buhay-ko

wala ng ganap sa buhay ko. dapat nag oojt na ko ngayon. pero eto nagoojt ako sa panunuod ng series. inenroll din pala ko sa gym pero tangina kain lng ako ng kain dito tapos pagkadating nya from work tatanong kamusta araw ko sasabihin ko sakit katawan sa pag ggym with onting acting tangina vaaaaaan. pero oy kung may alam kayong mapag oojthan. sa HR setting po o kaya sa school for educ setting ko at sa psych clinic for clinical setting. psychology course ko yung may marereto may dickpic dejk haha seryoso yan ah salamat

Huwag mo muna akong pakawalan, pakiusap. Hindi pa ako handa. Hindi mo naman ako inabisuhang malapit na pala tayo sa dulo. Wala pa sa kalahati ang may marka sa mga planong balak sana nating kulayan. Akala ko'y may pang habang-buhay pa tayong pagsasamahan. Akala ko nangako tayong walang wakas. Akala ko maghahawak kamay tayo sa bawat sayaw ng buhay. Akala ko hindi magpapatangay sa alindog na nasa kapaligiran. Akala ko takot ka sa mga pansamantalang bagay. Hindi ko maunawaan ang pananaw mo. Hindi ba’t kabisado mo na ang kinaroroonan kahit hindi na kita gabayan. Alam mo na dapat ang bawat pasulong. Hindi ko alam kung bakit naliligaw ka. Hindi ko alam kung bakit pinili mo ang pait ng lumbay laban sa tamis ng pag-ibig.
I have those lutang moments

Tulad ng isang styropor na naligaw sa gitna ng dagat, ang buhay ko ay palutang-lutang. 

Sumasabay sa agos ng buhay. Minsan nakatitig lang sa alon pero hindi gumagalaw. Hindi kumikilos. Walang ginagawa. 

Alam ninyo yung pakiramdam na mayroon kang gustong gawin at mayroon kang kailangang gawin pero hindi ka makagalaw. Para bang na-sting ka ng isang jellyfish na sa sobrang sakit, hindi mo na maipadyak ang mga paa mo?

Hindi ko alam kung paano magsisimula. 

O magpatuloy.

Napakaraming factor ang gumugulo sa akin, sa atin. Na nalilito tayo kung saan lalangoy, kung paano lumangoy at minsan, kung paano ba lumutang sa tubig.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Doon ba sa kabilang isla? Sa pampang? Sa daungan ng mga malalaking barko?

Noong bata ako, excited akong lumangoy. Minsan nga. pinupunan ko na lang ng tubig ang pulang batsa na ginagamit ng tita ko sa paglalaba. Masaya na ako doon. Nagtatampisaw. Nagpapalamig.

Ngayon, hindi na ako makangiti sa gitna ng dagat. Nalulunod na ako, hindi sa tubig na galing sa Dagat Pasipiko, kundi sa karagatan ng responsibilities, expectations, insecurities, kaba at takot.

Mahirap yung ganito. Siguro dahil hindi na ako bata, kaya wala nang mas matanda sa akin na nagsasabi ng umahon ka na diyan, baka magkasakit ka o huwag mong paglaruan yang hose, sayang ang tubig. Kahit may mga tao sa paligid mo, sarili mo pa rin naman ang kikilos at magdedesisyon.

Naiintindihan ko na yung mga magulang ko, tito at tita, kung bakit sila nahihirapan noon. Kung bakit nagpapasaway pa ako sa kabila ng pagod nila sa trabaho, kung bakit nasasaktan nila ako kapag sinasagot ko sila nang pabalang. Well, deserve ko naman kasi talaga ang masinturon at makaluhod sa asin.

Hindi na ako bata.

Hindi na ako bumabata. Regalo na sa akin kung makakatawa pa ako o makakangiti sa kabila ng mga nangyari, mangyayari, responsibilidad at expectation sa sarili. Mahirap i-sustain ang happiness ah. Siguro dahil introvert ako kaya nasasabi ko ‘to pero sa tingin ko, halos lahat tayo, magdaraan sa ganitong stage. Kung saan para tayong isang styropor na palutang-lutang sa dagat. Hindi alam kung saan aanurin. Hindi alam kung saan mapapadpad.

Naiinis ako kapag ‘yung tao biglang babalik sa buhay ko na para bang walang nangyari or patay malisya na para bang wala silang ginawa sa akin dati. Minsan, napapatanong ako sa sarili ko na.. ganun ba talaga kababa tingin nila sa akin? Ganun ba kakapal ang mukha niya para balewalain lahat nung nangyari dati at mag pretend na walang nangyari at maging cool na lang? Gusto ko sabihing hindi ganun kadali ang lahat, kung ano man ako ngayon, dahil 'yun sa lahat nung sakit na iniwan nila sa akin dati. 'Yung sakit na tinake advantage ko para mas maging mabuting tao.

Hinding hindi ko hahayaang saktan ulit ako ng mga taong ito. Hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa nila sa akin dati. Never magiging option ang isang katulad ko.

The Bakit List

(A collaboration between @ultimate-false-hope and @dxmxgedmxrionette)

1.
Bakit sinabing mahal mo ako?
Kung hindi naman pala totoo
Sinabi mo'y aking sineryoso
Yan tuloy nagmukha akong gago.

i.
Bakit kailangang matapos sa halik
At sa mga salitang hindi naisatinig
Kaysa piliing sa akin ay bumalik
At muling tumira sa aking mga bisig?

2.
Bakit ipinagpalit mo ako?
Ibinigay ko naman lahat sa'yo
May pagkukulang ba ako
o sadyang di ka marunong makuntento?

ii.
Bakit mo sinabing kalimutan na kita
Na para bang ang daling iwanan ka
Kung sa lahat ng nakikita ko ay ikaw ang naaalala
Maging sa pagpikit ikaw lang ang nakikita

3.
Bakit hindi ako ang pinili mo?
Lahat naman ginawa para sa'yo
Alam kong hindi ako perpekto,
Pero ano bang meron siya na wala ako?

iii.
Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo
Na habambuhay kang mananatili sa tabi ko
Sa iyo na umikot ang mundo ko
At tumigil ang lahat noong inabandona mo ako

4.
Bakit ang dali sa'yong bitawan ako?
Ganun ba ako kawalang kwentang tao,
Kailangan pa bang mawala ako,
bago mo malaman ang halaga ko?

iv.
Bakit mo ako pinaniwala sa ilusyong merong ikaw at ako
Kung sa una pa lang ay wala na talagang “tayo”
Walang pinanghawakang kahit ano
Bukod sa sinabi mong baka mahalin mo rin ako.

5.
Sa pangyayari'y maraming natutunan
na hindi lahat ng nagbibigay ay nasusuklian
Kaya ito ang inyong pakatandaan,
Huwag umasa kung ayaw mong masaktan.

v.
Akala ko ikaw na ang sagot sa bawat “bakit” sa buhay ko
Dahil minsang pinaniwala mo ako na ang happy ending ay totoo
At sa minsan na iyon, nagkamali pa ako.
Nagkamali pala ako dahil ikaw ang naging sagot ko.

Lumaki akong kasama palagi ang aking lola. Dahil madalas wala ang aking mga magulang, masyadong marami ang pinagkakaabalahan sa kanila trabaho. Palagi nya akong pinagluluto ng paborito kong tsamporado. Masasabi kong binibigay lahat sa akin ako dahil only child ako ng Elmido family. Dinadalaw ko sya parati simula nung nagkaroon sya ng sakit sa balat. Ang huli kong dalaw ay masaya sya, nagtatawanan pa kami. Pero biglaan talaga na kinuha na sya ni Lord. Healthy sya sabi ng doctor. Masakit kasi wala na sya at naalala ko yung huli kong dalaw. Yung pagtatawanan namin at ang kanyang ngiti tuwing may dadalaw sakanya na mahal nya. Sana dinalaw ko sya araw araw. Sana kumuha pa ako ng mga litrato na masaya sya. Masakit man sa damdamin habang sinusulat ko ito subalit nais kong maging parte ito dito dahil mahalaga sya sa buhay ko. Ito'y magsisilbing paalala na walang kasiguraduhan ang buhay kaya pahalagahan mabuti ang oras, gamitin nang maayos. Bigyang oras ang taong mahal mo sa buhay. Gawin ang dapat gawin. Sabihin ang dapat sabihin. Kung bibigayan man lang sana ako ng pagkakataon na ibalik ako oras;

kung alam niyo lang, mas masarap pa rin talaga maging estudyante kaya sana wag kayo magmadali. atat na atat na kayo magkatrabaho pero jusq sinasabi ko sa inyo, malilimitahan na lang yung mga bagay na gagawin niyo. masarap kumita ng pera, oo naman. pero doon mo maiisip na sobrang hirap pala kumayod, na tipong “ay shet ganto pala nararamdaman ng mga magulang ko” wala lang, napaisip lang ako. ang bata bata ko pa pero kelangan ko na agad mag-isip at dapat alam ko na yung mga goals ko sa buhay. pero okay lang, eto na yun eh. andito na ako so bakit pa ba ako magtataka diba? sunod na lang tayo sa agos ng buhay. pero eto lang talaga, mahirap magkasakit kapag adult ka na, wag na wag. kaya ingatan niyo mga self niyo, okay?

Lahat nung dumating na babae sa buhay ko. May mga partner na. Masaya na lahat sila. Habang ako, walang magawa kundi maging masaya na lang sa kanila. Minsan di ko maiwasang isipin kung ano ang ginawa ko at hindi naging ok yung sa amin dati. Wala namang problema. Sobrang naging mabait lang ako sa kanila. Kahit ano gawin ko hindi ko na mababago yun. Masaya na lang ako na minsan eh naging parte sila ng buhay ko. Sila ang humubog ng mas matinong ako. Yung mga nangyari sa akin sa nakaraan? Yun ang naging way para ma reach ko yung maturity when it’s come to love.

Labo ng life minsan. Mas madalas na hindi mo ma gets. Pero dahil nagtitiwala ako na may nakalaan para sa akin at hindi ako pababayaan ng poong maykapal. Petiks lang ako ngayon. Walang inaalala. Kumukuha ng saya sa mga kaibigan. Palaging umaalis kasama ang mga kaibigan para hindi malungkot.

Maraming nangyayari na hindi ko kayang dalhin mag-isa. Pero patuloy ko lang na nginingitian. Dahil alam kong darating yung araw at malalagpasan ko rin ang lahat ng ito.

Isang taon

Uyyy grabe isang taon na ngaun yung blog ko. Hahahaha. Nashookt ako. Sobrang daming happenings sa buhay ko ngaun, di ko na ramdam isa-isa. Ang laking pagpapasalamat ko talaga sa lahat ng naging parte ng buhay ko mula sa community na to, lalo na sa sawarikoy @cm-psycho @xbabaengnafriendzoned @the-bakitlist @bejsheet @foureyedmonsteryeah-x @klershampoo @klershampoo @jssxgrt @naghilomnasugat @lalaking-iniwan @malaykosayo @themissingsoulfromnowhere @araykomasakit @anak-ni-freud mga nakasama ko halos buwan buwan. 

 kina, @babaeng-mahilig-sa-fries @sisangbuhayniya @the-reckless-rebel @cammiecpa @bonifaciamadlangtuta @naligawsaneverland @eyy-story @fallenpoetess anonkada na minsan ko lang nakita, miss ko na kayo.

lalo na kina @sikolohistang-baliw @kendallhappens @mckorney @yurimonsterx @misstemporary @vanillafrap @voonakid @earthtonicaa @antukingpogi @moodlekoodle @ex-masbitterpasakape @sandarafreedompark @dumadalandan na nakasama ko sa mga walwalan days ko :) miss ko na kayo :( 

kina @babaengplywood at mommy @lovelettersfromthedead miss ko na kayong dalaawa :( sana magkita na ulit tayoooooo. 

 at sa mga nakakausap ko dati, andami nyo. iba sa inyo, inactive na din, ilan nag palit ng url, ung iba di na namamansin, ung iba, casual nlang :) 


see you sa tsamu guys! :) makikita ko na kayo ulit. SOOON!

Hello, Tumblr. 

So kanina pumunta ako ng Harbour Square sa Malate. Gusto ko lang magliwaliw tapos onting photowalk hanggang sa napansin ko tong girl at ang ganda ng buhok niya pati face and style. Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sa place ko kung saan ako nakatayo. Bigla akong kinabahan hanggang sa nag lalakad lakad ako, nakikita kong tumitingin siya saken. I badly wanted to know her social account so I asked her “Hello, may instagram ka?” tapos nag smile siya saken, binigay niya yung username. Tapos bigla na akong dumistansya. 

Binuksan ko yung bag ko, kumuha ng sigarilyo at umupo sa tabi. Nahuhuli ko parin yung mga tingin niya kahit malayo na ako. Never pa sa buong buhay ko na may tumingin saken ng ganon. I followed her and I said “Hello” sabi niya “Hey! Ikaw yung kanina diba?” Hala gago natuwa ako nung sinabi niya yan.

(Fast forward) I asked her kung ako lang ba o tutingin din siya saken kanina. She replied “Oo, I was looking at you. There’s something about you that intrigues me. I guess were supposed to cross our paths. It’s kinda weird because i don’t think about these things pag may nagpapakilala saken. And I was excited to go online and see if nahanap mo ako sa ig.”

I’m shookt everybody. And that’s for now. 

hello sa mga taong naninira dyan para lang iwasan ako ni ano. unang una hindi na dapat ako nag e-explain pero para lang magkaroon kayo ng idea kung gaano kayo kabobo, oo bobo talaga kayo. pangalawa, gaano ko ba kayo kaclose para sabihin na “he’s just playing around" at “wag mong seryosohin si mark” like tangina wala akong pake kung sakin napunta crush niyo dahil hindi niyo ginagalingan. pangatlo, jusq kayo pa talagang magkakaibigan ang magsasabi niyan eh hate niyo naman ako noon pa lang pero who cares? bakit ba ang desperado niyo. pang apat, ang kakapal naman ng mga mukha niyo para kausapin ako tapos ang dami niyong sinasabi sa likod ko pero given na yon at hindi na ako magtataka dahil lagi ko yan na e-encounter kaya sobrang basic na yan sakin. pang lima, bakit ba inggit na inggit kayo tangina edi sa inyo na yung tao hahaha ang dami dami pa dyan. pang anim, guys keep on hatin me wala kayong mapapala dahil tatawanan at iinisin ko lang kayo lalo. last na to, uy tigil tigilan niyo na yan dahil dyan lang kayo magaling pero kapag tinag ko kayo dito tignan ko lang kung magpapakita pa kayo sakin sa tsamu. pwede ko naman kayo sapakin agad eh??? hays nakakatawa talaga mga katangahan niyo. pero astig ah, tihimik lang kaming dalawa pero nalalaman niyo pa rin hahahaha ganyan ba talaga kainteresado ang buhay ko para sa inyo? at anuba tangina tao lang yan tapos nagkakaganyan kayo para kayong mga bata mga animal na to. labyu :*

I

Akin nang tatapusin ang mga gabi ng pagluha
Mga tanong na walang tugon na makuha
Ang paggunita sa iyong mukha
Paghihilumin na mga sugat na tinamo
Ng pusong nasaktan nang husto

Salamat sa lahat ng lungkot at ligaya
Sa mga masaya’t mapait na ala-ala
Sa mga aral na sa ‘yo'y aking nakuha
Sa sandaling panahon na tayo'y nagkasama

Handa na akong tanggapin na wala ng Tayo
Na sandali lamang ang parte mo sa buhay ko
Na hindi talaga ikaw ang para sa puso ko
Pinapalaya ko na ang aking sarili
Mula sa tanilakang ala-ala ng dati

II

Masakit man ang ginawa mo'ng paglisan
At ang iyong biglaang pag-iwan
Hindi na hahayaang manirahan
Ang galit sa aking puso’t isipan

Paunti unti ay akin nang susubukan
Na kalimutan ang ating mapait na nakaraan
Ngunit kung sa paglimot ko ako'y masaktan
Tatanggapin ko kung kinakailangan

Ako'y magsisimula ng panibagong landas
Hindi na muling babalikan ang mga oras
At ang mga pangako ng pag-ibig na wagas
Buburahin ang lahat ng natitirang bakas
Ng pagmamahalan na tuluyan nang nagwakas.


Collaboration by: @euphonystar (first) and @scribblermikay (second)