang ako sabay sigaw ng “PUTANG INA MO, MABANGGA KA SANA”.

Hanging Coffin in SAGADA

Kung mayroong “Hanging Gardens of Babylon”. Ang sariling atin naman ay ang “Hanging Coffin in Sagada”. Kung bakit sinasabit at hindi inililibing sa lupa ang mga yumao ng mga taga-sagada ay dahil sa lumang paniniwala ng mga katutubo na ang kanilang mga ninuno kapag namatay na ay dapat makasama ng mga elemento at mineral ng kabundukan. Isa na ito sa mga sikat na tourist spot sa Sagada.

Iniisip ko lang, sa susunod pang mga henerasyon ay baka ganito na din ang gawin natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Para tipid, para hindi nakikisiksik sa mga patong-patong na squatter na nitso kung tawagin, at ang pinaka cool nito ay kung sa mga poste ng meralco sa harap ng bahay niyo lang isasabit, para kung araw ng mga patay walking distance na lang at hindi mo na kelangan pang mapagod sa mga aktibidades.

COOL o hindi COOL?

Puno ng PANGARAP

Ang mababasa mo ngayon ay kwento sa amin ng prof ko sa logic na kwinento ng klasmeyt ko sa klase. Maaring nabasa mo na rin o narinig na kwento na din sa iba. Kung naguguluhan ka basahin mo na lang. Kung may maapakan kang tekla(tae) maghugas kaagad ng paa with safeguard. Pero kung may mapulot ka mang aral sa mababasa mo ikaw na ang bahala kung itatago mo sa bulsa o hahayaan mong mapulot din ng iba. GAME……

Tatlong puno ang nagkwekwentuhan tungkol sa mga pangarap nila kapag sinibak na sila.

Puno1: Mga tol, bukod kay Sora Aoi sino pang paborito niyong (oooopppppsssssssss…… ilusyon ko lang yan. Ito na talaga).

Puno1: Gusto ko kapag pinutol ako. Gawin akong isang malaking kahon. Gusto ko lahat ng mga mamahaling bato, alahas, kayamanan sakin ilalagay.

Puno2: Ako gusto ko gawin akong malaking barko. Gusto ko lahat ng makakapangyarihang tao sa akin sasakay. Mga hari, reyna, prinsipe, prinsesa.

Puno3: Ako ayokong maputol. Gusto ko lumaki pa ako at tumaas ng tumaas para lagi akong titingalain ng mga tao.

At dumating na ang mga sumisipol na 7 dwarfs.. ( minero nga pala sila)(dagdag ko na lang ito) . Bale dumating na ang mga mangagahoy at isa-isang sinibak ang barkadan ng mga puno.

Ang unang puno matapos putulin ay ginawa lang isang munting kahon at inilagay lang sa isang kulungan ng hayop. Ang pangalawang puno naman imbes na malaking barko ay ginawang hindi kalakihang bangka. At ang ikatlong puno, hinati lang sa dalawa at iniwan sa bodega. Nalungkot ang mga puno dahil hindi natupad ang mga kahilingan nila.

Isang gabi, may mag-asawang naghahanap ng matutuluyan. Buntis ang babae at maaari itong manganak anumang oras. Sa kasawiang-palad walang nagpatuloy sa kanila. Nagpunta na lang sila sa isang sabsaban at doon nanganak ang babae. Ang sanggol ay iniligay sa punong ginawang kahon. Ang pangarap ng puno ay malagyan ng mahahalagang kayamanan. Ang hindi niya alam ang sanggol ay si hesukristo ang pinakamahalagang yaman sa mundo.

Ang pangalawang puno ay naging pag-aari ng isang mangingisda. May anak siyang lalaki. Nang magbinata ang lalaki, ginamit na niya ang bangka. Sumakay siya dito at ang kanyang mga apostoles. Ang pangarap ng punong ito ay sakyan siya ng makapangyarihang tao. Ang hindi niya alam. Ang sumakay sa kanya ay si Hesukristo. Ang hari ng lahat ng hari.

May lalaking inakusahan ng pagkakasala. Nang madesisyunan na ng pinuno ng mga tao ang kasalanan ng nasasakdal. Tinanong niya ang mga tao. “Anong parusa ang gusto niyo?”. Sumigaw ang mga tao ng “IPAKO SIYA SA KRUS”. Kinuha ang pangatlong puno sa bodega at dito ipinako si Hesukristo. Ang pangarap ng puno ay tumaas ng tumaas para tingalain siya ng mga tao. Hindi niya alam na habang buhay siyang tinitingala hanggang sa kasalukuyan.

Tungkol iyan sa mga pangarap mo sa buhay at kung paano ito nagkakaroon ng mukha at direksyon. Kung ano man ang naintindihan mo sa kwento ikaw na ang bahala kung paano mo tutunawin sa mga bituka mo.

Siyensya.....

PALIKPIK- Sheena Ramos

KULISAP- ?

UGAT-PUNO - Roobak Valle

AGATOM - Brenan Espartinez

ANATOM -Christine Bersola

BOK - Icko Gonzales 

Theme song

Bawat bata may tanong
ba’t ganito? ba’t ganon?
hayaang buksan ang isipan
sa science o agham!

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
buksan na ang pag-iisip
tayo'y likas na scientist

kaya’t habang maaga
mag aral ng siyensya
sa teknolohiya ang buhay ay gaganda

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
buksan na ang pag-iisip
tayo'y likas na scientist

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
kinabukasan ng ating bayan
siguradong makakamtan

Sa sineskwela tiklasin natin ang syensya
daigdig ay sasaya salamat sa siyensya…

Matapos ang pagbibigay ng kaalaman sa loob ng maraming taon. Matapos ang matagal nilang pananatili sa ating mga isipan. Matapos ang pagkanta ng paulit-ulit sa opening theme. Matapos ang marami, maraming rebolusyon sa aking utak. Ito na sila ngayon. Mga hindi na nakasuot ng mga costume pero nagpatuloy sa buhay.

BOK/ ICKO GONZALES

AGATOM/BRENAN ESPARTINEZ

ANATOM/CHRISTINE BERSOLA

UGAT-PUNO/ROOBAK VALLE

SHEENA RAMOS/PALIKPIK

Hindi ko makita si kulisap pasensya na.

SENYSA… SENSYA… TAYO'Y MAG-IMBESTIGA 

TUKLASIN ANG HIWAGA GAMIT ANG SENSYA.

Wasak na mga Signs

balbaspusa reblogged balbaspusa

Inspirasyon mula kay SIr Lourd de Veyra.

Ayos. Sa araw-araw na pakikipagdaupang palad mo sa maitim na usok, traffic, baha, at kunsumisyon. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran mo sa lansangan, siguro may mga “Wasak na Signs” ang hindi na nakakaligtas sa iyong maiinit na mata. Pero nakakatuwang isipin kung ano kaya ang mga saltik na kwento ang nakatago sa likod ng mga signs na iyon at ipinanganak sila sa mundong ito para patawanin at bulabugin ang ating konsensya. Game?

Game…

“Bawal Umihi Dito….. Pag walang nakatingin”

Hindi ko alam kung saang pader nakadikit yan. Pero halatang nanrereverse psychology yung nagdikit. Siguro dati ang nakalagay lang diyan “bawal umihi dito”. Pero marami pa ring umiihing sintigas ng tingga ang ulo kahit na sa likod nila ay dumadaan ang mga kababaihang wala pang alam sa instrumento ng pagpapadami ng lahi. Kaya siguro naisip nung may-ari na ” ah ganun pala ah? makakapal ang tinga nyong lahat”. Dinagdag niya yung “pag walang nakatingin”. Kaya siguro simula nun ang mga umiihi diyan ay laging may kasamang bantay o kahit sinong kapamilya o kaibigan at panunuorin siyang umihi hanggang sa matapos siya.

“Hatak mo, Stop ko. Bayad muna bago magtext o matulog”

“Hatak mo Stop ko” pangkaraniwan lang yan sa dyip para hindi ka mamaos sa pagsigaw ng “paraaaaaaaa”. Pero yung “Bayad muna bago magtext o bago matulog” ay halatang patama ni manong driver sa mga pasaherong handang magpatay malisya para malibre sa pasada. Siguro dati may pasahero siyang natulog sa likod ng driver’s seat at tulo laway pa. tapos hindi nagbayad. Siguro ayos lang kay manong yung isang beses na hindi pagbabayad at nabadtrip lang siya dun sa tumulo at natuyong laway. Doon naman sa text baka may pasaherong busy at hindi nagbayad at excuse niya “madami pa kong textm8 eh.. Ajejejejeje”.

“Bawal magdate dito/ No standby allowed here”

Halamanan yung nasa likod ng sign, siguro dati dito nagpipiknik at nagpapalitan ng matatalinghagang linyang pag-ibig ang mga magkakarelasyon. Siguro dati bukod sa mga nagdedeyt may mga bosero at nagyoyosi pa at tinatapon lang sa paligid yung mga kalat nila. Isang araw siguro nabadtrip na yung nagmemeynteyn nung halamanan, kaya naglagay na siya ng sign. Para hindi na muling maistorbo ang paraiso ng mga lamang lupa.

“Drive slow and see our city. Drive fast and see our jail”.

Hanga ako dito sa sign na ito. Bukod sa pag popromote ng kagandahan ng lugar nila, Sinasabi din nito kung gaano kaganda ang kulungan nila. Siguro dati may mga sasakyan na pag-aari ng piloto at parang nakikipag karera kay road runner. Eh nahuli sila ng lokal na gobyerno. Siguro naisip nila na sayang naman kung hindi makikita ng mga tao ang kagandahang pinagyayabang ng lugar nila kaya dapat maglabas ng ganitong sign.

“No Trespassing. Violators will be shot. Survivors will be shot again”.

Ito medyo hardcore na talaga. Wasak na wasak. Wala ng gustong mag-trespass o kahit dumaan siguro kasi baka akalain na trespass na yun. Dati baka “violators will be shot” lang? At yun nga may binaril na nagtrespass, daplis lang sa braso. Eh nabuhay pa, nakatakbo at PUMAKYU dun sa bumaril sa kanya. Sa isip siguro nung bumaril sa susunod wala na akong bubuhayin. kaya nagawa ang wasak na sign na ito. Pero maraming gamit ang sign na yan tanggalin mo lang yung “No Trespassing” at ipalit ang ayaw mong labagin. Halimbawa sa computer shop. ” No Standby. Violators will be shot. Survivor will be shot again”.

” Bawal ang batang walang panti”

Siguro madalas puntahan ang lugar na ito ng mga bata. Baka playground nila. Minsan may naglarong bata na nakalimutang magsuot ng panti dahil sabik sa pagbibilad sa araw. Noong araw ding yun may mamang manyak na naligaw sa palaruan. Noong mapansin niya yung bata agad siyang naglaway pero baka bago niya nagawa ang balak nakuyog na siya ng mga bantay o kasama noong mga bata. Kaya mula noon naglagay na nang ganoong sign. Para mabawasan ang mga pedophile. 

“Walang Premyo sa Dulo. Wag Mag-unahan”

Siguro dati maraming sasakyan ang madalas gawing racing field ang makitid na daan na ito. Akala siguro nila may prizes at libreng spa kung sino yung mauuna ( mauuna sa dulo at mauunang mamatay). Siguro nasaksihan nung concern citizen ang mga pangyayari at naisip niya na wala namang contest ah? wala namang magbibigay ng medalya o tropeo? bakit sila nagpapakamatay? kaya ayun sa pagmamagandang loob ginawa niya ang sign. WASAK.