chonelskyu

Akala niyo ba mami-miss ko kayo kapag grumaduate na tayo?

Akala niyo lang yun. Matapos niyo akong laitin ng maliit, malaki ang boobs, mukhang tuta, hindi mukhang mgakaka-boyfriend at kung anu-ano pa,

SUSMIYO MARIMAR, MAMI-MISS KO KAYO NG SOBRA. 

Sa dami ba naman ng ginawa natin. Maaari bang hindi ko kayo ma-miss matapos nating mapa-guidance ng sama-sama. Matapos natin gumawa ng kalokohan ng sobra-sobra. Matapso nating maglokohan, magsapakan, magsabunutan, at magguluhan ng buhok. 

Oh, nasabi ko na na mami-miss ko kayo. Baka naman pagka-graduate natin, hindi niyo na ako maalala. 

Subukan niyo lang kalimutan ako, ipupulupot ko yang intestine niyo sa mga boobs niyo.

Nagsimula ang lahat, sa link na to..

http://ginombag.tumblr.com/post/4669615526

Pagkabasa ko..

Grabe. di ko maexplain yung nagsasalpukang emosyon pagkabasa ko nito.

una, malamang NATAWA.
- natawa sa kwento nya at sa krinap na mukha ko don. putcha ka tlga ginombag!

pangalawa, NATUWA.
- natuwa, dahil kakatunaw naman ang mga deskripsyon, at sa mga chorvang pinagdadadakdak nya dun.

pangatlo, NALUNGKOT.
- nalungkot dahil pinaalala nya na namang magkakahiwa-hiwalay na kami.
Dahil iba na ngayon. Paggising ko palang sa umaga, alam kong hindi na ako High School. At hindi na ako muling makababalik sa mga panahong yon. Mga panahong Kasiyahan lang ang salitang alam ko. Kasiyahang binibigyang kahulugan nila, mga kaibigan ko. Alam kong tuwing magkikita kami, e hindi na kami nagkikita bilang magkakaklase. Nagkikita nalang kami bilang MAGKAKAIBIGAN. :)

hindi naman nga pala porke tapos na ang apat na taon sa high school ay tapos na din ang pagkakaibigan. Gasgas na yan but still that’s true :)

Lessons na pang high schhol lang ang natapos. Spoon feeding na ginagawa ng mga ibang teachers lang ang nagwakas. yun lang at hindi ang pagkakaibgan. And besides, sa pagtungtong ng kolehiyo, mas masusukat ang tunay na pagkakaibigan. And I know na masarap sa pakiramdam yung alam mong andiyan pa din sila kahit na di na kayo araw araw magkasama :)

lol. drama ampotek. bt ba. haha.

sino bang di mapapadrama with these awesome friends?

sabi nila di ka na makakabalik sa oras na gusto mo..

Tama naman yon. HAHA. Sino bang babalik?
Hindi ko naman kelangan bumalik.
‘cos i know na, with them as my friends?

— Kayang Kaya namin gumawa ng bago.

Bagong experiences with a higher level of happiness. wooo.

LOL :)