by: katha

New Chapter | Archie Andrews x Reader ~ RIVERDALE

This is my first Imagine/One Shot after a long time and the first one of Riverdale. I hope you enjoy it!

Requested: Yes, from my friend and babe Katha ♥.

Pairing: Archie Andrews/Reader

Fandom: Riverdale

Warning: None

Wordcount: 330

Imagine your wedding day with Archie:

Originally posted by reinhartslilis

The white lace of her wedding dress covered Y/N’s body. She admired herself in the mirror and couldn’t help but feel stunning. Y/N wasn’t narcissistic, but today she looked gorgeous. No, breathtaking. Nothing bothered her today because it was their day. She has been waiting for this so long. Today she would start her new life with Archie. Her fiancé and soon to be husband. Her bridesmaids Y/F/N, Veronica, and Betty, were waiting for her. Her best friend stepped forward and took Y/N’s hand, “Now or never.”

They went to the entrance of the church, and Y/N took a deep breath. “I hope you don’t get cold feet,” a familiar deep voice told her. Her best friend Jughead smiled gently down at her. Y/N looked up, and her grin widened, “Never.”  Jughead was ineffable happy as Y/N told him that she wanted him to lead her to Archie, on the day of their wedding. The light blinded her for a few seconds as they opened the door. On the other side, she could see Archie. His smile resembled Y/N’s. Once they reached Archie, who stood next to the priest, Jughead kissed her temple. Y/N took Archie’s hand and he led her up a couple of stairs.

This was the beginning of a new chapter.

SEND YOUR REQUESTS HERE

Umaga na naman,
buhay pa rin ako,
nagtataka kung bakit.
Sa bawat pagbangon,
Bawat paghakbang,
Bawat paggalaw,
Bawat kilos,
Bumabalik pa rin ako
kung san ako nagtatangkang
lumayo.
At heto,
heto na naman ako,
Naalala ko na naman,
Naalala ko na namang
minahal ko siya;
Naalala ko na namang
mahal ko pa rin siya.
Maaari bang tumakbo
palayo nang walang
alaalang humahatak sayo
pabalik?
Dahil heto na naman ako,
bumabalik na naman sayo.

25 April 2017
8:52 AM

Mapagtiis

Datapwat ang amihan ay mawawala rin,
Ang madaramang init ay lalapit pa rin.
Ngunit ang pighati ng bawat simoy,
Ay hindi magiging kasing init
Ng iyong pusong sumusuyo.

Panooring bumuhos
Sa malawak na kapatagan
Ang iyak ng isang dakila.
Subalit sa bawat sipsip ng abo,
Ay ang pagtigas ng puso.
Patuloy ka bang iiyak,
Kung sa bawat patak ng luha,
Ay pilit mo siyang ginagawang bato?

Pagkat hindi kalawakan
Na patuloy na lumalawak,
Kundi ang ulirat sa nararamdaman.
Hindi.
Dahil ikaw ang kalawakan,
Na patuloy kong ‘di maunawaan.
Sa bawat paglawak,
Ramdam ng ulirat,
Ika'y unti-unting naglalaho na.

In memory of all those who
have fallen
victim for any
terror attack  world wide
today I will publish only in
black & white, to
show that
we all can stand side, by side
so that we in this way, once
more can bring back all the
bright light. // Lars

Photo made and published
on tumblr by:
@lovealwaysbeautiful

Eroplanong Papel


 Lumilipad na namang aking isipan. Hinahayaan kung sa'n mapadpad nitong sakop ang aking kaya. Mag-isip ng mangyayari sa hinaharap; mga pangarap, plano sa buhay at kung anong gagawin ko at kung ano ako kung magpapatuloy ako sa ginagawa ko–mabuti man at hindi; dalawang mukha ng patutunguhan. Kung magiging isa ba ‘kong mambabatas o mambubutas, isang lingkod ng bayan o isang naglilingkod bayan, manananggol ng mga napagkaitan ng kalayaan o karapatan o manggiit ng karapatan ng iba. Nililipad pa rin ako. Sabay sa hanging paanta-antala gawa mga harang na dumaraan, pagbababa ng ulang sa'king magpapabigat at magkakait ng layang paglipad.

 Magisip ng pangyayaring kasalukuyan; mga gawain at kung anong dapat kong gawin sa mga panahong 'to. Kung ako ba ay mas magpapakabuti o aagos kasabay ng mga eroplanong natamaan na ng ulan at nasa baha palutang-lutang. Kung gagawin ko bang isang salik ang pag-ibig na aking nadarama mula sa dati ko nang inibig. Isang malaking desisyon ang kailangan ko, isang konkreto at mainam na pagpapasya.

 At mag-isip ng kaganapang naganap na; mga nakaraang nagiging dahilan ng muli kong paghina sa paglipad, mga harang na umaantala sa pagpapatuloy ko.

 Naalala ko pa yaring papel na aking ginawa kasama ng isang kaibigan na ang palasak ay magsusulat sa papel magbabato ng kalat sa bay na malapit sa lugar nila o magsusulat sa mga upuan ng bus, pader ng mga palikuran at sa kongkretong tabing sa mga establisyemento. Nagtupi, inayos nang mabuti at pinalipad. Pinalipad sa pinakamataas na lugar na aming nakita, binato nang pagkalakas-lakas, nangako at hinayaan habang  pinanunuod ang mayumi nitong pagliko, pagtama sa ibang gusali at muling nagpatuloy.

 Nagsulat, tinupi at pinalipad. Sinong nagbato? Isa lang rin pala akong eroplanong papel, sinulatan ng hinaharap, tinupi sa tama at naaayon kong anyo, kakayahan, kakanyahan at kaugalian at hinayaang maglakbay. Papel na madaling masira ngunit magaan; papel na nababasa ngunit nakalilipad; papel na may inilaang gamit pero mas marami pa palang gamit. Sinong nagpalipad? Sino? Marahil ang pinaniniwalaan mo ngayon, marahil kung sinuman ngunit hindi ikaw. Hindi ang hangin, hindi.