clydemaverick

TCTMMU

bago ako matulog. magkekwento na muna ako :) oo kahit na may problema ako masaya ako(paulit-ulit lang?)

10am yung meet-up nung una di talaga siya matatawag na meet-up kasi nga tatlo lang kami. haha. kami pa nga nagbukas ng Fat Kid Inside kung saan ang meeting place. yung iba late na dumating, so walo na kami at naisip namin di na siya gathering kundi isang mini meet-up. haha. mini talaga. dun na kami kumain at nagkwentuhan hanggang 1:30 kasi nga yung iba may summer class pero bago kami maghiwa-hiwalay napag-usapan namin na magreresume ang meet-up pagkatapos ng klase nila which is 4:30. haha. mula 1:30-4:30 kasama ko si clyde at miggy. una pumunta kaming NBS at ang daming kalokohan ni clyde dun. hahaha. tapos naisipan namin pumuntang gameworld at dun nagkantahan kami. what? given si clyde ee singer talaga pero kami ni miggy hindi pero tangna si miggy naka 99 sa videoke. HAHA. ang galing talaga. at maiyak nako sa kakatawa sa dahil sa sobrang galing ni miggy kumanta :D


tapos after nun nauhaw kami at naisipang magmcdo dun na din namin hinintay yung ibang kasama namin. mga 2 oras ata kaming natambay dun. haha. diko na namalayan yung oras. tapos pagdating nila hench,jeff,jayson at Hb lumipat lang kami ng kinauupuan pero di na kami nag-order, si hench nalang yung bumili at naghati-hati kami dun sa fries. haha. tapos nahiya na kami kasi ang tagal na din namin dun tapos ang ginagawa lang namin magtawanan at magkwentuhan(kwentuhan ba tawag dun?) haha. umalis na kami at next destination namin eh sa frapp bar umalis nadin si jayson nun kasi may importante pa siyang lakad. dun naman kami nag-ingay. hanggang 7:30 na kami dun at saka namin naisipang umuwi. haha. si Hb nagmotor pauwi tapos kami nagkalesa pauwi. joyride ba :D

masaya lang kasi first ever meet-up yun dito sa tuguegarao. tapos salamat sa pagiging photographer namin hench. haha.

okay tapos na kwento. ang haba na ee. haha. goodnight!