buhay internet

Naalala mo pa ba nung baguhan ka palang sa twitter o sa tumblr? Yung talagang wala kang kaalam-alam kung paano to gamitin. Tapos hanggang sa dumami na yung followers mo, tapos dumating na sa point na Inadd ka na sa facebook, pati sa wechat o kaya naman eh nagkakausap na kayo sa Viber. Yung tipong nagpupuyat kayo pareho kahit na kinabukasan ay may pasok kayo. Masaya lang kasi kahit papaano eh napapasaya niyo yung isa’t isa even if di naman talaga kayo magkakilala sa personal. Pero, wala naman nananatiling permanente eh. Lahat nawawala’t nagbabago. Hindi naman palagi kayong magkakausap. Nakakalungkot lang dahil habang tumatanda ka, dumadami na rin yung mga pina-prioritize mo sa buhay at sympre ganun din sila. Kaya sa bawat taong dumadating sa buhay natin, sulitin na natin yung opportunity. Dahil sa bawat tao, may sari-sariling kwento at sa bawat kwento may matututunan tayo  — at yun ang importante, mainspire natin yung ibang tao kahit sa pinakasimpleng bagay na maaari natin magawa.

Pag ang bisyo masimulan, mahirap nang tigilan. tama nga naman, mahirap talagang tigilan ang bisyo lalo na kapag naadik kana. teka ibang bisyo sinasabi ko ah baka kung anong isipin nyo hehe. syempre bisyo ko lang naman eh mag internet. simula nung matuto akong mag computer eh hindi ko na maiwasang hindi mag internet. dati halos walang araw na hindi ako gumagamit ng computer, ngayon mas lalo pa ata akong naadik. wala nang oras na hindi ako nag iinternet. kaya minsan ayokong umupo sa harap nang computer eh kasi alam mo na, halos 5 to 8 oras ako kung matapos depende pa yan kapag may project or research akong ginagwa. minsan nga inaabot na ako ng umaga kaka internet. kapag kauwi galing school diretso computer agad. halos daily routine ko na tong ginagawa kaya minsan nasesermunan na ako hehe. kapag hindi kasi ako nakakapag internet para akong nababaliw. kulang na kulang ang araw ko kapag hindi ako nakakapag online. 

Pero napansin ko parang lumalabo na ata yung paningin ko, parang nakakakita ako ng shakra HAHA! di ko mawari basta ngayon, pinipilit ko nang baguhin tong attitude na to. mahirap na desisyon to para sa isang tulad ko na adik sa internet pero kung para sa ikabubuti ng kalusugan naman to eh bakit hindi basta tiwala lang.