cool-pilipinas

Nang magising ako isang umaga(PAALAM PANSAMANTALA)

Matapos ang isang taon at kalahati. Matapos magkaroon ng 320 na nagkamaling pindutin ang follow button ng blog na ito(mga bagay na hind mo pansin) at matapos magkaroon ng 495 na followers ang coolpilipinas ( hindi man lang umabot ng 500, sayang). At matapos makaranas ng pagtaas at pagbaba ng bilang mga taong nagbabasa. Nagpapasalamat po ako sa inyo. Matapos masalin ang kati at kidlat ng utak sa maliit na espasyo na ito ng computer aaminin kong nalibang naman ako kahit papaano at nahilig ng husto sa panitikan at naging matalino kahit konti sa mga bagay bagay. Salamat sa lahat ng mga taong nakabasa, nakakwentuhan at naging kaibigan ko dito. Ako po ay nagpapaalam na. Hindi ko po alam kung kailan ulit ako babalik. Siguro kung hindi man sinasadya na mabasa niyo o mapadpad kayo sa blog na ito. Ito ang produkto ng ilang bagay, mga pangyayari na gusto kong makaabot sa inyo at hindi kayo maging hiyang sa pagtunganga at paghihikab. Iiwan ko po itong bukas. Kumain na ang lahat ng gutom, uminom na ng tubig ang lahat ng gusto makinom, maligo at magtutbrush at kung ano-ano pang gusto niyong gawin. SALAMAT sa inyong lahat.

I LOVE YOU ALL.

Gusto ko happy ka =)

-Balbaspusa

youtube

“Gaano ba tayo kaseryoso sa pag-aalaga sa kalikasan? mukhang seryoso naman eh, kasi Pilipinas raw ang may pinakamalaking partisipasyon sa EARTH HOUR. 15 million na pinoy in 647 cities. SERYOSO NAMAN PALA EH?

Kaya pala patuloy pa rin pinapayagan ang mga kakarag-karag na bus at dyip na magbuga ng usok sa EDSA.

kaya pala, kahit ang pinakatiting na bibilhin mo sa palengke man o sa department store eh nilalagay pa din sa supot. 

Kaya pala hindi natin tinututukan ang research ng development ng mga sasakyang de kuryente. at ang mga alternatibong gaya ng solar and wind power, hydro power o kaya… nucler… power.”

-WORD OF THE LOURD/ LIKAS NA KAUNGASAN