busilak

DALISAY NA SAGOT WHEN SOMEONE TELLS YOU, “TUMATABA KA YATA?”

Medyo tanggap mo naman sa sarili mo na mataba ka o tumaba ka. ( Medyo pa lang naman. Kumbaga pinoproseso mo pa lang yung pagtanggap ganun.) Pero merong mga tao na alam na ngang mataba ka, binibigyan pa nila ng conviction na talagang mataba ka. Bakit? Para lang sirain yung momentum mo. Yung tipong pwede ka namang batiin ng, “Huy. Kumusta na? Nakita ko sa X-ray mo ang busilak daw ng kalooban mo.” pero mas pinili nilang sabihin na, “Huy. Tumataba ka ata?” na parang di pa sila sure. Pero dahil confidently beautiful with a heart ka naman with some extra fats, idadaan mo na lang sa mas dalisay na sagot kase ang dami mong time.

#1. 


#2. 

#3.


#4.


#5.

#6.

#7.

#8.

#9.

#10.



#11.

#12.

#13.

Then after mo mahimasmasan, pwede mo ng sabihin sa sarili mo, 

“Makapagdiet na nga. Leche.”

Senti
Moonstar88
Senti

Moonstar88 - Senti

Tumugtog ‘to kanina sa sinakyang pampasaherong bus & nangilid ang luha habang bumababa ako. Ang tindi ng hugot nung tinig ni Maychelle & syempre marahan 'yung arrangement sa Yano gem na 'to. Pero ngayon ko lang talaga nadama kung gaano ka-solid 'yung pagkakakanta. Tatagos sa buto ngunit hindi ka iiwang lantad & hubad, kundi yayakap sa'yo, isang banayad & masiglang yakap.

HINDI PORKET MAY NAGPAPICTURE SA'YO, CUTE KA NA.

Setting: Me, Sa may dalampasigan, sinusubukang ireunite ang sarili sa kalikasan. Sa gitna ng aking pananahimik, may walong parang high school student na lumapit sa akin. Malapit lang siguro ang bahay nila doon. Anim na babae, dalawang lalaki.

“Kuya, papicture naman kami sa'yo.” And i was like, “Sure ka ate? o kayo yung pipicturan ko?” At nagpapicture nga sila saken isa-isa.

Sa gitna ng malaking suliranin ng ating bansa, Isa itong malaking katanungan,

*drum roll*

Bakit sila nagpapicture saken? 

Unang una, common sense ito, hindi naman ako celebrity, at mas lalong hindi din ako mukhang celebrity. < Insert sobrang daming humiliation sa physical appearance ko. >

Pero ito ang ilan sa mga teoryang naisip ko ng mg oras na yun.

a. Kinunan nila ako ng picture para ipa-mass print at ipaskil sa mga poste ng barangay na nagsasabing, “Nakita po namin ang manyak na ito na nakikipaglampungan sa may dalampasigan. Wag tuluran.”

b. Gusto nilang gamitin ang picture ko para kulamin. Dahil lahat sila ay member ng Kulam-Kada. At dahil hi-tech na ngayon, may android app na para kulamin ako in an instant.

c. Ngayon lang sila nakakita ng isang rare-specie na katulad ko. Payat. Mukhang penguin. Walang balikat. Pagkatapos ng leeg, braso na. At dadalhin nila ako sa wildlife kung saan ako nabibilang.

d. Every year kailangan nila ng isang sariwa at virgin na handog para ialay sa kanilang Panginoon. At ako yun. Tutuhugin nila ako sa malaking barbecue stick at kukunin nila ang aking busilak na kalooban.

e. Ang pagpipicture na yun ay parte ng isang ritwal. Nahypnotize ako at wala akong naalala sa mga nangyari. Pero ang totoo, inanakan ko silang lahat. Ginawa nila akong sex toy para maparami ang kanilang lahi.

Pero kung ano mang dahilan yun, sana hindi sexy lips yung gamitin nilang filter pag inupload nila sa FB please.

Hindi kami naiinlove sa ganda o ka-sexyhan ng isang babae.

Sa totoo lang sa magandang ugali kami nai-inlove. Kaya wag kang magtaka kung maganda ka na nga at sexy ka pa, Pero lagi ka namang iniiwan dahil sa ugali mo. Wag ka na ring magtaka kung bakit mas matagumpay pa ang buhay pag-ibig ng mga panget kesa sa'yo. Dahil kung may salamin lang para sa personalidad o ugali, Baka wala nang makipag-kilala sa'yo kung puro panlabas na kagandahan lang ang lagi mong papairalin. <3 Mabuhay ang mga panget na may busilak na kalooban. lol