buhay bio

I just don't know what to feel

POSITIVE

Una, nalaman ko kahapon na may pag-asa akong makapasa sa Plant Physio dahil sa lab grade ko na **.*

MASAYA

Kahapon na kuha ko na din yung CTC (Certified True Copy) ng regi kong nawala nung monday lang.

MALIGAYA

Ngayon, after 2 years nakuha ko na yung SCHOOL I.D. ko (LITERALLY 2 years kasi sa ilang beses ko ng sumubok pumila sa ICTC at mabigo, i really gave up on it. Nadala sa pakiusapan unang-una kay Lord, then kay Director).

FAVORED


NEGATIVE

Later tonight, habang pinaparesched ko yung appoinment ko sa DFA (dahil nga sa may valid id na ko, gusto ko gawing mas maaga yung appointment), nagrestart yung computer kasi may virus na inalis. In short, umulit ako sa umpisa: paulit ulit na surname, name, middle name, birthday, MAHABANG address (naririndi na ko sa SITIO na sinusulat ko kasi hindi pa kami matawag na BARANGAY ispel kabundukan?) at higit sa lahat, yung paulit-ulit na pag-click ko ng ILLEGITIMATE (ayoko talaga nito).

KARINDI

Much later tonight, nalaman kong yung niresched na last Quiz sa Plant Physio namin na dapat bukas ay niresched na naman sa MONDAY (akala ko last na yang monday ako papasok para sa removal ko dito, yun pala pati yun mauurong)

TUWA, KABA, INIS, LBM (lahat ng to for the Nth time)

Much much later tonight, yung date na piresched ko kanina, kailangan ko palang ikansela kasi may lakad pala ang pamilya! at ako talaga ang huling nakaalam. takot na ko sa DFA ngayon. dalawang beses ako nagkansela sa loob ng isang gabi. ayokong ibalik nila sakin to noh. :|

KABA, KABA, KABA


Ilang araw ng bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang lungkot na bumabalot sakin. di ko talaga ma-explain kasi di pa naiimbento yung tamang salita para idescribe ang nararamdaman ko. Ewan ko ba, sa tingin ko , di na pwedeng mabalik yung dati. Gusto ko na lang talaga pumunta kay Mama, kasi kapag malayo ka sa kinagisnan mo, may bagong bagay ang mabubuo sayo. Excited na ko. Kasi alam kong magiging okay na ko pagkatapos ng lahat ng toh. :)