concerned citizen here

MODUS OPERANDI SA BUS (Metro Manila)

AKALA KO AKO LANG!…UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA…PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO…kawawa ka naman….maglalakad ka…(based on my own experience sa isang aircon bus….)

Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)…pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor…tinanong nya ako, “san ka nga uli baba’?.” sumagot ako na…“sa may robinsons galleria lang!”…….“malayo ka pa naman eh…sandali lang”…sabi ng kundoktor.

So, pagdating ng VV Soliven… lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko…hindi kumibo ang kundoktor…(luminga-lingalang) parang deadma ba?….

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)…tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver…hiningi ko ung sukli ko…

eto ang sabi nya sa'kin…“PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,… sabay inabot ko…

sabi ng kundoktor…"Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!…. TARANTADO KA PALA EH… medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya… kaya sumagot ako… na ..TARANTADO KA RIN!!!…KANINA KO PA SINASABI NA …UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO…

dun na kami nagkasagutan….at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na …."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA ‘SAN DAANG PISO eH…TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver…at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya….

eto ang sabi nung driver…. 'ABA..PARE…HINDI KO ALAM YAN…BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO…(sa pagkakataong ito…tatlo na ang nakikipagtalo sa akin… ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver…

Sabi ko sa sarili ko…agrabyado ako pag nakagulo…kaya sinabihan ko ung driver na…baba na ako. ..sabi ko…"BUKSAN MO YUNG PINTO…BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)…SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO…(sa pagkakataong ito, …ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA…pero hindi nya binubuksan ung pinto…hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba…na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila…

So…after one month…nakalimutan ko na ung nangyari….

Keep reading