bwkada

Ito ang kapatid kong si Dale a.k.a Dalemonyo, madaming nakakakilala sakanya bilang isang kwelang tao, bilang isang matapang na blogista at talaga namang kapal muks. Ikaw ba naman mag “cospaint” ng Sailormoon, Zenki, isang chinese na naninigil ng renta at kung ano ano pa, ewan ko na lang kung sino pa may lakas ng loob gawin yun. Sa mga banat niya talaga kayo’y mapapatawa o kaya naman sa kabilang banda ay mapapamura. Sa mga salita niya na talaga namang napakatalim na may hash tagged na “babasahin mo ba ito?” talagang ikaw ay mapapadasal ng mataimtim. Tama na papuri ko sayo, abnormal ka naman kasi talaga…

Kung tutuusin simple lang naman siyang tao, namumuhay ng loko sa Olonggapo. Ang nagpapaespesyal lang talaga sakanya na nakita ko ay kung paano niya hinaharap kung ano man ang mga pinagdadaanan niya sa buhay. Natatandaan ko nung sinimulan ko i-follow yung blog niya napakupal niya lang na talaga namang nag rant pa ako para sakanya, ngayon naiintindihan ko na, malinaw na sakin kung bakit ganun siya. Madalas ko man makita siyang masaya sa Dashboard, matapang, maangas, malakas ang dating pero ako kitang kita ko yung puso na meron siya, ang isang BATA.

Una kong naramdaman yun after na makita ko siyang umiyak sa harap ko noong birthday ni Rhadz, hindi ko alam gagawin ko noon, sobrang nagisip ko at hinanda ko yung sarili ko para malaman at intindihin kung ano ba talaga yung pinagdadaanan niya, sa mga binanggit niya habang akap ko siya sobrang gustong madurog ng puso ko. Hindi ko alam kung paano siya matutulungan, ang tanging maibibigay na lang namin eh ang pagmamahal ng isang kapatid at isang tapat at totoong kaibigan.

Noong E.K Meetup naman noong papauwi na siya eh inakap nya ako at nagpasalamat, nagsorry naman ako kasi hindi ko na naman siya mahahatid. Bumuhos na naman ang luha niya pero yung pagkakataon na yun ay dahil naman sa kagalakan. Natuwa lang ako sakanya, nabatukan ko ata siya at inasar asar na iyakin.

Yan si Dale, ang kapatid kong iyakin. Kung gaano katibay ang paninindigan niya sa mga post niya eh sya namang ikinilambot ng puso niya. Beki pa nga yan eh. IYAKIN. BOW.

P.S

For sure pag nakita niya to iiyak na naman yan. HAHA.

Namimiss ko.

Nung una, di nakasama si Dale.. 

Then nung nabuo ang A4kada, absent si Kuya Dexter..

At nung finally nakumpleto na din kami.. :)

Ang saya talaga sa PAMILYA MALIGAYA.

BWFAMILY!

Kami ang..

Pamilya na di nauubusan ng pagmamahal para sa isa’t isa at laging masaya. 

Magkitakita na tayo please? :)

Kailangan may picture na tayo kasama ni AMANG.

Pagiging matatag, pagmamahal ng bawat isa, tiwala at respeto, ito yung kailangan natin ngayon mga kapatid. Wag tayo mawalan ng pag asa. Malalagpasan natin lahat ito, ayokong nakikita kayo na malungkot isa isa. Kung kaya ko lang mag teleport papunta sa inyo para mag comfort sa inyo at mkapagusap tungkol sa mga nangyayari sa bawat isa sa atin, kahit simpleng kwentuhan lang, kahit puro gaguhan lang. Dama ko naman eh, hindi naman ako manhid na may pinagdadaanan ang bawat isa sa atin, hindi ko lang alam yung mga dapat kong ipayo sa inyo kasi alam kong nasa state pa kayo na malungkot or pakiramdam na down, hinihintay ko lang yung pagkakataon kung kelan yung tamang oras na makapagsalita at dumamay. Ok lang yan mga kapatid, matatapos din ito tapos asahan nating may darating na bago. Nagawa na natin dati eh, susuko pa ba tayo ngayon? Walang masisira, walang bibitiw kasi ang totoo, pagsubok lang ito.