bracekada

Uuwi na ako ng Bicol mamaya.

So, today’s the day. Babalik na ako ng Masbate for summer. Sa May or June pa ako makakabalik. Kitakits na lang. Marami akong mamimiss. Syempre, hindi naman ako mawawala sa Tumblr kasi araw-araw pa rin akong magpopost at magpapasaya sa inyo. Taray diba? MIA nga lang ako sa mga meetups ngayong bakasyon. Pahinga-pahinga din. :D 

Ingat kayong lahat! Ingat din ako. Mahal ko kayo. SOBRANG MAMIMISS KO KAYO! See you all soon! Pramis. Mwah mwah tsup tsup! Mabuhay!

Kwentong Braces.

So, mga 4pm ako pumunta sa dentist ko. Hindi naman kalayuan ang clinic niya pero medyo labas kasi sa siyudad kaya medyo mahirap pumunta. Twenty pesos pa ang binayad ko imbis na eight pesos kasi mag-isa lang ako. Nakakainis.

Pagdating ko doon, umupo na agad ako dun sa inuupuan ng mga pasyente at sinimulan na ang proseso.

  • Tinanggal yung mga braces na sira na ang lock.
  • Nilinis yung ngipin ko.
  • Ikinabit na yung mga bagong brackets. (nawala kasi yung iba kaya kulang-kulang yung mga nakakabit sa ngipin ko)
  • Nganga to the max ako nitong mga oras na ito.
  • Wagas ako maglaway, promise.
  • Inilagay na rin yung wire.
  • Okay na. End of process.

Ngayon medyo kumikirot pa rin yung mga ngipin ko dahil nga sa newly-adjusted braces. Hirap na naman akong kumain at magsalita nito dahil pati yung gilagid ko, mag-aadjust na naman. Okay lang, para naman ito sa ikagaganda ng ngipin ko. Hahamakin ko ang lahat. Hahaha.

Ang dami ko na namang namimiss.

Wala lang. Lahat kayo na mga nakabonding ko na at some point, miss ko na kayo. Sana lahat kayo ay makita kong muli. As in lahat kayo talaga magkakasama sa iisang oras at lugar. BONDING TO THE MAX TALAGA. Hahaha. Charot. Hindi ata possible na lahat kayo ay magsama-sama diba. Pero, why not? Uhm, ayun. Nag-eemote na naman ako dahil forever alone ako dito sa school pati na rin sa bahay. :(

I miss you all! See you soon. :“>

Luh.

Biglang sumagi sa isipan ko (yes, may isip ako) kung kaya magiging itsura ko kapag tinanggal na yung braces ko. Woah. 1 year na lang ang “contract” ko with my braces and so far, okay naman na yung ngipin ko compared dati na sungki-sungki at hiwa-hiwalay and everything. At least ngayon, may improvement na talaga. Massive improvement. Hala. Magiging super pouty na ng bibig ko. Natural na yun kasi ewan. Basta. DI ko ma-explain. Syempre, kitang-kita na yung ngipin ko ngayon di tulad ng tinatago ng braces ko yung buong ngipin. Ermegerd. Mas kailangan ko pang maglinis ng ngipin slash toothbrush nito. What. Excited na ako na matanggal yung braces ko. wooo. Sana success ang treatment. 

Excuse the title. Walang kwenta. Wala akong maisip eh. Mwa.