butsi

Andito ako. Andito ako nagiisip at nagiinom. Katawa diba? Sinong asa katinuan ang nagiinom, nagiisip, at nagiinom. Nagiinom ngunit di mapigilang magisip. Sabi nga nila, maginom ka n makalimot. Pero naiwan ako sa pagitan ng paginom, at pagiisip. Naiwan ako sa pagitan ng paginom, at pagisip sayo. Ano nga bang kinapuputok ng aking butsi. E ako itong pumayag. Pumayag na tapusin ito, para lang masabing hahayaan kita saiyong gusto. Pumayag akong, tapusin ang lahat para lang di kana makulitan. Walang powetikong mga salita para mailabas itong aking mga salitang walang punta. Lasing na ko. Lasing na siguro ako. Ngunit kung lasing na ko e bakit kaya'y mga salita ko'y sayo. Sayo. Sayo parin matatapos ang araw. Araw na dapat ay masaya parin tayo. Ngunit pinili mong tapusing ang araw na tong walang tayo. Nasira kita dahil sa aking pagmamalabis. Kaya ngaun paglisan nalang ang akin mainibigay. Idadaan ang mga salita kong kinikimkim. Sa mga salitang aasa sayo. Andito ako. Andito akong taong aasa. Kapag gusto mo pa. Pero andito ako, kahit na ayaw mo pa. Tanga na ika nila. Pero andito ako, kung sakaling ang gusto mo parin ay ako.