buhaymedtech

BOARD EXAM TIPS!

1. Hindi sapat na masipag ka.
-kaagibat ng kasipagan ang pagiging ORGANIZED. MAKE A TIMELINE para sa iyong aaralin na Subjects.

2. Too much love will kill you.
-Tulad ng pag-ibig. Huwag kang magpakalango sa kape. Kaya ka may timeline para makapag-aral kang mabuti.

3. HAVE ENOUGH SLEEP.
-Huwag mong pwersahin. MASAKIT.
Masakit sa ulo mag-aral ng kulang sa tulog. Masakit rin kapag sobra. Information overload ika nga..

4. REWARD YOURSELF.
-Don’t put too much pressure. Breathe. Relax and reward yourself after a long day of review.

5. At ang pinakaimportante, LEAVE IT ALL TO GOD. Magdasal na Gabayan ka at ibigay niya sayo ang titulong ito. Kasi habang lumalapit ang araw ng eksaminasyon masasabi mo na lahat ng inaral mo will never be enough! Pero kung kasama mo siya. It will be enough.

“Aral mabuti, landi matindi, manalig at magdasal ng mas matindi.”

TIPS FOR INCOMING SILLIMAN UNIVERSITY MEDTECH FRESHMEN:

Clinical Laboratory Science or Medical Technology is a branch of laboratory medicine dealing with the examination of the body fluids and tissues with the use of various chemical, microscopic and bacteriological methods. Sounds complicated, right? Here are some of my tips to survive the beginning of your journey:

  • Get rid of blood and needle phobia. If you’re too lucky to get MT13 for the first semester, then brace yourself. MT13 is more on Phlebotomy where you have to grab a lab partner and start withdrawing blood with each other. Believe it or not, most of us, even we MedTech students, are afraid of needles but we have to get rid of that stereotype because you might be probably wondering why your name is on the ‘advised to shift’ list. 
  • Don’t pressure yourself. It is expected that Clinical Laboratory Science is a tough field. Most of the professors especially from biological sciences are feared since they will really put you in an autoclave-like (high pressure and high temperature) pre-med life. Time management is the only key to overcome the stress. The only thing you have to do is to start your tasks ahead of time and do advanced study if you have free-time but be sure to have time for leisure and relaxation as well. MANAGE YOUR TIME PROPERLY.
  • Be patient. Medical Technology will really tempt you to become ill-tempered especially when you’re stressing yourself too much on paperwork. Keep in mind that the foremost attitude of a medical technologist is being patient. Do you expect to pass MedTech and do laboratory tests well in the future if you, yourself can’t even show patience to your paperwork and homeworks? NO. So, keep smiling to have dimples instead of having wrinkles. It’s the best way to exercise your zygomaticus muscle too :)
  • Be kind and respectful to our department especially in Biological Science department. You’ll find out that soon. LOL!

        Just love your Pre-Med life and have fun! We also have exciting activities prepared by the Medical Technology Society Officers to show that we just don’t stay inside the laboratory performing complicated laboratory tests and befriend microorganisms but we also need leisure too, you know. haha. Good luck! :-)

Para sa Hopeless MedTechs

Kung mayroong libro “Para sa Hopeless Romantic”
Ako din may istorya “Para sa Hopeless Medtechs”

Isang Taon na akong Graduate sa kursong ito, kumuha ng eksaminasyon noong taon rin yun at isa sa mga pinalad makapasa.

Pero katulad ng specimen sa Histopath…
Pagkatapos ng LABELING ng tatlong letra sa aking Pangalan ay hindi ko inakalang dadaan ako sa matinding FIXATION stage ng aking buhay bilang isang Rehistradong Medtech.

Kumpara sa ibang kasabay ko, hindi agad ako pinalad na magkatrabaho.
Naging PRO-MT ako (Part-Time, Reliever, On-Call Medtech)

Hanggang dumating ang isang job offer sa isang pribadong hospital. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagiging trainee, Ako'y nasilaw, natukso dahil may kalapitan at akala ko'y may kakapitan. Lumipat ako sa gobyernong hospital.

tulad ng isang Hopeless Romantic, ako'y naging Hopeless Medtech rin. Naging HOPIA ako at nawala ang aking trabaho dahil hindi naman ako naabsorbed at sa kadahilanan mahirap pumasok sa gobyerno na wala ka naman kakapitan at lalapitan, sapagkat doon ay palakasan.

Anong Moral ng Kwento ito? Lalo na sa mga bagong RMT dyan na naghahanap ng trabaho katulad ko?

A.) Makuntento kung anong meron ka, huwag kang magpalinlang lalo na kung stable ka.

B.) Alamin mo talaga kung anong gusto mo. Sa hospital ba? Free standing lab? Specialized lab?
-Mahirap kasi kung hindi mo alam ang gusto mo. Ang tendency masisilaw ka sa kaliwa’t kanang offer ng trabahong naghihintay para sa iyo.

C.) Alamin ang priority. Para sa pera ba? O sa experience? Kasi kung pera lang din. Magising ka sa katotohanan na minsan, wala pa sa minimum ang sahod natin lalo na kung nasa pribadong instituition ka.
Kung naghahangad ka naman ng mataas na sahod. Mag-gobyerno ka. Ihanda mo lang ang sarili mo maging aliping sagigilid ng ilang buwan dahil mahirap talagang makapasok doon kung wala kang kakilala/BACKER.

D.) at higit sa lahat, NEVER LOSE HOPE. Ang trabaho nandyan lang yan. Tandaan mo. Hindi lahat ng medtech nasa Hospital. Yung iba nasa free-standing lab, yung iba patuloy na nag-aaral, yung iba magiging professor, at yung iba luma-lovelife lang.

Wag kang mag-alala. Wag ka mawalan ng pag-asa.
‘Do your best, and Let God do the rest"

Graduate ka na! Handa ka na ba ?

Matapos ang apat na taon na paghihirap at pag-iyak ng luha, dugo at body fluids ay naitawid mo rin ang kursong ito.

Pero teka handa ka na ba?
Kasi sa kabila ng lahat ng yan
Ay may isang pagsubok ka pang haharapin.

ANG LICENSURE EXAMINATION.

Madami nang naglabasang Review Center ngayon.
Nandyan ang PERC, ACTS, SLRC, Top 1.
Nakapagpasya ka na ba kung saan ka papasok?
Summer batch?
First batch? O di kaya'y
Second batch?
Ang dami kong tanong ano?
Ikaw lang makakapag decision nyan.

Noong naghahanda ako sa paparating na Board Exam. Sa pioneer ako. Yung ibang kilala ko. Sa PIO din. (PIO) Payo ni nanay at ni tatay sa bahay. *facepalm*

Sa totoo lang mga katoto..
Hindi mahalaga kung nasa pinakilala o pinakamagaling na review center ka papasok.

Ang mahalaga rito ay ang Dedikasyon mong MAG-ARAL/PUMASA.
KASIPAGAN sa kabila ng histoPATULOGic at iba pang subjects na nakakaantok.

At Higit sa lahat kumpyansa sa sarili at tiwala sa sarili at syempre..

Sa Panginoon.

“PRAYERS MAKE MIRACLES”
So study hard, effort harder, pray hardest.

I deserve a froyo!…A very much needed cup of happiness to destressed and all that… Finally done with all the finals and now I could say ‘Hello springbreak! and hello spring time!’ #spring2014 #springofficiallystarted #myfavoriteseason #birthdayiscoming #happinessinacup #froyo #dessert #buhaymedtech #futureCLS #

Made with Instagram